(A/N: School uniform at the media)
************Chapter 14: Weird
Skyla's POV
Back to school na kami since monday na ulit.
At ngayon magsisimula yung bwisit na deal na yun.
Makakasama namin yung limang lalaking yun sa break times namin.
"Uy ano? Magkakarera ba tayo?" -Rain
"Hindi. Nakakatamad. And ang manlilibre naman ngayon ay si Zerah dahil 6 hours silang naglaban." Sabi ko. No need to race. Well, nagkakarera lang naman kami kung gusto namin ng libre.
Since may manlilibre naman na, hindi na kailangan ng race. Gets?
Ngayon rin pala ang araw na naka-uniform na kami.
Tapos na ang first week, nabigay na nila ang uniform kaya naman dapat ay naka-uniform na kami.
Actually okay lang naman ang uniform. Ang ikli nga lang ng palda. Hindi ako komportable. Nakatupi ang sleeves ko at hindi sya aabot ng siko.
Par hindi sagabal pag nakikipagbakbakan.
Nakasuot ng stockings na puti si Zerah. Gusto ko din mag stockings kaso ayaw nyang ginagaya sya. Psh.
Si Rain naman ay nakabutones ang buong uniform. Mukha talaga syang mabait.
Si Jordyn ay walang ginawang kakaiba sa uniform. Pero ang sapatos nya ay may heels.
Wedge para hindi masyadong agaw-pansin at hindi mahirapan sa mga takbuhan o kung ano man yun. Sana madapa sya.
Si Farrah naman tuwang-tuwa sa uniform, walang binago.
May parang pin pa yung uniform. Ewan ko kung anong trip nila at may ganito pa.
Mukha kaming mababait! Mukha kaming sosyal na mga tao! Ayoko ng ganito! Gusto ko mukha kaming siga!
"Tara." Sabi ni Farrah at naglakad na papunta sa kotse nya.
Pumunta na kami sa kanya-kanyang kotse at nagmaneho na papunta sa university.
**
Pagdating sa school ay ang dami na namang naka-abang.
Ano ba? Artista ba kami? Mga reporter ba sila? Nakakainis eh. Pagdating na pagdating sa university, mga pangit nilang pagmumukha ang makikita ko.
Diba nakakainis yun? Panira ng umaga.
Nagsibabaan na kami sa mga kotse namin at naglakad papunta sa room namin.
"Shit ang ganda nila sa uniform!"
"Bagay sakanila yung uniform!"
"Tss. Di naman bagay eh."
"Hoy bagay kaya! Sayo kasi hindi kaya ka bitter! Mukha kang unggoy sa uniform!"
"Anong sabi mo?!"
Hindi namin pinansin ang mga pag-uusap nila.
Ang papangit na nga, ang iingay pa.
Parang hindi mga gangster eh.
Pagpasok namin sa room ay umupo na kami sa kanya-kanyang upuan.
Maghihintay lang kami sa teacher namin. For the mean time, matutulog muna ako.
Zerah's POV
Maya-maya ay dumating na sina Zeb.
Napatingin ako kay Lance na nakatingin rin pala sakin.
YOU ARE READING
Gehenna University: School of Gangsters
Mystery / ThrillerZerah Yui Quiever is her name and silent killing is her game. A collaboration story made by me and kaonazhix