Nandito ang pamilya ko, pamilya niya, mga kaibigan ko, at ang mga kaibigan niya.
Nang makarating na ako sa altar ay sakto ding natapos ang kanta.
Marami pang sinabi ang pari bago kami nag palitan ng vows at palitan ng rings.
" You may now kiss the bride." Sabi ng pari.
Itinaas niya ang aking belo at hinigit niya ang aking baywang upang mas magkalapit kami. Hinawakan niya ang aking baba at dahan dahan niya akong isiniil ng halik. Pumikit ako at nangilid ang aking mga luha dahil sa sobrang saya.
Nag tilian naman ang nandirito.
" Mahal na mahal kita, Angela." Aniya at muli akong siniil ng halik.
---
" I'm totally moved on.." Matapang na sabi ko.
Mas lalo siyang nanlomo dahil sa sinabi ko.
Damn! Mali ang iyong pagkaka intindi!
" I'm totally moved on.. And.. I want to have a new memories with you.."
Nakita ko kung pano muling nagka roon ng pag-asa ang kaniyang mukha.
" You mean?...." Aniya at para bang hindi maka paniwala.
" Yes... At pag sisisihan ko sa buong buhay ko kung sasabihin kong, hindi na kita mahal. Mahal parin kita, Jarreck! Mahal na mahal!" Sabi ko at tuluyan ng umiyak.
Lumapit naman siya sa'kin, pinunasan ang aking mga luha at niyakap ako ng sobrang higpit.
Nag tilian naman ang mga taong narito.
"I knew it! I knew it! I knew it! I'm happy for the both of you! " Sigaw ni Roffa, sinita naman siya ni Jerson.
Natawa naman kami.
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa'kin at nagulat ako ng bigla siyang lumuhod.
May kinuha siyang maliit na box sa kaniyang bulsa at dahan dahan itong binuksan.
" Angela Crosto? will you be my Mrs. Angela Croston-Travera?" Nangingilid ang mga luhang tanong niya.
Mabilis akong tumango. " Yes! Jarreck!"
Pagkatapos niyang isuot ang singsing ay tumayo siya at binuhat ako.
Nagsipalakpakan naman sila at nag si tilian.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang nag propose si Jarreck sa'kin. Pinapangarap ko lamang ito noon na akala ko'y hindi na mangyayari.
Ngunit heto at tinupad ang aking pangarap.
I will marry you and we will be having are own one big happy family, soon...
^__^ END...