Bongga Ka Tay !

135 0 0
                                    

Ako si Angelo, labing-isang taong gulang. Bata pa lamang ako ulila na ako sa ina. At ang nag-aalaga sa akin?  Ay ang aking ama na para naring ina.

“Angelo !!!!!!!” tawag ng aking kaklaseng si  Bert. Hinahabol na naman kasi ako ng grupo nila. “Mahuhuli Karin namin!” Ang hilig kasi nilang awayin ako. Kasalanan ko bang bakla ang tatay ko?

“Aray!!!” nahabol na nga nila ako at pinagtutulungang agawin ang bag ko. “Ano ba!” naririnig ko ang malalakas nilang halakhak. Nasisiyahan kasi silang makita akong nasasaktan. “Bitiwan niyo nga ako! Kundi…..” napunit na kasi  nila ang bago kong uniform.

“Kundi ano? Isusumbong mo kami sa tatay mong Bading?” Nagsitawanan silang apat, samantalang binuksan nila ang aking bag at inihulog ang mga laman nito sa may putikan.

“OoooooH~ natatakot ako.” Sabi nitong si Cyrel na mataba naman!

“Dapat ka lang matakot dahil Lelechon-nin ka ng tatay ko!” walang takot na sabi ko sabay takbo ng mabilis.

Hoy! Bumalik ka rito!” dinig ko yung sigaw nila. Mukhang napagod nsa silang habulin ako.

___

“Nandito na ako.” Sabi ko pagkadating sa bahay. Papunta na sana ako sa kwarto para magpalit ng damit kaso pinigilan ako ni Tita Luz- ang bestfriend ng tatay ko.

“Saan ka naman nagsusuot bata ka. Ang dumi-dumi mo!”

“Ah….. eh..  nakikipaghabulan lang po ako nila Bert pauwi kaya ganun.” Tumawa narin ako para hindi halata na nagsisinungaling ako.

“Yung Bert ba kamo? Naku! Naku! Wag kang makikipaglaro dun. Ang tatay nun ay isang siga sa kanto. Alam mo naman na kung ano ang puno........”

“.....Yun rin ang bunga.” Haaaayy~ na memorize ko nalang ang palaging sinasabi ni Tita Luz sa akin.

“Tama. Baka ano pa ang mangyari sa iyo kapag kasama mo ang Bert na iyon.” Kung alam mo lang Tita. “Teka.. bakit napunit na naman tong uniform mo Angelo ha? Kabago-bago pa nga iyan nabili ng tatay mo.”

“Ahh.. kasi… “ Patay! Ano na naman ang palusot ko? Pan ilag uniform na kasi itong nasira. Tiyak na hindi na maniniwala pa sa akin si Tita. “Kasi Tita ganito po yun….”

“Hmmmp! Ang bantot! Amoy imbornal !!” sabi ni Tita Luz sabay takip ng kanyang ilong. Ikaw kasi, nininerbyos niyo ako, nailabas ko tuloy ang masamang usok. Natawa nalang ako. “Magbihis ka na nga! Itong batang to, dumadagdag pa sa polusyon!” ayos din yun lusot ko ahh! :D

 ___

Matapos kong magbihis. Dumiretso ako sa kusina para kumain ng hapunan.

“Nasaan po si tatay?” ang alam ko kanina pa alas sais natapos ang trabaho nito sa parlor.

“Oo nga pala, nalimutan kung sabihin sa iyo na baka matagalan pa si Bernard ng uwi dahil nilagnat si Eddie at siya muna ang pinapatinda ni aling Bebang.”

Hindi na ako nagtaka pa. kapag may trabaho si tatay si Tita Luz ang pinagbabantay sa akin. Minsan ko na nadatnan si tatay sa bahay. Dahil pag-uwi nito tulog na ako at sa umaga naman nakahanda na ang lahat para mapadali ang pagpasok ko sa paaralan samantalang siya naman ay tulog pa.

“Hoy Angelo!” pukaw ni Tita Luz sa akin.

“Ho?” nabigla ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bongga Ka Tay !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon