Pangalawa

5 0 0
                                    

Ikaw oo ikaw na nagbabasa nito
Alam mo ba kung gaano ako kaapektado
Sa bawat pagiwas ng mga mata mo
Mas lalo mong sinasaktan ang puso ko
Ako'y iyong pinapaasa sa mga ginagawa mo
Sa bawat mensahe na ipinaparating mo
Ako'y lalong nalilito
Ano ba dapat kong maramdaman tungo sayo
Minsan ganon minsan ganito
Ipaliwanag mo naman sa puso ko
Dahil pati ang isip ko gulong gulo
Katulad ka ba ng panahon
Na pabago bago ang desisyon
Di mo ba naiisip ang aking sitwasyon
Lahat ng pinapakita mo ay isang illusyon
Pero teka ano nga ba tayo?
Naalala ko wala palang ganito
Humihiling na may pagasa tayo
Dahil akoy lalong mas nahuhulog
Tuwing ikay ngingiti ang puso ko ay kumakalabog
Sabi mo gusto mo akong lapitan ngunit ako'y malayo
Paano naman ako?
Ako na gusto kang kausapin ng masinsinan
Ako na umaasa sa salitang tayo lamang
Ako na lagi kang susupportahan kahit saan
Ako na laging nandyan isang text mo lang
Pero teka may magiging tayo nga ba?
Pareho ba tayo ng nadarama?
O akoy iyong pinapaasa?

Noteee:
Pasensya kung hindi ganon ka rhyme kakasimula ko pa lang at gusto ko lang ito ilabas😚😚

Para kayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon