Angela and Jarreck

7 5 0
                                    

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umiyak ako ng umiyak mag damag. Though, hindi ko siya sinisisi. Ako kasi itong nagpakita ng mutibo at assuming kaya nasaktan ako ng ganito.

Ilang years na din ang nakalipas. May kany kanya na kaming mga trabaho.

Wala na akong balita pa sa kaniya simula nung grumaduate kami ng college.

Nag move-on narin ako kahit hindi naman naging kami. Nagkaroon ako ng  feelings sa kaniya, I think sapat na 'yon na rason para sabihin kong kailangan kong mag move-on.

Pagkarating ko sa hotel ay sinalubong agad ako ng mga kaibigan ko. Maraming nakatingin sa amin habang papunta kami sa table namin.

Ang iba ay nakita kong may mga dalang anak.

" Kayo pala ang nag katuluyan, Gine? Hindi ko inakala 'to. Kailan pala ang kasal ninyo? Ninang ako ah." Nakangiting sabi ko sa aking kaibigan na si Gine. Hindi ko akalaing sila ang mag kakatuluyan ni Xander.

Napakasayang balikan ang high school life namin.

" Oo ba." Ani Gine.

" Mas gumanda ka pa, Angela." Ani Roffa.

" Wala ka paring pinag bago, Roffa. Bulera ka parin." Natawa lang siya sa sinabi ko.

" By the way, Angela si Jerson, fiancé ko." Nakangiting pakilala ni Roffa sa kaniyang fiancé.

" Oh.. Na ka jackpot ka ah. Pogi. Haha by the way I'm happy for you, the both of you. "

" Mukhang sa ating mag babarkada ay ikaw nalang ang walang fiancé, kahit boyfriend man lang. Hay nako.. Loyal ka parin kay Jarreck." Biglang dating ni Ann.

" Oh.. I miss you so much, Ann. Psh. Naka move-on na 'ko noh! Kahit hindi naman naging kami hahaha. Anyway sino naman ang naka tuluyan mo?" Baling ko sa kararating na si Ann.

" I miss you so much, too. By the way, Angela, si Joel my boyfriend."

" Oh.. Naka jackpot karin ah. Haha.. Hmp.. Mukha ako na nga lang talaga ang natitirang single sa ating mag babarkada."
Medyo nag tatampo kunong sabi ko.

" Hindi ka nag-iisa."

Biglang kumalabog ang puso ko.

Hindi ko na kailangang lingonin ang nagsasalita, alam ko na kung sino iyon.

" Uuy... Maiwan muna namin kayo."
Panunukso ng mga kaibigan ko.

Nanlalaki ang mga mata ko ng napagtantong, Ikaw at Ako pala ang kanta.

Nagulat ako ng sabayan ito ni Jarreck.

" Ikaw at.. ako.. Ooh.. Oohoh.. Tayo'y pinag tagpo ooh.."

Mas ikinagulat ko ang pangingilid ng kaniyang mga luha.

" Jarreck.." Naiusal ko sa pagka bigla.

" Kung alam mo lang, Angela.." Aniya at pinunasan ang kaniyang mga luha.

"Anong ibig mong sabihin, Jarreck?"

Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Umiyak si Jarreck, at ikinabigla iyon ng lahat. Lalo na ako!

" Ayaw kong masira ang kung anong meron tayo noon, Angela kaya pinigilan ko aking nararamdaman para sa 'yo. Akala mo lang na manhid ako, pero hindi, Angela. Naririnig ko at nakikita ko lahat ng efforts mo. Hindi ko sinabi dahil ayaw kong masakatan kita dahil hindi pa ako sigurado noon sa nararamdaman ko. Naalala mo pa 'yung minsang hindi ako nakasama sa inyo dahil ay may pupuntahan ako? Sinabi ko lang iyon para hindi ka na umasa sa'kin. Ngunit nung nabalitaan kong umiyak ka pala nun. Nagalit ako sa sarili ko kung bakit ko pa 'yon sinabi. Gusto kong bawiin ang sinabi ko ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Nung tumuntong na tayo ng college ay hindi na ulit kita nakita pang muli. Labis akong nangulila sa 'yo. Doon ko lang napagtanto ang halaga mo. Na... Mahal na kita." Aniya sa gumagaral na boses.

Nag tilian ang mga nakikinig sa amin dahil dun sa huling sinabi niya.

Gusto ko siyang lapitan at punasan ang mga luha niya pero naduduwag ako.

Damn! At ngayon ka pa naduwag, Angela?

Sobrang bilis ng tibok ng aking puso.

Nangilid ang aking mga luha.

Hindi ako makapaniwala.

I'm damn speechless!

" Narinig ko ang sinabi mo ngayon.. Malinaw na 'yon sa'kin.. Ngunit.. Ayaw kong palampasin ang gabing ito na hindi ko sinubukan ang gusto ko... But before that, I just want to ask this,  do you totally moved on?"

Nagulat ako sa kaniyang tanong.

Naka move-on na nga ba ako?

Madaling sabihin ngunit mahirap paniwalaan at gawin.

Ngunit nakaya  ko..

Nakaya ko nga ba?

" I'm.. Sorry.." Sabi ko sa gumagaral na boses sabay punas sa aking mga luha na patuloy paring umaagos.

Nakita ko kung pano bumagsak ang kaniyang balikat at ang sunod sunod na pag patak ng kaniyang mga luha.

Narinig ko rin ang bulong-bulongan ng aking mga kaibigan at ng mga tao, hindi sila makapaniwala.

" I'm totally moved on.. " matapang na sabi ko.

---

Bumukas ang dalawang malaking pinto ng simbahan at hindi paman ako nakakapasok ay nag simula ng tumulo ang aking mga luha.

Nang mag simula na akong mag lakad ay pina tugtog naman nila ang background music na, Beautiful in White by: Westlife.

Mas lalo akong naging emosyonal dahil sa kanta at ng makita ko ang aking mapapangasawa.

Nandito lahat ng mga mahal namin sa buhay.





Ikaw At Ako ( One Shot )Where stories live. Discover now