Ikalawang Kabanata: Ang Kwento ng Pag-ibig

20 0 0
                                    

MAHIWAGANG AUTHOR'S NOTE:
(BASAHIN MO TO WAG KANG TAMAD!!)

HI GUYS!! KEEP ON SUPPORTING THIS STORY!! So syempre sa story na to, let's be patient, kasi Im the type of author who likes to blend in genres. So in this story syempre thriller ang main genre niya pero meron siyang Teenfic at Romance. For me kasi boring ang isang story kung walang variety ng genres, parang kumain ka lang ng pancit na carrots lang yung sahog. So I like to explore, gusto ko din pala makahingi ng mga opinions niyo about dun sa relationship nila Nathan at Josh in the end of this chapter. Support guys!! Help me make my dreams come true!!

Ralph's POV

    Pagtapos namin magbihis ni Topher nag unahan kami tumakbo pababa. Nag unahan din kami kumuha ng pagkain kaya napagalitan kami ni Grae.

"Hey! Slow down! Saan ba kayo pupunta at madaling madali kayo? May meeting lang?" Sarcastic niyang sabi.

Nagkatinginan kami ni Topher sa sinabi ni Grae at sabay kaming napangiti.

"SWIMMING!!!" Pasigaw naming sagot.

"Tsk! Don't shout guys! You're damaging my ears! Para namang Grae is so malayo!" Bulyaw samin ni Bianca.

    Di ko alam pero natatawa at natutuwa kami ni Topher tuwing napapagalitan kaming dalawa, feeling kasi namin bunsong bunso talaga kami sa tropa pag ganon. Dati kasi tatlo kaming pasaway sa tropa, kasama samin si Josh, minsan kasama din namin magpasaway si Nathan non pero si Josh talaga kadikit na namin sa kalokohan, kaya nga naging trouble maker yan eh. Pero after maging sila ni Nathan medyo nagmature na si Josh pero wala namang nagbago sa friendship namin at sa closeness namin. Masaya din naman ako kasi sa buong tropa atleast may isa talagang tao na kapareho ko mag-isip at kapareho ng mga gusto ko at yun si Topher. Para talaga kaming iisang utak sa dalawang katawan! Gets niyo? Ako kasi di ko gets! *insert tawa
    Pagtapos namin kumain ni Topher nag tanggal na kami ng sando at nag cannonball sa pool. Sobrang nag eenjoy kasi talaga kami pag nag siswimming.

Grae's POV

    Nauna nang nag swimming yung dalawang sanggano na talaga namang isip bata dahil nag cannonball pa sa pool. Yung iba naman nag vivideo-oke tas ako at si Julie ay nananahimik dito sa table at kain pa rin ng kain. Talent ko kaya yon, yung kumain ng madami pang pagkain kahit busog na busog pa ko.
Habang pinapanood namin ni Julie mag enjoy yung iba umupo naman sa tabi namin si Abraham.

"Hey, are you guys just going to eat the whole stay?" Tanong niya

"This is our kind of enjoyment! Panis pre eenglish yon! Woohhh palakpakan para kay napakagandang Julie!" Sagot ni Julie

"Food is our source of happiness. Eh ikaw? Why don't you join them?" Tanong ko sa kanya

"You know what, Im enjoying when I see you all enjoy. " sabi niya then ngumiti siya genuinely.

"Awww. That's so touching. I'm touched" sabi ni Julie tapos biglang pinindot yung wrist niya at humagalpak ng tawa

    Napakamot na lang ng kami ni Abraham sa ulo dahil hindi namin gets yung biglang pagtawa ni Julie. Tumigil na lang ito bigla at tumingin samin at kumain na lang ulit. Nang matapos kami kumain nag swimming na din kami dahil medyo nainitan na kami. Sumunod na din yung iba. Kung ano-ano pinag gagagawa at pinaglalalaro namin. Taya-tayaan, hanapan piso, tulakan sa pool, habulan, yung boys nag huhubaran pa.
    Medyo napagod na kami kaya medyo nag babad kami sa pool at nag usap usap na lang.

"Kuya, ilang araw na lang graduate ka na! Wag mo kaming kalimutan sa unang sweldo mo ah!" Pang aalaska ni Ralph sa kuya niya.

"Ikaw pa ba makakalimutan ko? Eh halos isusubo ko na ibibigay ko pa sayo! Pero seriously I have plans." Sabi ni Kuya Jeremy habang ngumingiti

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CROSS ROADSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon