Day 9

142 12 2
                                    

Day 9

Doni:Maganda ang pag-uumpisa ng araw pati na rin ang naging takbo ng kanilang weekly task pero sa hindi inaasahang pangyayari, mukhang may hindi naging pagkakaintindihan sa pagitan ng mga housemates.

DINING AREA

Lunch nang mapagpasyahan ni Tao at nang mga lalaki na buksan ang punyaterang Mang Juan.

Tao: Guys, tara, ulamin na natin 'tong Mang Juan.

Dahil nga nabigo sila sa weekly task, gugutumin sila ni kuya. Chararat. Basta kulang ang budget nila kaya tiis tiis sa konting gulay. Si Mang Juan na lang ang kanilang pag-asa.

Baekhyun: Sige, tara, buksan na natin 'yan~

Eunji: Hala, 'wag na muna kaya? Para mamaya, anytime na may magutom sa'tin or what, may makakain tayo. Oh kaya sa dinner na lang kung sakaling kulangin ulam natin.

Eunji: Guys, mamaya na lang natin kainin yan.

Dara: Oo nga, mamaya na lang.

Ni-let it go let it go can't hold it back anymore na ni Tao ang Mang Juan. Pumayag syang mamaya na lang itong buksan kahit na nai-prepare na nila ang sawsawan na suka at sili.

Pero maya-maya pa...

Dara: Tara, kainin na natin 'yung Mang Juan!

Hindi pa man dinner at ni-let go na nga ni Tao ang Mang Juan pero parang nabastusan s'ya dahil nagsilapitan ang iba pang housemates at binuksan na nila 'yung Mang Juan. Sa isip isip ni Tao: "susmaryosep! pagkatapos kong i-let go kayo lang din pala kakain?! Nasaan ang hustisya?!

Kaya naman dahil sa inis, tumayo na si Tao at nawalan na ng gana kumain. 

Nagpunta na lang si Tao sa garden at dahil sa hindi mapigilang feels, kinuwento nya sa ibang housemates na nandoon ang nakakainis na pangyayari.

Samantalang napansin naman ito ni Kyungsoo at kinuwento kay Dara. Bestfriends na kasi sila eh. Bakit ba? 

Naisipan ni Dara na kausapin muna si Dara bago s'ya magpaliwanag kay Tao. Pero pagbalik nya, nakita nyang umiiyak na like a baby si Tao.

Dara: Hala, Tao. Can I talk to you? Bakit ka umiiyak?

Tao: Ayaw ko na sa'yo! Sabi mo--- huhuhuh. Sabi mo mamaya na kakainin yung Mang Juan tapos maya-maya, kinain n'yo?! Asan ang hustisya noona?

Dara: Hala, hindi naman ako nagsabi na mamaya na lang kainin. Si Eunji ang nagsabi nun. 

Tao: Okay. *hugs Dara*

Doni: Oo, putanginis, bati na agad sila. 

EXO Meets Big BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon