Aray ang sakit ng ulo ko bakit ba kasi naisipan kong mag painom ei. Teka bakit may katabi ako at nakayakap pa sakin.Sinilip ni anne kung sino ba yung katabi nya at napanatag naman sya ng makita nya na si Karylle lang pala.
Hinayaan muna ni anne si k na yakapin sya kasi ito lang naman ang alam nya na maitutulong nya sa kaibigan.
Habang mahimbing na natutulog si K hindi naman maiwasan ni anne na kausapin ito.
Karylle alam mo ba na gustong gusto kong sabihin kay vice na hindi na tama yung ginagawa ng asawa mo sayo. Gusto kong sabihin na nasasaktan kana nya.
Pero hindi ko magawa kasi alam ko na magagalit ka ng sobra sakin.
Kaya kahit hirap na hirap na akong itago to. Tinatago ko parin. Pero K gaya ng sabi mo sakin hindi na mauulit na sasaktan ka ni yael. Kasi pag naulit pa yun kahit magalit ka o kasuklaman mo ako hindi ako mag dadalawang isip na sabihin na talaga kay vice yung mga nangyayari sayo.
Karylle kung alam mo lang kung gano ka kamahal ni vice.. Bakit kasi ang dali mong sumuko sa kanya alam mo naman na bakla sya diba.? Dapat ikaw na yung gumawa ng move para mapaamin mo sya.
Kung naging matapang lang talaga kayong dalawa baka kayo pa ang mag asawa ngayon. Edi sana hindi ka nasasaktan edi sana masaya ka lang sa piling ng totoong mahal mo.
Ang dali mo kasing sumuko., umiwas lang sya ng konti sayo.. Tinanggap mo agad yung proposal ni yael. Nag desisyon ka agad hindi mo man lang inisip kong ano ba yung mararamdaman ni vice.
Naputol naman ang mga sinasabi ni anne ng maalala nya si vice.
Teka ang alam ko nandito si vice kagabi.
Pero nasan na yung baklang yun.
Hindi man lang kami inantay magising bago sya umalis.Tatayo na sana si anne ng tumunog ang message tone nya.
From: sisteret
Hoy ngangaboo sana gising kana. May pag kain na sa baba kainin nyo na lang.
At isa pa wag kayong mag iinom kung hindi nyo pala kaya. Nakakaloka ka dinamay nyo pa talaga si K.Grabe ah ang ganda ng morning ko..
At talagang kay K lang sya concern.Nagreply naman si anne kay vice
To:sisteret
Girl gising na ako pero tong katabi ko parang walang balak magising. Btw thanks sa breakfast kainin na lang namin pag nagising na tong kurbabe mo.
Hay nako K mahal na mahal ka talaga ni bakla nagluto pa ng breakfast para sayo.
Uo literal na sayo.,kasi pag dito natutulog yun walang pagkain na nakahain sa baba.
Aalis na lang yun bigla pero ikaw ang lakas mo talaga sa kanya may pagluto pa na naganap. Ikaw nga talaga ang BuKo nya.
From:vhongskieGood morning anne gising kana ba.? Ay uo nga pala si K ba dyan nag stay.?
Makakapasok kaba ngayon.?Omg 10:37 na pala kailangan na talagang magising ni K kung hindi baka sermon na naman kami kay derek nito.
Karylle gising na may showtime pa tayo today.
Wala paring imik si K.
K naman ei bakit ba ang hirap mong gisingin. Hoy Ana karylle gising kana dyan.
Dahil mahirap ngang gisingin si K no choice si anne kung hindi lakasan ang pag alog kay K na naging dahilan para magising nga ito.
K sige na gising ka na dyan.
BINABASA MO ANG
Maling Pag-ibig (vicerylle)
FanfictionMatatawag mo bang mali ang pag-ibig kung mahal niyo ang isat-isa.? Mali bang mahalin ang isang katulad mo.? Paano nga ba magmahal ng tama o sinu-sino nga ba ang pwedeng magmahal ng tama.? Mali bang mahalin ko ang isang babae.? Mali rin bang mahalin...