Chapter 4

6 2 0
                                    

Kasalukuyang andito ako ngayon sa Dance room.

Nagpatawag ng meeting ang group namin sa sayaw. Siguro ipapakilala na rin yung mga natanggap sa Audition. Inaantay na lang namin yung pinakaleader namin.

Maya-maya ay dumating na ang leader namin kasama ang mga bagong mukha. Eto na siguro yung mga natanggap sa sayaw. Huling pumasok ay yung nasa rooftop na nagppractice noon. Nakapasok pala siya, sabagay magaling naman talaga siya.

Isa-isa silang nagpakilala. At huling ngpakilala ay yung lalaking nasa rooftop.

"Kyle Jaden Kim, Kyle for short" maikling pagpapakilala nito.

So Kyle pala ang pangalan niya. May itsura rin pala siya, matangos ang ilong, may itim na buhok kaso parang ang sungit niya. Sabagay masungit nga nung nasa rooftop pa lang eh.

Matapos ang meeting ay pinauwi na kami. Pinag-usapan lang naman ay yung mga darating na event atsaka mga araw ng pagppractice namin.

Kami na lang ni Kyle ang nahuling naiwan dito sa loob ng Dance room. Nag-aayos pa kasi ako ng gamit ko eh. Ewan ko siya bakit hindi pa umaalis.

"Hindi ka pa tapos diyan? Ang tagal mo naman." Nabigla ako ng magsalita siya, ang tahimik naman kasi kanina tas magsasalita siya bigla.

"Ah patapos na bakit? Mauna kana 'wag mo na ko intayin." Sabi ko habang inaayos pa rin ang gamit ko.

"Sino namang may sabi na inaantay kita? Sakin kasi iniatas na isarado 'tong Dance room."

Hindi na ako nagsalita at binilisan ko nang mag-ayos ng gamit para makaalis na dito. Hindi na ako nagpaalam sakanya at lumabas na ako. Bago ako makalabas ay nagsalita muna siya kaya napahinto ako.

"Hindi ka man lang ba magpapaalam? Or disappointed ka dahil sinabi kong hindi kita inaantay?" Nakangising sabi niya.

Naiyukom ko ang kamao ko. Nakakagigil naman 'tong lalaking ito. Napakayabang! Porket gwapo siya? Erase that di pala siya gwapo. Humarap ako sakanya ng nakangisi.

"Ayoko ng pinangungunahan ako, at hindi ako disappointed o kung anoman." Tuluyan na akong lumabas baka di ko mapigilan ang sarili ko at masapak ko siya.

Nakakagigil! Akala mo sinong gwapo. Teka sinabi ko yun? No, hindi yun gwapo. Ang yabang yabang nga eh. Nakapasok lang sa Grupo namin ang yabang na. Aish!

Habang naglalakad ako pauwi samin, may nararamdaman akong sumusunod sakin. Kinabahan ako at medyo binilisan ko na ang lakad ko.

Lakad.

Takbo ng konti.

Lakad.

Takbo ng kon--

Nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko at sa pagkagulat ko naihampas ko sakanya yung bag na hawak ko.

"Aray ko naman!" Nakayukong sabi nung lalaki. Mukhang pamilyar yung buhok niya. Itim na buhok at may bangs na nakaside. Tumingin siya sakin.

"Gosh! Akala ko kung sino! Akala ko isang rapist na or holdapper!" Bulyaw ko sakanya at nagpatuloy nang maglakad. Nakakainis eh.

"Uy sorry na. Di ko naman sinasadya eh. Minumukhaan kasi kita mamaya kasi nagkakamali lang ako pag tinawag agad kita."

Hindi ko siya pinansin at patuloy ako sa paglakad. Medyo binilisan ko nakakairita kasi eh. Dinagdagan pa niya.

"Uy Minjelle sorry na."

"Minjelle, wohoo~ andito ako."

"Sorry na."

"Wag kana magalit."

"Yoohooo~ Minje--" di ko na siya pinatapos at sumigaw na ako.

"Ano ba ha?! Pwede ba! Wag ka na munang magulo! Ang kulit kulit mo!" Tumalikod na ko sakanya at naglakad na ulit.

Hindi ko na siya naramdamang sumusunod sakin.

--

Araw ng sabado ngayon, wala akong pasok. Naisipan kong gumala muna dahil nakakabored din naman sa bahay at lalo lang akong nalulungkot dahil mag-isa lang ako don. Bakit ako mag-isa? Dahil yung mga parents ko ay hindi ko kasama, nasa boarding house lang ako para hindi hassle pag pasok ng school malayo rin kasi ang bahay na tinitirihan namin kaya pinagboard na lang ako nila mama.

Nagbihis na ako at nag-ayos saka ako umalis upang pumunta sa mall.

Nang makarating ako sa mall, nag-window shopping lang ako. Nakakairita nga yung mga sales lady na sunod ng sunod sa akin tuwing papasok ako sa isang shop.

Naisipan kong humanap ng pwedeng makainan at napadaan ako sa paborito naming Icecream store ni Zack. Naalala ko nanaman siya, tuwing may naalala akong memories namin ni Zack hindi ko mapigilang hindi maluha. Haist!

Pumasok ako sa Icecream store na paborito naming kainan ni Zack at umorder ako ng Cookies n' Cream flavor na lage kong inoorder dito. Nang i-serve sakin yung Icecream...

"Ay hi ma'am, bakit ikaw lang mag-isa? Asan po yung lage niyong kasama dito?" Nakangiting sabi nung waitress, siguro namukhaan na niya kami dahil palagi kaming nandito. Nginitian ko lamang siya at umalis na siguro naramdaman din niyang ayoko magsalita tungkol don.

Sa gitna ng pagkain ko ng Icecream, may nahagip ang mata ko na pamilyar na pamilyar sakin. Agad ko siyang sinundan ng tingin sa labas ng store at may kasama siyang babae. Ang sweet nilang dalawa, kulang na lang langgamin na sila sa sobrang kasweetan! Napahawak ako ng mariin sa baso na hawak ko upang pigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Agad akong tumayo at lumabas ng store para sundan sila.

Ang martir ko ba? Oo martir na kung martir hindi pa rin kasi ako makapaniwala na ganon na lang matatapos ang samin.

Sa pagtakbo ko upang sundan sila Zack at yung babaeng kasama niya may humawak sa braso ko upang pigilan ako, at pagkaharap ko isang mayabang na lalaki ang tumambad sa mukha ko.

***

@meimeidachi <--- follow.

Feel free to comment. :)

Enjoy reading~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until I met this Annoying Guy (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon