"Uy Kate, paopen ako ng friendster ha? Pati YM na din" sabi ko.
"Sus, ano pa nga ba? Eh sa tuwing pupunta kayo dito ni Andrew yan ang gawain mo. Puro ka AJ"
Haha! Yeap! Sa tuwing pupunta kami kila Kate, sa computer nila agad ako deretso. Syempre,titignan ko kungmay message ba sakin si AJ o kung online sya sa YM.
"Puro ka talaga kalandian Laureen" sabi ni Andrew na tumabi naman sakin at pilit na inaagaw yung mouse sa kamay ko.
"Hey! Teka lang naman! Di ko pa na oopen FS ko oh! Mang aagaw ka talaga!"
Di ako pinansin ni Andrew rather inopen nya yung sarili nyang YM. Dalawa kasi yung YM account sa computer ni Kate. Ginawa daw nya yun para walang away. Haha!
"Oh mga bata merienda muna kayo" si ate Nining na katulong nila Kate na super close na namin ni Andrew dahil lagi kaming nandito sa kanila.
"Thank you ate Nining! Kain po!" sabi ko.
"Da best ka talaga ate Nining! Alam na alam mo yung paborito namin" sabi ni Andrew na kumukuha na agad ng pancit canton sa plato nya. "Takaw talaga" (-_-)
"Naku, nambola ka pang bata ka! Sige enjoy kayo." sabi ni ate Nining at saka umalis na.
"Oh ayan Laureen, online na ang pinakamamahal mong si AJ" sabi ni Kate.
Dali dali naman akong pumunta sa harap ng computer at iniwan si Andrew na kasalukuyang lumalamon pa rin. Si Kate naman nagsimula na rin kumain.
*BUZZ*
AJ0091: Hi labs! ^_^
"OMG. OMG. Kinikilig ako!!!"
Laureen992: Helowww.. kamusta?
"Syempre pa-demure ako noh! Mamaya sabihin nya obsessed na obsessed ako sa kanya hahaha"
AJ091: Eto gwapo pa rin. LOL
"May kinikilig na naman..." si Andrew habang umiinom ng juice. Umirap lang ako at pinagpatuloy ang pakikipag chat kay AJ ^_^
Actually, hindi naman talaga kami ni AJ. Alam kong gusto namin ang isa't isa pero hindi namin inaamin, kumbaga, malabo. Malabo kasi nasa States sya habang ako nasa Pilipinas. Classmates kasi kami nung First year high school hanggang sa mag migrate sila ng family nya sa US nung mag sesecond year. Medyo nalungkot ako nung nabalitaan ako pero it's OK, nandyan naman ang FS at YM for communication eh.
AJ091: Sige na labs. Pasok na ko sa school ha? Ingat sa pag uwi :*
Laureen992: Sure. Aral mabuti AJ! Bye! :)
*sigh...
"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" sabi ni Kate habang nagsusulat. Si Andrew? Missing in Action. Nasa labas siguro nagyoyosi (-_-)
"Wala lang, namimiss ko na sya agad eh" sabi ko habang lumalapit sa kanya at uminom ng juice.
"Jusko naman Laureen, wala pang 10 seconds since natapos kayong mag chat miss na agad? Naku malala ka na talaga" sabay takip ng notebook nya. Ano naman kayang sinusulat ng babaeng to?
"Hahaha! Tongek! joke lang oy! Nalulungkot lang ako kasi wala lang!" joke ko. Wala naman talaga eh. Hindi naman kami. Wala akong karapatan mamiss sya. Wala akong karapatang mag demand sa kanya. Kasi hindi naman kami. I like him pero alam kong di pwede kasi malayo sya. Mahihirapan lang kami pag nagkataon.
Haaaayyyy... LOVE I mean LIKE.. being in-like with someone is so dam complicated....
"Oh ba't ang haba nanaman ng nguso mo?" si Andrew na naglalagay ng alcohol sa kamay. Like EWW! Payosi yosi pa kasi!
Andrew is my friend since first year college. Ewan ko ba. Bigla na lang syang napasama samin ni Kate. Dalawa lang kasi kami ni Kate palagi. Nabubuhay kami kahit kaming dalawa lang. Then one day bigla nyang kinausap si kate then poof! It became Koko krunch! de joke lang, naging tatlo na kami bigla ^_^
Si Kate kasi on the other hand, is super friendly. Pala smile at super bait. We've been friends since High school. Sya na ang kasama ko sa lahat ng kahibangan ko. Sya lang kasi talaga ang kaibigan ko since I'm not that friendly. Kung di nga lang nya ko in-approach nung orientation nung first year high school, until now baka wala parin akong friend.
Isa pa, she's very beautiful. She has beautiful hair, pointed nose, full lips, morena, matangkad. All the characters na magugustuhan ng lalaki. ewan ko nga sakanya kung bakit ngayon NBSB pa rin eh.
"Na broken hearted eh. If you know what I mean" sabi ni Kate.
"Tss" sabay irap ni Andrew.
Si Andrew? May pagka bipolar. Minsa masungit minsan naman sobrang hyper. Ewan ko ba kasi talaga kung bakit sumasama samin to eh. Kaya tuloy laging maraming babae ang nakatingin sa min. Gwapo naman si Alvin, okay, erase the "naman" thingy, gwapo talaga sya. Matangkad, maputi, chinito and all kaya no wonder marami ng naging girlfriends to.
Inubos ko na lang ang juice ko sabay tayo.
"OK guys, let's do this!"