Pagkababang pagkababa ko sa sasakyan ay patakbo kung pinuntahan sina wilbert kasama ng trabahador nito
Makikita mo dito na may malalaking truck na animoy isang hampas lang sa mansion ay sira na agad, at hinde lang yan, dahil nga sa may kalumaan ng ang mansion ay mabilis itong nasira ng pukpukin ng mason ang isang maliit na parte nito
Samantala ang mga trabahador namin kasama nina nanay linda ay dali daling lumalabas ng mansion kasama ang kanilang mga gamit
"Wilbert! Anong pakana nanaman ba to! Bigyan mo pa ko ng oras para mapag isipisan to! Nagmamakaawa na ako please, wag ang mansion!" galit na galit kung sabi kay wilbert
Biglang sumigaw si wilbert sa mga trabahador kaya nagsihinto ito sa kanilang ginagawa
"Mag break muna kayo!" kaya naman agad na umalis ang mga trabahador sa kanilang ginagawa
"In one condition my love, marry me" malumay nitong sabi,
Di ko malaman kung anong sasabihin ko matapos ko itong marinig, para itong impossible, ano ba miyu! Tama na ang kahibangan nayan! Di yan totoo lalaruan kalang niyan, dahil alam niyang anak ka ng kinamumuhian niya, paghihigantihan kalang niyan! Sabi ko sa sarili ko
"w- wilbert I can't, diba ikaw nadin ang nagsabi na di mo maatim na mahalin ng kadugo ng kaaway mo diba ?! Pwes panindigan mo lahat ng sinabi mo ! At pwede ba layuan mo na kami ng anak ko, nakikiusap ako, masaya na kami ng wala ka wilbert, sana naman wag mo na guluhin yung isip ng bata, maawa ka naman sa anak ko!" buo kung sabi kay wilbert
"so hahayaan mo nalang na sirain namin ang mansion? Madali lang naman akong kausap miyu at ito lang tatandaan mo miyu, ngayong may anak na tayo hindeng hinde ko na sasayangin yung panahon na mabuo natin yung pamilyang gusto ko noon pa , wala akong pakialam kung ano kapa or ano, basta magkasama tayo ng anak natin! Tapos wala ng usapan! Kaya kung ako sayo pakasalan mo na ako! Hinde yang kung ano ano payang pinagsasabi mo nakakarinde miyu!" sabi nito, aba loko loko! Ako pa ang nakakarinde wow ah!
"Di bali na Wilbert, hindeng hinde ako pakakasal sayo, manigas yang apog mo sa mukha, never! I WILL NEVER MARRY YOU! " sabi ko dito
"Sa una lang yan miyu, ill promise we will be together again!"
Aaaarrggg! Nakakainis!!
Dali dali akong sumakay sa kotse ko at pinaharorot ito pauwi ng bahay.
~Bahay~
"Anong mukha yan sissams? Para ka jang pinagsakluban ng di malaman na ano, nag away ba kayo ni fafa wilbert baby oh so damn freaking abs baby yumyum?" sabi nito, wala parin talaga to sa katinuan eh nu?!
"Mandiri ka nga jan sa sinasabi mo luck, marinig ka ng anak ko, at kung ano pa matutunan nun sayo!" sabi ko dito
"chill sissams baka pumanget ka ng maaga sige ka, oh siya babyeeeee labb laab " sabi nito sabay kuha ng bag at nagmamadaling lumabas, hays abnormal talaga
Ano bang gagawin ko !!! Maybe i need to accept that offer,
I dont have any choice naman din naman, hays maybe its time seguro na kalabanin siya para makita ni wilbert na may katapat siya! Alam kung mahirap tong papasukin ko, pero para to sa mansion at sa anak ko!
Kakayanin ko to!
Ajaa miyu! You can do this!
Dali dali kung kinuha ang cellphone ko
(Hello)
(yes my dear princess, ang bilis mo atang napatawag? Nakapag decide kana ba) galak nitong sabi sa kabilang linya
(I accept your offer) sabi ko dito
(Let's meet in the other day, para masabi ko sayo ang mga dapat mong matutunan, mahal kung anak) sabi nito sabay baba ng tawag
Walang ng back out miyu kaya mo to!
Sabi ko sa sarili ko pampalakas loob
-----------------------------------------------------------
Hope you like it sorry sa matagal na pag aantay 😇