sunset

21 3 0
                                    

Full chapter

"SUNSET"
Ni Silentwolf

Tanda ko pa ang unang-una natin pagkikita.
June 25, 2009 alas singko ng hapon nung pinagtagpo tayo ng tadhana.
Ako'y naka upo sa may dalampasigan pinapanood ko ang paglubog ng araw. Nagulat ako nung naramdaman kong may tumusok sa likod ko.
Napatayo ako bigla, akmang sisigawan ka.
“Sorry! Sorry natusok kita. Masakit ba?” Mahinhin mong sabi sakin.
“Next time kase tignan mo yung dinadaanan mo miss!” Tugon at sabay lingon sayo.
Kitang-kita ko ang pagkalungkot ng yung mukha at pamumuo ng luha sayong mga mata.
“N-naku miss! Sorry sorry! Miss hindi ko sinasadyang masigawan ka. Nagulat lang talaga ako.”  Paumanhin kong sabi sa iyo.
Hindi ko alam na hindi ka pala nakakakita.
Isang matamis na ngiti lamang ang nakuhang kong sagot at umalis ka na.
Ako'y nagsisisi sa aking binitiwang salita sa iyo at hanggang sa pag-uwi ko ay dala ko ang sama ng loob sa sarili ko.

Mula noon ninais kitang makita muli upang humingi ng patawad sa aking mga nasabi.
Isang araw, sa ospital kung saan ako nagtatrabaho muli ika'y aking nakita.
Nakita ko sa records mo, Aimber Santos pala ang pangalan mo.
24 years old, magkasing edad lang tayo.
Dali-dali kitang hinabol inalalayan sa may hagdan.
“Hi Aimber, ako nga pala si Jazz Lopez!” pagpapakilala ko.
“Excuse me, kilala ba kita?” medyo mataray mong tanong ngunit kalmado ang mukha.
“Nagkita na tayo dati sa may dalampasigan. Sorry pala sa nasabi ko sayo noon ha? Medyo malalim lang kase ang iniisip ko.” Pagpapaliwanag ko.
“Ah so ikaw pala si Mr. Sungit. Huwag mo ng intindihin iyon. Okay lang yun.

Ewan ko ba kung bakit ang gaan ng loob ko sayo. Iba ang tibok ng puso ko sa oras na iyon, ito ba'y pagka-awa o mahal na kita?
“Dito nalang ako Jazz mag tataxi na lang ako.” Paalam mo sa akin.
“ Ah hindi hatid na kita tapos na rin naman ang duty ko. Hintayin mo ako dito kunin ko lang kotse ko.” Paanyaya kong sagot sayo.
“Hindi ba ako abala sayo?” muli mong tanong.
“Naku ano ka ba, hindi no. Please para makabawi ako.”

Sa biyahe dahil sa traffic doon kita nakilala. Dami nating tawa parang ang tagal na nating magkakilala. Ito yata ang "soulmate" na sinasabi nila.
Mula noon sa bawat pag punta mo sa ospital lagi na kitang hinahatid at lagi narin kitang pinapasyal sa inyong bahay.
Hanggang sa ikaw at ikaw na lang ang aking hinahanap. Mahal na kita Aimber.
Niyaya kita sa may dalampasigan, June 25,2010 isang taon ang nakalipas sa kung saan tayo unang nagkita.
Punong puno ng bulaklak ang paligid.. Kasabay ng kanta ni Aiza Siguera na "Para Lang Sayo" ika'y aking tinanong kung pwede ba kitang maging Girlfriend?
Ika'y nabigla sa iyong narinig. Rinig ko ang pintig ng iyong puso. Alam ko na may takot kang dama ngunit sumagot ka parin ng "OO."
“Jazz Lopez, OO!  Iyo lang ako! Iyong iyo ako!” Sagot mo sakin na may luha ng saya.
“Girlfriend ko po ito, girlfriend ko na siya!!! " Napasigaw ako sa sobrang saya na kahit napalingon ang lahat sa akin ay parang wala akong ibang nakikita sa paligid kung di ikaw lang Aimber.

Naging masaya ang relasyon natin, walang naging problema.
Nagbilang tayo ng monthsary hanggang sa umabot na tayo sa anniversary.
May plano narin tayo na magpakasal ngunit sa di inaasahanang dahilan, kailangan kitang iwan ng di nakakapagpaalam. Sana mapatawad mo ako Aimber, sana ang sulat kong ito ay iyong mabasa pagdating ng panahon. Mahal kong Aimber, mahal na mahal kita. .--Jazz.

Ito ang aking araw-araw na binabasa, na iyong sinulat sa likod ng aking litrato. Ito pala ang regalo mo noong unang anniversary natin Jazz.
Oo nakakakita na ako. Salamat sa taong may mabuting kalooban na nag-donate ng kaniyang mga mata para sa akin.
Ang ganda pala ng mundo na ginawa ng Diyos ngunit hindi ko magawang maging masaya,Oo nakikita ko nga ang lahat ngunit hindi ko naman makita ang taong matagal ko ng gustong masilayan.
Jazz, araw-araw kong dasal sa Maykapal na sana makita kita.

Ang mga lugar kung saan mo ako ipinapasyal noon ay akin paring pinapasyalan ngayon.
June 25,2014. Ika-apat na anniversary sana natin.
Isang taon mula noong ako'y iniwan mo.
Nasa dalampasigan ako nakaupo habang pinapanood ang palubog na araw. Sa di kalayuan ay natanaw ko ang isang lalaking nakasuot ng hoodie jacket.
Kagaya ko, pinagmamasdan niya ang paglubog ng araw.

sunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon