Secret

181 4 0
                                    


Karylle Pov:

Ito naman ako nag iisa.
Kung pwede lang sana na hindi na ako umuwe sa bahay na to gagawin ko. Kung pwede lang sana na hindi na ako babalik sa bahay na to gagawin ko. Pero hindi pwede kasi alam ko hindi sya papayag. Kaya kahit mahirap para sakin titiisin ko kung ito naman yung paraan para hindi mawala yung mga taong mahal ko.

Mag mula sa mga magulang ko at mga kapatid ko. Pati narin sa mga kaibigan ko. Lalo na sa totoong mahal ko.

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa gusto ni yael.

Kung bakit hindi ko naisip na sabihin yung totoo sa magulang ko kung bakit biglaan yung kasal namin ni yael.

Bakit kasi naging duwag ako.
Bakit kasi hindi ako matapang.
Bakit kasi ang hinahina ko.

Sobrang dami na ng kasalanan ko sa mga kaibigan ko. Lalo na sa parents ko.

Nag sisinungaling na ako sa kanila na dapat hindi ko ginagawa.

Natatakot kasi ako na baka mawala yung isa sa kanila. Ayokong malayo sa mommy at daddy ko.

Isa sa mga kondisyon ni yael yung parents ko.

Uo laging sinasabi sakin ni yael na kapag umalis ako sa bahay namin.,hindi ko na makikita yung daddy ko.

Sa sobrang takot ko wala na akong magawa kundi sundin lahat ng gusto nya.

Ang laki na ng pinagbago ni yael..hindi na sya yung dating yael na nakilala ko. Inaamin ko gusto ko rin si yael kasi sobrang bait nya at maalaga.

Pero habang tumatagal nawawala na yung bait at pagiging maalaga nya. Hindi ko alam kung bakit sya nagbago. Kung bakit ganun na lang yung trato nya sakin.

Akala ko dati sa kanya ako magiging masaya. Akala ko lang pala.

Sa sobrang dami ng iniisip ni Karylle hindi nya namalayan na kanina pa pala kumakatok si yael. Kaya dali dali nya itong pinagbuksan.

Ano bang ginagawa mo kanina pa ako katok ng katok dito.

Sorry nag cr kasi ako. Kalalabas ko lang.

Pagdadahilan ni karylle para hindi sya mahalata ni yael.

Kumain kana ba.? Kamusta yung gig nyo.?

Hindi pa ako nakain kaya kung pwede lang kumilos ka dyan.,hindi yung tanong ka ng tanong.

Sorry sige pag hahanda kita ng pagkain mo.

Saglit na pumunta si K sa kusina para kumaha ng pagkain. Natapos na syang maghanda kaya babalik na sya kung nasan si yael. Napatigil naman sya ng marinig nya na may kausap si yael sa phone.

Ah ganun ba sige ingat ka dyan. Bye love you too.

Napansin naman nya si K na nakatayo sa likod nya.

Kanina kapa nandyan.?

Hmm uo. Yael sino yung kausap mo.?

Wala si mama lang yun. Lapag mo na nga yan dito. Kanina pa ako nagugutom.

Hindi naman mapigilan ni karylle na magtanong sa asawa nya. Ramdam nya kasi na may tinatago na naman sa kanya si yael.

Yael pwede ba malaman kung ano yung pinag usapan nyo ni mama.?

Bakit? Tyaka wala ka ng paki alam dun mama ko yung kausap ko hindi yung mommy mo.

Masama bang malaman. At baka nakakalimutan mo mama ko narin yang mama mo kasi mag asawa tayo.

Asawa? Talaga ba karylle bakit hindi ko  nararamadam na asawa kita.? Hindi mo mabigay yung mga pangangailangan ko. Tapos sasabihin mo asawa kita.

Yael ano pa yung hindi ko nabibigay sayo.
Lahat na ng gusto mo binigay ko. Kahit nga labag sa kalooban ko ginawa ko.

Labag sa kalooban mo.? Bakit karylle hanggang ngayon ba si vice parin ang mahal.?

Hindi naman nakapagsalita si k.
Dahilan para magalit at masaktan sya ni yael.

Sabi ko nga ba sya parin ang mahal mo.
Habang nakahawak sa braso ni k.

Yael nasasaktan ako.,bitawan mo ako.

Parang wala naman narinig si yael. Imbis na bitawan nya si k. Mas lalo nyang hinigpitan ang hawak.

Karylle hindi kaba nahihiya sa ginagawa mo.? Yung taong mahal mo may mahal na ngayon. Karylle nagmumukha ka ng tanga.
Napaka landi mo. May asawa kana tapos sya parin yung mahal mo.

Hindi ko kasalanan kung sya parin ang mahal ko. Sa totoo lang kasalanan mo to. Kung hindi mo ako sinasaktan hindi ako mahuhulog sa kanya. Sana pinabayaan mo na ako. Sana hiniwalayan mo na ako.

Para ano? Maging masaya ka. Maging masaya kayong dalawa.? Karylle hindi ako tanga. Hindi ako papayag na maging masaya kayo.

Yael parang awa mo na itigil na natin to. Nahihirapan na ako. Kung totoong mahal mo ako hahayaan mo na maging masaya

Oh sige Karylle mamili ka. Magiging malaya ka o masisira yung pangalan ng taong mahal mo. Gusto mo ba lahat ng pinaghirapan ni vice mawala ng dahil sayo? Nang dahil dyan sa kalandian mo.?

Yael wag mo ng idamay si vice sa galit mo sakin.

Simula ng mahalin mo sya.,damay na sya sa galit ko. Kung hindi sya dumating sa buhay mo edi sana ako parin ang mahal mo.

Wala syang kasalanan. Kaya parang awa mo na wag mo sya idamay dito.

Karylle manahimik ka.,kakasabi ko lang diba. Kahit anong sabihin mo hinding hindi magbabago ang isip ko. Kaya kung ako sayo sanayin mo na yung sarili mo na ako ang makakasama mo hanggang sa mamatay tayong dalawa.

Wala ng nagawa si karylle kung hindi umiyak ng umiyak. Habang si yael naman ay pumasok na sa kwarto nila.

Bakit ba nangyayari sakin to. Hanggang kailan ba ako magdudusa sa piling nya.
Hindi ko na kaya.,pagod na pagod na ako.

Mga ilang minuto lang ay pumasok narin sya sa kwarto at natulog sya na nakaraligod sa asawa nya.


Thanks sa nagbabasa.  😃
Sa totoo lang hindi ko alam kung matatapos ko tong story. Pero try ko parin. Ang gulo kasi ng utak ko ngayon.

Guys pa follow narin.
Twitter:@dianebitala_VK
IG:viceykoh

Maling Pag-ibig (vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon