Chapter 1 (The Casanova)

364 6 3
                                    

Sammie's POV

           “Daaaaaddddd!!! Malelate na po akoooo!!” Ang aga-aga nagsisisigaw ako habang naghihintay dito sa sofa. Halos umalingawngaw ang boses ko sa buong bahay namin. Pa’no ba naman kasi, 7:30am pasok ko tapos anong oras na 7:10 na. Ang layo pa naman ng school ko, 5 minutes away. XD Eh, kahit pa. Wala sa bokabularyo ko ang malate.

            “Yes baby!!! Sandali nalang. Hinahanap ko lang yung susi ng kotse. Hindi ko kasi maalala kung san ko nilagay..” Ang sabi sakin ni Daddy habang nasa kwarto tapos lumabas sandali para sabihin yun then pumasok ulit sya sa loob para maghanap. Oo tama kayo ng narinig. Baby pa rin ang tawag sakin ng akin ng butihing ama kahit na bente anyos na ako. (-_-) Ang adik diba? Daddy’s Girl talaga ako since wala na si Mommy. Naku si Daddy talaga kahit kelan. Tumatanda na at nag-uulyanin na. Tsk.

         Sya kasi maghahatid sakin ngayon sa school dahil hindi ako masusundo ni Bebe Josh ko. :”> May kailangan pa daw kasi syang daanan. Araw-araw kasi nya akong sinusundo at hinahatid kaya feeling ko tuloy kahit 2 years na kami, nanliligaw parin sya sa’kin dahil sa sobrang sweet nya. :”> 7am palang nandito na yun agad kaya naman nasanay akong hindi nalelate. Aneeebehh!! *u* Kinikilig ako pag kinukwento ko ang magiging hubby ko, though di pa sya nagpropropose. Eh basta,sya lang ang gusto kong pakasalan, wala ng iba. ^__^

             After 10,000 years, nahanap na ni Daddy ang walanjong susi na yan. Badtrip. Kung kelan may pasok ako tsaka pa nagtago. Tsk. It’s already 7:20am.. 10mins nalang klase ko na. My gawd!! Ngayon lang ako papasok ng ganitong oras.

            “Sam, yung pinapabili ko sayo ah. Wag mong kalimutan.” Tapos nagwink sakin ang papable kong Kuya Steve. Proud na proud ako dyan sa Kuya ko tapos close na close pa kami. He is 2 years older than me. Sa Guttenberg University din sya grumaduate. Alam ng marami na kapatid ko sya kaya naman pati mga nagkakacrush sakanya ay sakin humihingi ng tulong. =_+ Ang hirap magkaron ng gwapong Kuya. SWEAR.

             “Oo na. Dapat dagdagan mo yung bigay mo sakin ah. Mahirap din magbitbit.” Ang sabi ko kay Kuya tapos hinalikan ko sya sa pisngi. Nagpapabili kasi sya sakin ng favorite nyang Black forest cake. Kahit na may pagkahottie type ang kuya ko, sobrang takaw nyan! Naku. Sya pa nga umuubos ng mga natitira kong pagkain eh. Sounds disgusting right? Pero ganun talaga, sobrang close kasi kami. Kaya naman pag may girlfriend syang pinapakilala sakin, kumukulo agad yung dugo ko. Nakakapangselos eh. XD

                  Pinagbuksan kami ni Kuya ng gate kasi nga syempre lalabas yung kotse. Matapos ang 5mins na byahe ay nakarating na kami sa school.

                “Dad pasok na ako ha. Ingat ka.” Tapos sabay kiss ko sakanya sa cheek. Pupunta pa kasi sya sa hospital para sa isang operation. Doctor nga pala daddy ko. Hindi naman kami sobrang yaman. Tama lang para maibigay nya samin ni Kuya yung mga needs and wants namin. At kuntento naman talaga ako sa kung anong meron kami.

                “Ikaw din baby. Syangapala, magdidinner tayo sa labas bukas ng gabi. May imemeet lang tayo.”

 

                “Okay Dad. Sige.” Tapos umalis na ko sa kotse. 3 minutes nalang at 7:30 na. wew. Buti nalang di masyadong malayo yung building namin sa gate.

Don't Wanna Marry This CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon