Nag simula ito nung tayo ay na sa high school pa lamang.
Second year high school ako nung naging kaklase kita. Transferee ka noon, at pinag tawanan ka pa ng mga kaibigan ko, nag mukha ka raw'ng bakla dahil sa buhok mo.
Pero kahit ganoon ay wala akong pakialam sa sinasabi nila.
Ilang araw ang lumipas ay naging crush na kita at alam na 'yon ng buong klase. Except sa 'yo, siyempre.
Sa totoo lang ay parang ako pa lamang sa ating klase ang may crush sa 'yo, at masaya ako dun dahil walang ibang mag hahangad sa 'yo kundi ako lang.
Chinito ka, maputi, matangkad, at sakto lang ang iyong ilong para sa med'yo chubby mong pisngi.
Para sa akin, ay sobra ka pa sa perpekto.
Ilang linggo ang lumipas ay tinutukso na ako ng mga kaibigan ko at ng mga kaklase natin, sa iyo.
Hindi ko alam kung nakikita at naririnig mo ba iyon o sad'yang 'manhid' ka lang.
May proyektong ipinagawa sa atin ang ating guro sa Filipino. Gagawa raw tayo ng pelikula tungkol sa Florante at Laura. Napaka saya ko na kulang nalang ay ipag sigawan ko ang aking kasiyahan dahil na sa isang grupo lang tayo at ikaw ang naging Florante at ako ang naging Laura.
Ayon na naman sila sa panunukso at ngumingiti ka lang.
Nung part na ng kasal nina Florante at Laura, na tayo ang gumanap ay gusto kong maiyak sa saya, dahil e-ni-imagine ko nang ganito ang magiging kakahantongan natin, kung sakali.
Nung tumuntong tayo ng third year high school ay hindi na tayo naging mag kaklase. Iniisip ko pa lang na hindi kita masisilayan araw-araw ay parang winawasak na ang puso ko. Kaya naman ay Gumawa ako ng paraan upang makalipat ako sa inyong section.
Nagulat ka pa nga nun eh at itinanong mo pa sa'kin kung bakit ako lumipat. Ang dahilan ko naman ay, " Ayaw ko doon, mas gusto ko dito."
'Nandito ka kasi', gusto ko 'yang e dugtong ngunit nahihiya ako.Mas tumangkad ka at pumuti. Ang iyong ilong at mata ay mas lalong bumagay sa med'yo chubby mong pisngi. Hindi narin katulad noon ang iyong buhok, mas bagay na ito sa 'yo at mas naging gwapo kang tingnan.
Akala ko ay tulad nung na sa second year pa tayo ay ako lang ang mag kakagusto sa 'yo. Oh crap it! Mahal na kita!
Nagkaroon ka ng madaming admirers. Isinisigaw pa nga ng iba na crush ka nila.
Tinitingnan ko ang reaksiyon mo, at tulad ng dati ay ngumingiti ka lang.Alam na din ng lahat na crush kita.
Manhid kang talaga.
Lumipas ang ilang buwan at may nanliligaw sa'king barkada mo.
Tinutukso niyo ako sa kan'ya kahit na hindi ko siya gusto.
Binasted ko siya dahil ayaw kong umasa siya sa wala.
Pag katapos nun ay kinukolit mo 'ko sa tanong mong, "bakit mo siya binasted?" Simple lang ang naging sagot ko, " Dahil may gusto akong iba."
Araw-araw ay sabay tayo kung umuwi kasama ang ating iba pang barkada. Sobrang saya ko na nun.
Isang araw ay umuulan habang papunta tayo sa sakayan ng jeep. Hindi ako nakapag dala ng payong kaya ipinasilong mo ako sa iyo. At ako naman itong nagpipigil sa kilig.
Sasakay ka na sana ng jeep ngunit ibinigay mo pa muna sa akin ang iyong payong at sinabi mong, "Sa iyo muna 'yang payong ko para hindi ka mabasa sa ulan. Isauli mo nalang bukas."
Dahil nga assuming ako at dahil sa ipinapakita mo sa'king pag-aalala araw-araw. Ay inisip at tinatak ko na sa aking puso't isipan na gusto mo rin ako.
Nag confess narin ako sa 'yo. Ngunit parati mo lang dinadaan sa biro at pag sisinungaling na, " May girlfriend na ako." Kahit na wala naman talaga.
Isang araw ay sinabi mong hindi ka maka kasama sa aming umuwi dahil may pupuntahan ka pa. Inakbayan mo ako at sinabi mo sa mga kasamahan natin na,
" Ingatan niyo ang aking---", pinutol mo ang iyong sasabihin at bumaling ka sa'kin, kumalabog bigla ang puso ko sa magka halong kaba at excitement, " Kapatid ko."Iyan ang idinugtong mong nag pa guho sa mundo ko at dahan dahan akong nagising sa katotohanang 'KAPATID' lang ang turing mo sa'kin.
" Reunion, Angela? Where's the venue? " Tanong ni mama.
" Sa Lux Hotel, ma."
Tumango si mama.
Kitang kita ko ang repleksiyon ng aking sarili sa aming malaking salamin.
Pinasadahanko ng tingin ang aking sarili.
Nakasoot ako ng isang long fitted gown na kulay bloody red. Ang aking soot ay mas lalong nag patingkad sa aking kulay.Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umiyak ako ng umiyak. Though, hindi ko
Nakangiting tumango ang aking Ina. Pagkatapos ay lumabas na 'ko at pina tunog ang aking pick up.
Binuksan ko ang front door at sumakay ako sa may drivers seat. Binuksan ko ang radiyo at saktong natapos ang unang kanta at napalitan ng 'Ikaw at Ako'.