Kaibigan, di ko na alam ang aking nararamdaman.
Kasi tuwing kasama ka,
Lumalabas ang aking kaba.
Kasi tuwing tinititigan ka,
Mga ngiti ko'y nag aabot hanggang tenga.
Doon ko nalaman na di lang kaibigan ang nadarama.Kaya naman habang kinakausap ka aking kaibigan
Sinabi ko sayo ang katagang "m-mahal na ata kita"
Nagulat ako ikaw ay biglang tumawa, sabay sabing "nagbibiro ka diba?"
Ako'y iyong linapitan at inakbayan
Sinabi mo sakin, "magkaibigan lang tayo, ano ba"
Kaya napilitan ako at sinabing "oo naman, linoloko lang kita"
Pagkatapos nun umalis ako sa iyong tabi.
Kasabay ng pag alis ay ang pag iyak
At kasabay ng pag iyak ay aking pagsigaw sa hangin na sumasalubong sa akin
"Mahal kita di lang bilang kaibigan"