Chapter 2 (First kiss)

216 5 0
                                    

Sammie’s POV

          Matapos naming kumain sa UST, pumunta na kami sa next class namin. At syempre, hinatid ako ni Josh. :”> Sweet nya noh. Hihi. Grabe.. Hindi ko talaga makalimutan yung nakita kong krimen kanina, este PDA. Eh kasi naman, ang pangit kayang tingnan yung ganun. Nasa open field pa talaga sila at ang daming dumadaang tao kahit pa sabihin na nating nasa tabi lang sila at nakasandal yung babaerong yun sa pader habang hinahalikan sya ng current girlfriend nya. Wew. Hayy.. Ba’t ba may mga pinanganak na ganyang lalaki? TUNAY NA HEARTBREAKER. Basta, ba’t ba ko affected dun eh hindi ko naman sya kilala personally? Hmm.. Hayy.. Maswerte talaga ako sa Boyfriend ko, very loyal sakin. :’>

       “Bru, pwede mo ba akong samahan bukas ng gabi sa bahay habang hinihintay kong dumating sila mom and dad?” Ang sabi sakin ni Jamie habang nakapuppy eyes.

        “Ahh ehh.. Sorry bru ha.. Hindi pwede eh. Magdidinner kami sa labas bukas nila Dad. May imemeet daw kasi kami dung friend nila. Babawi ako sayo next time ha.” Sabay ngiti ko sakanya.

         “Ah ganun ba.. Okay lang yun. No problem.” At ngumiti din naman sya sakin. Understanding naman tong best friend kong to kaya wala akong problema. :)

          Nagtext sakin si Josh na hindi muna nya ako maihahatid dahil busy sila sa thesis na ginagawa nila. Naiintindihan ko naman sya. Kaya,ito mag-isa akong pauwi ngayon at syempre hindi ko pwedeng kalimutan yung pinapabili ni Kuya na cake. Pagkapasok ko ng cake shop nagulat ako ng makita ko dun ang isang pamilyar na lalaki. Tingin ko, ito yung lalaking nakikipaghalikan sa gilid ng soccer field kanina. Tumingin muna ako ng cake pero naiilang ako kasi kanina pa sya sakin nakatingin. Hindi ko malaman kung may dumi ba ako sa mukha ko eh o banlag lang talaga to..Kinuha ko na ang order ko at lumabas, nagulat naman ako ng lumabas narin sya.

       “Hey.. Miss, can I get your number?”Ang sabi nya sakin. Ah kaya pala.. Kaya pala kanina nya pa ako tinitingnan..

         “My daddy said, don’t talk to strangers.” At patuloy akong naglakad at talaga namang sinusundan nya ako.

          “Ang sungit naman nito.. Parang number lang eh. Kung di ka interesado edi wag mo kong replyan.Tss.” Aba!! Sya na nga tong nanghihingi ng number eh! HANGKAPAL TALAGA NG PES ABAH! >.<

           “Eh.. Ano bang kailangan mo?? Ba’t kukunin mo ang number ko?! Besides, may boyfriend na ko. So, get lost!” Ang sabi ko sakanya. Allergic talaga ako sa mga womanizer eh. Nakakagigil yang mga yan.

           “HAHAHA! Nakakatawa ka miss..” Sabay hawak nya sa tiyan nya habang tumatawa. >:| Badrip! Ano namang nakakatawa dun sa sinabi ko?! >.<

          “Anong nakakatawa dun?!”

           “HAHAHA! S-sandali. Di ko mapigilan pagtawa ko. HAHAHAHA. Hoooh!! Eh kasi Miss.. Hindi naman kita type kaya wala akong balak maging girlfriend ka..” Namula naman ako sa sinabi nya. Ano ba kasing kailangan ng taong to?!

           “Eh bakit mo hinihingi ang number ko??!”

            “Tatanungin lang sana kita kung interesado kang maging personal maid ko. Mukha kasing hindi kita maititipuhan kaya ikaw sa tingin ko ang bagay sa work na yun. Pero sana, wag mo akong pagpantasyahan para magiging maayos ang sahod mo. Pero kung gusto mo talaga ako.. Pagbibigyan kita.” At nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Pero hindi ako kinikilig.. Nandidiri ako!!! >.<

Don't Wanna Marry This CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon