THIRD PERSON'S POV:
"NIKKI! BILISAN MO! TUMAYO KA NA DIYAN! BAKA MAABUTAN NIYA TAYO!" natatakot na sabi ng isang babaeng duguan.
"No Cherry, di ko na kaya. Go save your life. Wala na kong rason para mabuhay pa!" Umiiyak na sabi nung isang babae
"No! We need to fight! I promised James na lalabas tayo ng buhay dito! Walang maiiwan Nikki!!" Naiiyak na nasabi ni Cherry
"No, you go, pag walang mag sasakripisyo pareho tayong mawawala. I'd be happy to sacrifice my life just make sure na magiging safe ka. Promise?" Tanong ni Nikki kay Cherry
"Promise." Kahit labag man sa loob ni Cherry nag promise pa din siya.
Niyakap niya ang kaibigan at kumaripas na ng takbo. Samantala, sinikap ni Nikki na tumayo at tumakas, ngunit huli na pala ang lahat dahil pag kalingon niya ay nakasunod na sa kanya ang lalaking naka-maskarang itim at may dala itong pala.
Binilisan ni Nikki ang pagtakbo, inisip niya na ito na ang huling takbo niya. Tanggap na niya sa sarili niya na mawawala na siya sa mundong ibabaw pero tumatakbo pa din siya at nag babakasakaling makaligtas, at kung hindi man palarin iniisip niya na atleast sa nalalabi niyang oras ay sinikap niyang iligtas ang sarili mula sa kapahamakan.
Lalo pang binilisan ni Nikki ang pagtakbo ngunit wala na talagang pag-asa dahil nagulat siya ng harangan siya ng lalaking naka-itim na maskara at hinambalos sakanyang ulo ang dala nitong pala, dahil sa lakas ng pagkakapalo nabiyak ang gitnang parte ng ulo ni Nikki at nagdugo ito, naging dahilan din ito ng pagbagsak niya.
Sinubukan ni Nikki na lumaban kahit asa bingit na ng kamatayan ang kanyang buhay. Sinipa niya ng mahina sa sikmura ang lalaki ng ito ay yumuko para talian ang kanyang kamay. Ngunit mali pala ang desisyon niyang sumipa dahil hindi nasaktan ang lalaki at mas lalo lang nagalit ito.
Dahil sa galit hinambalos ulit ng lalaki si Nikki at tuluyan ng nabiyak ang ulo ni Nikki, lumabas na dito ang napakaraming pulang dugo at pira-pirasong utak na may kaaya-ayang amoy para sa lalaki.
Tinalian na ng lalaki ang paa ni Nikki at kinaladkad ito papunta sa Kampo kung saan nangyayari ang lahat ng lagim at katatakutan.
Pagkapasok sa isang masangsang na bahay nilapag na agad ng lalaki ang mga labi ni Nikki sa isang lamesa. Kinuha niya ang itak at pinag pira-piraso ang katawan ng kaawa-awang bata.
Tinanggalan niya muna ito ng balat tapos ay kinuha ang mga bituka at inilagay sa isang garapon, tinaggal niya na rin ang puso, at katulad ng bituka ay isinilid niya ito sa garapon at itinabi.
At ang mga natirang bahagi at yung balat ay kinain niya. Ininom din niya ang mga dugong tumutulo at kung titignan ang bangkay ng dalaga hinding hindi na talaga ito makikilala.
Napatigil naman si Cherry sa pagtakbo ng mapansin niyang siya ay nasa highway na. Napangisi ang dalaga dahil sa wakas ay nakatakas na din siya pero iniisip niya ang kaibigan na si Nikki.~~~
KANAN, KALIWA, DIRETSO, BALIK? SAAN NGA BA? SAAN NGA BA ANG TAMANG DAAN PATUNGO SA KAMATAYAN? SAAN NGA BA ANG PATUTUNGUHAN UPANG MAKATAKAS SA KAGULUHAN?
ISANG MALING GALAW WALA NA ANG LAHAT. ISANG MADUGONG KARANASAN NA HINDI INAASAHAN NG LAHAT. ISANG PANGYAYARING MAKAKASIRA NG PAGKAKAIBIGAN NG LAHAT.
MASAYANG BAKASYON NA ANG LAYON LAMANG AY MAGING MASAYA AT MAKAPAGPAHINGA, NGUNIT ANG PAGPAPAHINGA PALANG IYON AY MAGIGING PANG MATAGALAN NA. ANG MGA GUSTONG MAKALIMOT AY MAKAKALIMUTAN NA.
SA DAMI NG SANA NA INIISIP NG LAHAT BAT HINDI MAN LANG NILA NA-ISIP NA SANA HINDI NA SILA TUMULOY? NA SANA HINDI NA SILA NANGHIMASOK PA.
KANAN, KALIWA, DIRETSO. ANONG TATAHAKIN MO? ANONG SUSUNDIN MO? O MAS PIPILIIN MONG DUMAAN SA NAPAKADELIKADONG.....CROSS ROADS
All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any written, electronic, recording, or photocopying form without written permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.
---
A Note From Author:
Hi Guys!! Alam kong medyo sabaw pa tong prologue dahil medyo minadali ko na lang siya, pero promise di ko kayo bibiguin sa content. Love You!!
BINABASA MO ANG
CROSS ROADS
Misterio / SuspensoKANAN, KALIWA, DIRETSO, BALIK? SAAN NGA BA? SAAN NGA BA ANG TAMANG DAAN PATUNGO SA KAMATAYAN? SAAN NGA BA ANG PATUTUNGUHAN UPANG MAKATAKAS SA KAGULUHAN? ISANG MALING GALAW WALA NA ANG LAHAT. ISANG MADUGONG KARANASAN NA HINDI INAASAHAN NG LAHAT. ISA...