Nakikita ko nanaman ang iyong pangalan
Naaalala ko ang ating mga nakaraan
Nung tayo ay nagkakasiyahan
Hanggang tayo ay humantong sa ating pamamaalamAkala ko parehas tayo ng nararamdaman
Sa bawat paghingi mo ng patawad ay mas lalo mo akong sinasaktan
At ako naman ay nagbubulagbulagan
Dahil akala ko sigurado tayo sa ating pagiibiganHindi mo man sabihin sa akin
Pero nararamdaman ko na ayaw mo na sa atin
Masakit man sa aking damdamin
Ngunit kailangan ko na itong tanggapinSa tagal ng ating pinagsamahan
Dahil sa isang salita na iyong sinabi ay aking naunawaan
Namulat ang aking mga mata sa katotohanan
Ngayon alam ko na dapat sarili ko muna ang aking pahalagahanAking napagdesisyunan
Ang aking nararamdaman
Kailangan ko nang tigilan
Dahil sa huli ako lang din ang masasaktan
BINABASA MO ANG
Para kay
PoetryMga tulang gusto iparating pero hindi kayang sabihin kaya sa pamamagitan sana nito aking mapahiwatig para kay