The Loony Tale of Sean Andreas Maxine: Fantastic Four
"Sean, aga ah."
"Palagi naman, bro."
Hayst, hayahay talaga ang buhay kapag ikaw palagi ang maagang pumapasok sa room. Feeling ko masipag akong istudyante kahit hindi. Nagmumuka rin akong matalino at masipag na istudyante kapag maaga akong pumapasok sa building namin. Kala mo talaga matalino.
Nasa higher section kasi ako sa di malamang kasamaan ba o kagandahaan palad. Mahirap sa una kasi first time kong mapasama sa higher section. *insert kanta ni Ana sa Frozen na For The First Time in poreber*
Hectic rin minsan kapag late ka na pumasok, third floor eh. Sa kagandahang palad, hindi ako na lalate. Pero sa kasamaang palad, nalalate ako galing drafting class. Hingal na hingal ka na agad kakatakbo papunta sa room namin.
"Nakapagreview ka ba, Sean?" Tanong ng kaklase ko.
"Anong review?"
"Sa exam na'tin."
Napatitig ako sa kanya sabay kamot ng likod.
"Ahhh," Napatingin ako sa labas ng bintana.
"Hindi," Sagot ko sabay ngiti sa labas ng bintana.
"Ang tagal mong sumagot ah," Napakamot na lang siya sabay basa ulit sa notebook niya.
Sa kasalukuyan, exam pala namin ngayon. Ngayon ko lang naalala. Kaya pala string bag ang gamit ko ngayon. Tyaka ang saya ng pakiramdam ko ngayon. No teaching, no lecture, no face of my fave teacher.
"SEAN!!!"
Pagkalingon ko sinalubong agad ako ng ngiti ng kaklase ko, matalik kong kaibigan na adik.
"Nagreview ka?" Tanong niya. Naka-string bag rin siya.
"Bakit ba pambungad niyong tanong ay kung nagreview ba ko? Ako lang ba ang mag-e-exam dito?" Nakakunot noong tanong ko.
"Di ako nagreview," Sagot ko.
"Kaya natin 'yan. Tayo pa, partner in—"
"Walang tayo."
Siningkitan niya 'ko ng mata, "Ang bitter mo talaga."
"Walang poreber."
"Oo na."
***
OH-EM-GEE! KASAMA PALA ANG MATH SA IE-EXAM NAMIN NGAYON. Siguradong zero na ko dito. Ma'am, ayokong magsayang ng papel na pinaghihirapang gawin ng mga—
"Sean," Tawag sa'kin ni Jessy, yung kaibigan kong adik.
"Bakit, bro?"
"Alam kong di ka nagreview pero, may naaalala ka ba dito?" Tanong niya. Ibang subject pa naman pero seryoso siyang nagrereview sa Math.
Tinignan ko ang notebook niya, "Wala."
Napakamot na lang siya sa ulo.
"KAYA NATIN 'TO!" Sigaw ko.
"Stock knowledge na lang tayo, jusko." Hinampas ko ang armchair ko nang kamay ko.
"Hoy!" Sigaw ng isa kong kaklase. "Ang ingay mo. Nagrereview ako dito eh."
Sinamaan ko siya ng tingin, "Bakit, sinabi ko bang magreview ka!?"
"Eh, bakit hindi ka nagrereview!?" Sigaw niya pabalik.
"Ikaw ang tinatanong ko!" Sigaw ko.
Kinalabit ako ni Jessy, "Sean, nandyan na si Ma'am."
Sinamaan ko ulit ng tingin ang kaklase ko.

BINABASA MO ANG
The Loony Tale of Sean Andreas Maxine [LOONYLOGY]
ComédieSean Andreas Maxine, ang babaeng baliw na muka namang matino.