Chapter 2

15 3 2
                                    

CHAPTER 2

ZACK POV

Nagtext si Minjelle na pumunta at manood ako ng contest nila. Pero hindi ako nakapunta. May mga bagay kasi akong inaasikaso.

*Flashback*

Calling unknown number...

"Hello? Sino to?"Matagal din na sumagot yung sa kabilang linya.

[Ah, h-hello Zack?] Medyo nauutal na sabi ng sa kabilang linya hindi ko alam kung yung connection ba o talagang nauutal siya pero boses babae siya. [Si Tiffany to, yung kapatid ni Therese.]

Nagulat ako sa sinabi niya. Siya ang kapatid ng ex ko. Ang unang minahal ko.

"Ah hello ikaw po pala. Bakit ka po pala napatawag ate?" Sa tono ng boses niya parang may masamang nangyari. Hindi paranoid lang siguro ako.

[Ano Zack, si Therese kasi. Kailangan ka niya. May malubhang sakit siya. Kailangan ka niya ngayon sa tabi niya kaya sana masamahan mo siya.]

Hindi ako nakaimik ng sinabi ng ate niya yon, parang lahat ng alaala bumalik. Lahat ng memories namin ni Therese bumalik.

"H-ha? Asan po siya? Ppuntahan ko po siya?"

[Pumunta ka na lang sa bahay, nagpapahinga siya sa bahay kasi ayaw niya sa ospital mag-stay.]

"Sige po ppunta ako." Pag kasabi ko non binaba ko na agad at nag-ayos at pumunta na kila Therese.

*end of flashback*

Si Therese ang unang minahal ko, ang unang girlfriend ko bago pa si Minjelle. Kaya kami nagbreak noon dahil sa pag mmigrate nila sa America. Pumayag na lang din ako noon dahil hindi ko naman mapipigilan ang gusto ng mga magulang niya at para na rin sakanya yun. Akala ko nakalimot na ako, yun ay akala ko lang. Bumalik lahat ng pagmamahal ko sakanya ng magkita kami ni Therese.

Kaya ngayon naguguluhan ako, kung paano ako makikipagbreak kay Minjelle. Mahal ko rin naman siya kaya lang mas matimbang si Therese ngayon at kailangan niya ako. Kaya hindi na muna ako nagpaparamdam kay Minjelle dahil naguguluhan pa ako, hindi pa ako handang makipag-usap o makita siya. Dahil ayoko siyang saktan. Pero mas masasaktan siya kapag pinagpatuloy ko ito at nilihim sakanya.

--

Minjelle pov

Ilang araw ng walang paramdam si Zack sa akin. Kung magkakausap man kami sa text lamang at hindi nagtatagal yon. Nararamdaman ko rin na parang nag-iiba na ang trato sakin ni Zack. Pero wag naman sana.

Sa gitna ng pag-iisip ko biglang tumunog ang phone ko pag tingin ko nag text si Zack.

[Min, magkita tayo sa coffee shop malapit sa school.] Pag kabasa ko ng text niya agad akong nagbihis at umalis. Dahil sabado ngayon wala akong pasok kaya nakastay lang ako sa bahay.

Pagkarating ko ng coffee shop nakita ko si Zack na nakaupo at umiinom ng ice coffee. Agad na linapitan ko siya.

"Waaa Zack! Namiss kita bakit ngayon ka lang nagparamdam sakin? Alam mo bang miss na miss na kita." Niyakap ko siya ngunit hindi ako nakaramdam ng yakap niya pabalik. Parang ang lamig, ang lamig lamig ng aura niya ngayon.

"Ano Min, may sasabihin ako. Naalala mo pa ba yung kinwento ko sayo dating babae?" Napaisip ako sa sinabi niya.

"Ah yung first love mo? Bakit anong meron?" Kinakabahan na ako parang iba na talaga.

"Oo yun nga, ano kasi di ko na to papahabain pa. I need to break up with you Min." Malamig na pagkakasabi nito.

Hindi ako nakapagsalita. Parang tumigil lahat ng oras ko. At tanging boses niya ang paulit ulit na naririnig ko. Hindi ko masink-in sa isip ko ang sinabi niya.

"Tell me you're only joking right?" Pilit na ngiti na sinabi ko sakaniya.

"No, I'm serious here Min. I need to do this, kailangan niya ako may sakit siya." Malungkot na sabi nito at halatang nahihirapan siya ngayon.

"You're breaking up with me because of that..because of your ex-girlfriend ha? Ano bang kulang? Okay naman tayo ah. Bumalik lang yan nag-iba kana. Don't tell I'm just a rebound here?" Hindi ko na napigilan napagtaasan ko na siya ng boses at tumulo na ang luha sa mga mata ko.

"I'm sor--"

"You're sorry ha? Ano pang magagawa ng sorry mo na yan? Mababalik ba niyan yung dating tayo ha Zack?!"

Marami ng tao ang nakatingin sa amin ngayon dahil nga nasa coffee shop kami.

"I'm sorry, hindi ko naman akalain eh. Intindihin mo naman ako, may sakit yun kailangan ako non Minjelle."

"Ah kailangan ka? So ako hindi ba kita kailangan ha? What if magkasakit din ako, ako ba yung pipiliin mo kaysa sakanya ha?"

"No, don't say that. Mahal kita, pero mas mahal ko siya at kailangan niya ako."

"Fine! We're done!" Sa sinabi lang niyang iyon hindi ko na kaya tumayo na ako at tumalikod na ako sa kanya at umalis papalabas ng coffee shop. Akala ko hahabulin niya ako pero akala ko lang yun.

Naglakad ako papalayo sa coffee shop. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ayoko namang umuwi. Hinayaan ko na lamang dalhin ako ng paa ko kung saan man. Ang martir ng luha ko, kahit anong pigil ko hindi ko pa rin mapigilan. Nanlalabo ng ang mga mata ko gawa ng luha na lumalabas sa aking mata.

Hindi ko namalayan andito na pala ako sa playground. Lumang playground na ata to. Umupo ako sa may swing at yumuko na lamang.

May naramdaman akong tao na nakatayo sa aking harapan, sa aking pagkakayuko nakita ko ang sapatos niya. Unti-unti kong ini-angat ang ulo ko at tumambad sa mukha ko ang isang panyong kulay puti.

Ini-abot niya ang panyo ng nakangiti. "Oh, magpunas ka ng luha mo. Magang-maga na yang mata mo." kinuha ko ang panyo.

"Salamat." Maikli kong saad.

"Walang anuman, ako nga pala si..."

---

Sorry na, pasensiya na po. XD Helloo, vote & comment. Pero mas preffered ko ang comment. Hehe. Okay kahit wala akong readers basta gagawin ko to. XD

@meimeidachi

Until I met this Annoying Guy (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon