Chapter Three: New Student

7.7K 190 26
                                    

  Nagising ako sa mga tahol ng aso.  Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa... sahig? Anong pumasok sa kukuti ko at dito ako natulog? Tumayo na lang ako at dumiretso sa kusina. Nagtimpla ako ng gatas at habang nagti- timpla ay pumasok sa isip ko ang napanaginipan ko.

Base on my dream, may nakilala daw akong babae at pinatuloy ko pa sa bahay. Duguan daw ito at — ang sofa! Bakit ko ba nakalimutan ang tungkol do'n?

Mabilis akong bumalik sa sala at baka nandoon pa sa sofa ang dugo ng matandang babae! 'Yon na lang ang pwede kong mapatunayan na hindi panaginip ang lahat. May nan-u udyok kasi sa 'kin na 'di daw 'yon panaginip. Pakiramdam ko ngang 'di talaga 'yon panaginip.

Bumagsak ang mga balikat ko nang wala akong makitang bakas ng dugo ng matandang babae. So, it's just a dream, huh. Nadala lang talaga ako siguro sa nababasa kong vampire books kaya pati panaginip ko, bampira na din and worst of all, pureblooded vampire na daw ako. I hope it's true.

Napa-iling na lang ako at natatawang kinuha ang tasa. I also remembered that word “Crimson City” being mentioned by that old woman in my dream. 'Yon pa naman ang nabasa kong libro kahapon.

Humarap na lang ako sa nakabukas na bintana habang sumisimsim ng kape. Pero ang hindi ko maintindihan ay masakit sa mata ang araw kahit papa- sunrise pa lang. Baka dulot na 'to sa araw-araw kong pagbabasa ng libro at sa araw-araw na nakaharap ako sa laptop kaya medyo masakit na ang mga mata ko. Umalis na ako sa harap ng bintana at nag-umpisa nang magbihis.

~•~

“Good morning class.”

Napatayo kaming lahat nang batiin kami ni Teacher Loysaga. Gano'n din ang ginawa namin bago kami umupo.

Another boring day for my classmates but me, another day for reading about vampires histories and novels. Natawa na lang ako nang makitang halos kalahati ng mga kaklase ko ay nagsihikab na, first period pa nga lang ng umaga pero halos lahat ay pagod na makinig sa teacher.

“Okay​, class. Before we start our lesson for today, a new kid will be joining you guys for the rest of the school year.  May bago pala kayong kaklase. He's from America at kahapon lang siya naka-uwi dito sa Pilipinas kaya ngayon lang siya naka pag- enroll. Anyways, let us welcome Mr. Harry Andrada.”

Lahat kami ay napalingon sa pintoan ng room nang may bumukas no'n at pumasok sa room ang bago naming magiging kaklase. Ang guwapo nito at ang puti ng balat. Para na ngang wala itong dugo. Pumunta ito sa tabi ni Teacher at ngumiti sa amin. Lahat ng babae kong kaklase ay nagsitilian. Ako naman ay napangiti na lang.

“Hi classmates, I'm Harry Andrada. Please be good to me until the class year ends.” then he show his panty-drop smile. Mas lumakas ang tilian. Napa- iling na lang ako at nakapatong ang kaliwang pisngi sa palad na lumingon ako sa nakabukas na bintana na nasa tabi ko.

Blue sky welcome my eyes. Ang sarap din ng simoy ng hangin. Hindi nga ako nagkamali na dito piniling maupo. May puno din kasi kaya walang problema sa init ng araw.

I close my eyes and feel the air. I didn't mind the yells and everything. Nang biglang may pamilyar na boses ang bumulong sa tenga ko. And it sounds...

My warrior. My warrior. My warrior.”

It creeps the hell out of me. And warrior?

Biglang pumasok sa utak ko ang panaginip ko. The old woman called me 'my warrior'. Ano 'to? Bakit parang nararamdaman ko ang hininga niya sa tenga ko habang bumubulong siya? Bakit pakiramdam kong totoo 'to? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman at bigla na lang na lumakas ang pintig ng puso ko.

“My warrior, why did you forget everything I've said to you? You have a mission. Your blood is important! And this is not a dream, you are—”

“Are you fine, Miss?” a baritone voice asked​ me. Mahina rin niya akong tinapik sa likod. Biglang nawala ang bulong na naputol dahil sa kung sino man ang nagtanong sa akin. Lumingon ako at napag- alamang ang bago kong kaklase ang gumawa no'n. He's the one who asked​ me and tapped my back.

Crimson CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon