"Hon ?" Tanong ko dito
"Hmm?"
Nandito kami sa may veranda ng bahay, pinagmamasdan naming bumaba yung araw
"Paano kung malaman mong anak ako ng pinaka mumuhian mo? Mamahalin mo parin ba ako?"
Isa rin yan sa rason ko kung bakit sa simula palang mainit na ang dugo ko sa kanya, actually hindi naman talaga totoo yun, ginagawa ko lang yung dahilan para hindi ako mahulog sa kanya, pero alam niyo yung masakit? Yung kahit anong dikta mo sa sarili mo na wag mo siyang mahalin, mas lalo pang tumitindi yung pagmamahal mo sa kanya
At sa ngayon hindi ko na alam kung ano paano pa ako makakaalis
"Bakit mo naman natanong hon?"
"A-ah w-wala lang n-napanood ko kasi kanina sa palabas"
"Ah, pero hindi ka naman anak ni alfonso diba?"
"O-oo, so ano ngang sagor mo?"
"Syempre kung sakaling ikaw yun kahit masakit sakin, hihiwalayan kita, hindi ko kasi kayang magmahal ng kalahi ni alfonso, siya ang dahilan kung bakit namatay si mama at papa noon!" Biglang humigpit ang hawag niya sa akin,
"Shhhh tama na yan hon, nandito lang ako" sabi ko dito sabay yakap
Tsaka ko nalang muna iisipin tong problemang ito pag nandyan na, sa ngayon kailangan kung sulitin yung mga panahon na kasama pa kita wilbert"Hon halika kana, maggagabi na, nakakasama kay baby yan" sabi nito saby halik sa forehead ko
Ng paalis na kami sa may veranda biglang nagtatatakbo si manang silya saamin
"Sir! Maam! Nagkakagulo sa baba, yung kuya mo sir wilbert hinahanap si maam miyu"
"Manang silya bantayan mo si miyu dito, ako ang kakausap kay kuya"
"Hon, sasama ako"
"No you will stay here!"
"Hon please, lagi lang ako sa tabi ko, please" dahil sa mapilit ao ay wala ng nagawa si wilbert kung hindi ay isama ako
Pagkababang pagkababa namin sa staircase ay bigla kaming sinalubong ng body guards ni wilbert
"Mayor"
"Tumabi kayo bantayan niyo si miyu"
"Wilbert! Akin na si miyu!"
"At bakit ko siya ibibigay sayo kuya!"
"Dahil sa una palang alam mong saakin siya wilbert! Sabi sa huling habilin ni papa ako ang dapat magpapakasal sa anak ng mag asawang fuentes! Kaya akin siya!"
" wala akong pakialam kuya! Ang akin ay akin at kasama doon si miyu!"
"Ih maatim mo bang magmahal ng kalahi ni alfonso ? "
"Ano nanamang paandar yan kuya!"
"Hindi ito paandar dahil si miyu fuentes na ampon ng mag asawang helen at ricardo fuentes ang naiisang anak na babae ni alfonso!"
WILBERT'S POV
dali dali kung pinuntahan si miyu sa mga body guards ko
"Miyu magsabi ka ng totoo! Ikaw ba ang nawawalang anak na babae ni alfonso!"
"Sumagot ka!"
"S-sorry"sabi nito sabay luhod sakin
"PINAGKATIWALAAN KITA! SABI MO THIS TIME OK NA! T*NGINANG BUHAY TO!, LUMAYAS KA DITO SA PAMAMAHAY KO! HINDI KO KAILANGAN NG KALAHI NI ALFONSO DITO!"
"w-wilbert m-maawa ka s-samin ng anak mo" sabi nito habang nakapawak sa paa ko,
"SINABING UMALIS KANA IH!"
"A-ayoko " hagulgol na sabi nito
"UMALIS KANA! AYOKO SA TULAD MO! AYOKO SA PAMILYA MO, HUWAG NA HUWAG KA NG MAGPAPAKITA SAAKIN"
"W-Wilbert pasensya na a-ah, p-pasensya sa l-lahat, s-sana k-kahit w-wala n-na a-ako s-sa t-tabi mo o-ok ka parin, wag m-mong papabayaan s-sarili m-mo, Mahal na mahal k-kita, mahal na mahal k-ka n-namin n-ng a-anak mo"
pagkasabi ni miyu noon ay tuluyan na itong umalis
==================================
Hope you like it