✔ 01 ✔

460 22 12
                                    

"Welcome back Mingyu hyung…"

"… and Seungkwannie"

Kita ko ang ngiti sa mga labi ni Hansol.  Sus,  yung nga ngiting yan?! Yan yung isa sa mga rason kung bakit ako umasa noon 2 years ago!  Kaya hinding hindi na ko mag papadala dyan. 

"Ehem Seungkwannie daw oh ehem" siniko ko si Seokmin hyung. 

"Oh, pwesto na kayo mga hyungs!" sabi ni Hansol tapos umupo sya dun sa may dulo. Nag si takbuhan naman silang lahat. 

Shit lang! 

"Oh ano pang hinihintay mo Seungkwan?  Umupo ka na din,  di ka pa ba gutom?" tanong ni Seungcheol hyung. Tinignan ko ang upuan na natitira,  shit naman talaga eh! 

"Himala ata yan!  Hahaha!  Pumunta lang ng New York hindi na matakaw!" sinamaan ko lang ng tingin si Minghao na pumapalak pak ngayon.

"Maupo ka na Seungkwan,  wag ka ng ma arte" sabi ni Jihoon hyung kaya wala akong choice kung hindi umupo.

Paano ba naman kasi, sa tabi lang ni Hansol yung choice ko!  Kainis. 

"Uhm. It's okay if you don't want to sit with me.  I'll just transfer to another table" sabi nya at kinuha ang plato nya. 

Masyado ba kong halata? 

"Ah no no!  Ayos lang sakin haha.  Ano ka ba! Nagulat lang ako kasi kumpleto na uli tayo" sabi ko at ngumiti sakanya.  Kahit na hindi talaga ako mapakali. 

Nag lalaro ang mga emosyon sa utak ko,  hindi ko alam kung bakit. Alam ko isang taon lang dapat ang tagal namin ni Mingyu sa New York,  pero nagtagal.  Kaya dapat moved on na ko sakanya.  Binlock ko na sya sa lahat ng social medias,  pati yung cellphone number nya binlock ko narin. Pero bakit nung makita ko ulit sya bumalik ang lahat? 

Bumalik lahat ng sakit na nararamdaman ko.   .   .

Bumalik lahat lahat,  pati feelings ko. 

Tanginang puso naman 'to. 

Nung unang nasa New York kami ni Mingyu hindi ako sanay ng wala si Hansol.  Hindi ako sanay na hindi ko sya nakikita,  pero unti unti akong nasanay. Kung sanay na ko bakit ganito ako ngayon?

Di nagtagal dumating na ang mga order namin kaya kumain na kami. 

"Oh kamusta naman pala sa New York?" tanong ni Jeonghan hyung. 

"Ayos lang,  ang daming fafa dun hihi" sagot ni Mingyu,  langya to ang landi may Wonwoo na eh. 

"Sa labas ka matutulog mamaya Kim" banta ni Wonwoo hyung kaya nag tawanan sila. 

"— pero si Wonwoo parin ang fafa ng bohaii ko.  Nako!  Wonwoo hyung selos agad!  Hindi pa kasi ako tapos eh!" hinampas naman ng pabiro ni Wonwoo si Mingyu. 

"ang landi nyo kinginaaaaa!" pahirong sigaw mi Minghao.  Sinubuan sya ng pagkain ni Jun hyung habang naka nganga.  Pfft bagay sayo. 

"Oh ikaw Kwan,  kamusta ang New York?" tanong ni Jeonghan hyung.  Tumingin naman silang lahat sakin. 

"A..ah ayos lang naman hyung. Madami akong nakain na masasarap doon! HAHAHAHA"

"Si Kwan, basta pag kain eh no?"ngumuso naman ako sa sinabi ni Soonyoung hyung.  Ganun ba talaga ako katakaw?  T^T di naman diba? 

"Bakit nga pala Two years kayo doon?" biglaang tanong ni Hansol. Hindi ako sumagot, hinayaan kong si Mingyu ang sumagot.  Kaso ang loko tinignan lang ako ng nakakaloko.  Naka nguso pa sya at tinignan ako na SAGUTIN. MO. TANONG. NYA.  look. 

"A.. ah kasi hindi kami pinayagan umuwi nung boss namin sa trabaho.  Ganun kasi dapat tapusin yung contract eh  2 years kaya wala kaming choice" sabi ko at sumubo.  .  . sumubo ng.   .   . pagkain hehehe. 

"Oooh" tumango naman si Hansol at kumain narin.  May times na nag tatama yung siko namin kaya napapababa ako ng braso ko. 

Naiilang kasi ako,  para sakin ang awkward.  Pero parang sakanya wala lang,  ganun ba talaga kadali para sakanya mag move on?  Sana tinuruan nya ko ng skeals nya para natutunan ko ass sun ass pussyball.

Pero sabagay hindi naman nya ko minahal eh bakit sya mag momove on diba? 

Tanga lang Kwan!  HAHAHAHA! 

"Pwede na daw ba kayong mag ka chance uli ni Hansol?" nabigla ako sa tanong ni Jun hyung.  Nanlaki ang mata ko,  kita ko din ang panlalaki ng mata ng tropang bottom.  Tapos nakangisi lang yung tropang top. 

Bwisit na mga to. 

"Shh!  Jun,  kumain ka na nga lang.  Balita ko masarap daw 'to" sabi nya tapos pinasakan ng malaking chicken joy yung bunganga ni Jun Hyung.  Alam kong nagulat din sya. 

*kriiiiing!  kriiiiiing!*

Napatingin ako sa katabi ko. May tumatawag kay Hansol.  Tinignan nya ito,  at tumayo. 

Importante siguro. 

Sino kaya? 

Tsk!  As if naman may pake ako diba?  Wala akong pake. 

"Ah guys excuse me, I need to answer this call" tumango naman sila, lumayo si Hansol. 

"Hello Seo.  .  ." hindi ko na narinig yung iba kasi lumabas sya. 

Seo?  Seohyun?  Ahh baka sila na hehehe.  Pake ko ba hehehe. 

"Chance,  chance tss.  May Seohyun na sya" bulong ko at umirap. 

"May sinasabi ka Kwan hyung?" napatingin ako kay Dino.  Na nasa harap ko lang. 

"Ha?  Wala wala!" sabi ko at umiling. 

Lumapit naman ng konti si Jisoo hyung sakin.  "Narinig ko yun" sabi nya dahilan para mapalunok ako. 

Langya ka talaga Hansol. Kasalanan mo to!  Argh! 

🌸👑🌸

Hi Guyseu~! I promise na tatapusin ko na talaga to,  matagal na kasing nakatambak and I saw na meron pang nagbabasa at naghihintay ng updates nito.  Ayoko namang paghintayin kayo kasi na realize ko na masakit.  Alam ko yung feeling.  .  . CHAROT! 

Basta ayun I'll update daily na.  Kasi malapit narin naman matapos to eh.  Yun lang babush hehehe

bus • verkwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon