Nakatulala lamang si Rosenda ng puntahan ito ng ina sa kanyang silid. Ang liwanag sa kulay berde nitong mga mata ay tuluyang napundi ng maisauli si Jumbo sa pamilya nito. Sa mga Montemayor.
"Rosenda anak? Kakain na.." Pukaw ng kanyang ina sa kanyang pananahimik. Nang marinig ang boses nito ay tila mga patak ng ulan na nag-uunahan sa pagtulo ang kanyang mga luha. Kinagat pa niya ng madiin ang kanyang labi upang hindi nito marinig ang kanyang pagdadalamhati. Ngunit malakas ata ang pandama nito dahil bigla siya nitong niyakap.
"Anak! Tama na.. Huwag ka namang ganyan. Kailangan tayo ni Ruby at kailangan rin magpatingin ni Jumbo sa doktor. Tahan na parang awa mo na.." Lumuluha na ring pakiusap sa kanya ng ina.
Hindi siya nagsalita. Hinayaan niya ang sarili na umiyak ng umiyak. Apat na buwan na mula ng isuli niya si Jumbo sa pamilya nito. Wala naman siyang ipinagdaramdam sa pagsauli niya sa binata sa pamilya nito. Ang kanyang ipinagsisintir ay ang katotohanang may kasintahan itong naiwan at buntis pa!
Ang tulis talaga ng hinayupak! Hmmp!
Bakit ba hindi niya naisip na maaaring may naiwan ito at hinihintay ito ng babae? Bakit ngayon lang niya nalaman kung kelan buntis na rin siya at ito ang ama?
Oo, nagbunga ang kaharutan niya! Ito nga at himas-himas niya ang tiyan. Hindi ito halata dahil itinago nila ito sa kanilang mga kapitbahay. Ayaw ng kanyang amang na maging tampulan siya ng tukso. Disgrasyada na nga ang bansag sa kanyang kapatid na si Ruby. Galit na galit ang kanyang amang ngunit wala rin itong magawa. Dahil kahit si Ruby ay hindi masabi ang pangalan ng lalakeng nakabuntis dito.
"Anak masama sa iyo ang iyak ng iyak, maaapektuhan ang bata sa sinapupunan mo. Halika na! Kailangan mong kumain at ng makainom ka na rin ng gatas at ferrous sulfate." Sabi pa nito matapos punasan ang luha niya. Huminga muna siya ng malalim bago ngumiti ng pilit dito. Tumayo siya at sumunod palabas ng silid. Ramdam niya ang kalungkutan ng bahay nila simula ng mawala si Jumbo. Sabayan pa ng pagkakaospital ni Ruby.
Mabilis siyang lumapit sa lamesa at dinaluhan ang ina sa pagkain. Dalawa lamang sila sa bahay dahil nasa ospital ang kanyang amang at ang bunsong kapatid na si Dangdang. Salitan sila sa pagbabantay. Sa umaga sila ng kanyang mama habang sa gabi naman ang dalawa.
"Rosenda? Wala ka bang balak na ipaalam sa pamilya ni Jumbo na buntis ka at siya ang ama?" Pagkalauna'y tanong sa kanya ng ina matapos dumaan ang mahabang sandali. Saglit siyang napahinto sa pagnguya. Tila may tinik ng daing na nakabara sa kanyang lalamunan. Uminom pa muna siya ng tubig bago nagsalita.
"Hindi na rin po siguro kailangan 'ma. May fiance na siya at magkakaanak pa sila. Malay ba natin kung mahal na mahal nila ang isat isa, at baka makasira lang ang anak ko sa pangarap nilang pamilya." Malungkot niyang ani. Sa isiping iyon ay parang tinutusok tusok ng isang libong karayom ang kanyang dibdib. Uminom na lang ule siya ng tubig para maiwasan ang pagtulo ng kanyang luha.
"Naaawa ako sa aking apo Rosenda. May karapatan rin siyang makaranas ng isang buong pamilya. May karapatan rin siyang matamasa ang karangyaan ng kanyang ama. Huwag mong ipagkait sa bata ang lahat ng ito!" Pakli pa nito.
"Anong gusto niyong gawin ko mama? Ang makisampid ang anak ko sa pamilya nila? Ma! Ayokong maranasan din niya ang naranasan ko sa inyo!" Wala sa sariling bulalas niya na siyang nakapagpayuko sa kanyang ina. Nanlamig naman siya ng mapagtanto ang sinabi.
"S-sorry mama.. N-nadala lang a-ako----"
"Wag kang humingi ng patawad Rosenda dahil tama naman ang iyong sinabi. Bilisan mo nang kumain at nang makainom ka na." Tanging sabi nito bago tuluyang tumayo at umalis. Napayuko naman siya at sinabunutan ang sarili.
Walang gana niyang tinapos ang pagkain at iniligpit ang hapag-kainan. Ininom na rin niya ang kanyang gatas at ang gamot bago dumiretso sa kwarto. Dumiretso siya sa bintana kung saan abot tanaw lang niya ang Going Marry. Kung saan marami silang alaala ni Jumbo.
BINABASA MO ANG
I'll Follow You... Jumbo! #JFanfic
FanficOne shot fan fiction story of Jumbo and Rosenda Saavedra. Dedicated to my queen, miss Jamille Fumah😇 ©JFstories Written by: Armielyn Mae Ancheta