DAY 1

235 18 6
                                    

Gusto kong magpalit ng UN, keri kaya? Pwahahaha. Kamusta naman? Sa tagal kong di nag-UD dito, may ibang gumawa na rin pala ng ganitech. Ge, push ninyo. Lab ko kayo :) 

DAY 1

 

CONFESSION ROOM

 

Doni: Pinatawag ni kuya sina Eunji at Suho (yie, pwede!) para sa weekly task nila.

 

Big Brother: Gusto n’yo na bang malaman kung ano ang magiging una n’yong weekly task?

Eunji at Suho: Opo. Dami pang echos eh. Ano po ‘yun?

Big Brother: Sige. Ang magiging weekly task n’yo ay tinatawag na Hating Kapatid. Lahat ng gagawin n’yo, kakainin n’yo, gagamitin n’yo ay dapat equal. Kapag may isang nagkulang o sumobra, mababawasan ang slices ng pie sa screen. Intiendes?

Coni: Pagbalik na pagbalik ni Eunji at Suho ay ipinaliwanag na nila ang kanilang weekly task sa mga kapwa nila housemate.

Xiumin: Ay puta! Paano ‘yun kung nagugutom pa ako? Ade magf-fail tayo?

Big Brother: Xiumin, bakit ka nagmumura? Gusto mo na bang mapatawan ng force eviction?

EPS: Bakit mo papatawan ng force eviction ‘yun kuya? Ade nasira script n’yo?

Chen: Ayun naman pala eh. Kuya!

Big Brother: Bakit, Chen?

Chen: Putangina mo po, shit gago tarantado!

Lay: HAHAHAHAHAHAHA!

Yoona: Anong tinatawa tawa n’yan?

Sehun: Wala, hayaan mo yan, ignorante yan eh.

Yoona: Sehun, kala ko ba bulol ka? Parang di naman yata.

Sehun: Ano ka ba! ‘Wag kang maniwala tha mga ‘yun! Thinathabi lang nila ‘yun para thiraan ako.

 

Doni: Inumpisahan na ng housemates ang kanilang weekly task simula pa lang sa shower time at lunch nila. Pero hindi inaasahang magflash sa TV nilang walang antenna ang isang bibingkang nabawasan na ng dalawang piraso.

 

Housemates: HALAAAAAAAA!

EPS: OA ah? Kasama ba yan sa script? -_-

CONFESSION ROOM

Eunji: Kuya bakit po nabawasan yung puto, sino pong kumagat?

Big Brother: Anong puto sinasabi mo dyan? Bibingka ‘yun Eunji.

Eunji: Ade bibingka na. Bakit nga?

Big Brother: Isipin n’yo kung panong pagpaparte ‘yung ginawa n’yo kaninang lunch.

Eunji: Ah, maayos pa nga po ‘yun nung una eh. Tapos ‘yung mga natira po namin, pinakain po namin kay Xiumin. Eh bakit po dalawa?

Big Brother: Kaninang shower. Paano n’yo pinaghati-hatian ‘yung sabon?

Eunji: Ah, ‘yun po ba? Eh hindi po ba kayo naaawa kay Kai? Sa kanya po namin binigay ‘yung dalawang piraso. Di nga po yata kasya eh. Maitim pa rin s’ya.

Doni: Unang araw pala, dalawa na ang nabawas na piraso ng bibingka. Samantala, sunod na pinatawag ni kuya si Kyungsoo at Kai.

 

Big Brother: Pinatawag ko kayo para bigyan ng isang spesyal na individual task na parte rin ng inyong weekly task.

Kyungsoo: Ano po ‘yun?

Big Brother: Alamin n’yo kung sino pa sa hpusemates ang magkapatid.

Coni: Buong magdamag na pinag-isipan nina Kyung ako ba s’ya (charot!) at Kai sa boys’ room kung sino ang magkapatid pa sa housemates.

 

Kai: Paano naman natin malalaman ‘yun?

Kyungsoo: Malay ko d’yan kay Kuya. Nakahithit ata ng floor wax ‘yun eh. Daming alam.

Kai: Ah, ganito nalang! Ichecheck ko mamaya kung sino mga may balat sa pwet.

Kyungsoo: Manyak mo, gager!

Kai: Eh ano ba kasing gagawin natin?

Kyungsoo: Ade uusisain natin mga buhay nila. Halika na sa living room.

Kai: Ano ka ba Kyung! Maghahalikan na lang, bakit sa living room pa? Dito na lang beybeh, kailangan natin ng privacy.

Kyungsoo: Ano bang kabaliwan ‘yan?

Kai: Sabi mo kaya, halikan na sa living room.

Kyungsoo: Sabi ko, “halika na”, hindi “halikan na”.

Kai: Bakit, ayaw mo ba nun?

Kyungsoo: Alin?

Kai: ‘Yung ano. Alam mo na ‘yun! *lipbites*

Kyungsoo: Kai naman! Baka mamaya, i-air nila ‘to sa TV.

EPS: Hindi yan, wala naman sa script ‘yon, dali na!

Kai: Hayaan mo ‘yan, sisikat OTP natin. Ano, game na? *removes his shirt* Kiss kita kapag umangal ka.

Kyungsoo: Kiskisin ko mukha mo sa pader eh. Bahala ka. Pag tayo nawalan ng budget! *leaves*

Doni: Naiwang naka-topless mindless no one who care about me si Kai doon sa loob habang si Kyung naman ay nag-umpisa nang mag-imbestiga. Sino kaya ang magkapatid sa kanila? Apat apat ang Kim, dala-dalawa ang Park. Kaloka diba? Kung gusto n’yong malaman...

 

 

Abangan.

EXO Meets Big BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon