Chapter Three

7.9K 157 4
                                    

LALONG lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Rebbel. He couldn't believed that despite of his anger, the woman in front of him still managed to smile and even offered her hand over him. And how the hell she knew his name?!

Pinagmasdan lang niya ang isang kamay nitong nakahanda para makipagkamay sa kanya. Naramdaman siguro nito ang hostility niya kaya ilang saglit lang ay nagbawi rin ito ng kamay. Ang pinagtataka pa niya ay kahit obvious ang pagkainis niya sa presensiya nito ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa magandang mukha nito. Come on, Rebbel, since when you started noticing a woman's beauty again? Tanong ng isang parte ng utak niya.

The girl was wearing a yellow hanging dress partnered with faded short jeans—may disenyo pa iyon na parang punit-punit na lalong naglalantad ng mamula-mula at makinis nitong mga hita tanda ng pagbababad nito sa ilalim ng araw. Bilugan ang itim na itim na mga mata nito na may malalantik na pilik. Matangos ang ilong. And last but not the least, she has a full luscious red lips. Pinilit niyang alisin ang mga nakikita niyang katangian nito sa kanyang utak. Man, what are you thinking? Give the fuck up!

"What the hell are you doing here? And how did you get in?" muling naiinis na tanong niya sa kaharap.

"Guwapo ka nga, sobrang sungit mo naman," anito sa harapan niya. Akala siguro nito ay hindi siya marunong makaintindi ng Tagalog. Kahit pa kasi sabihing may-lahi siyang Pinoy ay nangingibabaw pa rin ang American features niya.

"I don't need to please you."

"Nakakaintindi ka ng Tagalog?" tila naa-amazed na tanong nito sa kanya. "Women!" he said exasperatedly.

"Fine. Fine." ngingiti-ngiti pang wika nito. "Nakiusap sa akin si Manang Celia na pumunta rito at sa kanya rin itong access card na ginamit 'ko. Here, nasa ospital kasi 'yong asawa niya. Inatake—"

"I know," putol niya sa sasabihin pa nito. Kinuha niya ang iniabot nito sa kanya. Binuksan niya iyon at isa-isang inilabas ang mga papeles na nakapaloob sa envelope na hawak. Nang masiguro niyang naroon lahat ang kailangan niya ay muling ibinalik niya iyon sa loob ng lalagyan.

"What?" salubong na kilay niyang wika sa babaeng nagpakilala sa kanyang si Pfiper. Nakatitig lang kasi ito sa kanya habang nakapaskil pa rin ang mga ngiti sa labi.

"Alam mo bawas-bawasan mo 'yang pagkunot ng noo mo pati na rin 'yang pagsimangot mo. Sayang kasi 'yang kaguwapuhan mo," tila may panghihinayang na sabi nito.

"I have what I need. I don't see any reasons for you to stay any longer."

Tumaas ang isang kilay nito. "Gano'n lang 'yon? Hindi mo man lang ba ako paiinumin ng juice or what?" hindi makapaniwalang wika nito. "Or just even say a simple 'thank you?'"

"Thank you," he said dryly.

Namaywang ito. "You're not sincere."

"Pardon?"

"Tatagalugin 'ko. Hindi. Bukal. Sa. Puso" anito na para siyang bata na tinuturuan pa lang magsalita.

"I don't have time talking to you. I have lot of things to do. So if you don't mind, you may go."

Nakatitig lamang ito, wari'y nag-iisip ng kung ano pang puwedeng sabihin sa kanya. Right now, her face was expressionless.

"Fine," biglang sabi nito sabay talikod at dire-diretsong nagtungo sa pintuan palabas.

Wonderful Journey (Published/Unedited Version/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon