Liga ng Baskeball
Kulay asul at puti ang uniporme nina dominic, biboy at chester lalo lumitaw ang kagandahang lalaki ng tatlo sa suot nilang jersey
Nakapila lahat ng maglalaban na team upang pumarada at malibot ang kanilang barangay
Una sa pila ang Muse na napili ng bawat koponan bitbit nila ang mga banner ng mga team at katabi nila ang may pinaka guwapo sa team
Sa koponan nila Chester siya ang pinili tabihan ang Muse nila na siyang anak ng kanilang kapitan sa barangay nila
Nagsimula ang parada ng mga kalahok na koponan, nagsilabasan ang mga tao sa barangay upang masaksihan ang taunang patimpalak ng bakesball sa kanilang barangay
Kasama sa mga nanonood ay sina Zaina at Dorothy masaya nilang pinagmamasdan ang bawat koponan na kalahok dahil sa may mga kababata din silang kasali sa palaro
Ngunit mas inaabangan nilang magkaibigan ang pagdaan ng koponan nila chester upang makita ang binata at suportahan ang nakakabata nitong kapatid na si dominic
Sakto naman na ang koponan nila chester ang padaan sa harapan ng tahanan nila zaina ngunit imbes na matuwa sa makita ang dalaga bigla napakunot noo ito sa nakita
Dahil sa Muse na kasama ni chester sa unahan ng koponan nila, todo lambing ito sa binata at ang higpit ng kapit nito sa braso ng binata, habang kumakaway sa mga nadaraang tao
Lalo naiinis si Zaina ng tinatangka pa ng Muse nila chester na punasan ang mga tumutulong pawis sa mukha ni chester, hindi lingid kay zaina napansin na pala siya ng kaibigan na si Dorothy
"Uy! Makapatay ka niyan sa titig mo e" biro nito kay zaina "selos ka no?"
"Ako? Di naman, sino ba nakuha nilang muse na yun bes? Mukha lang polbo sa kapal ng foundation niya!" Agad na sagot ni zaina sa kaibigan
"Yun? Hindi mo kilala?!! Si charloote yun bes!? Yung anak ni kapitan" sabi ni dorothy
"Ahy siya ba yun?" Yung sinasabing kahit kanino agad pumapatol" sambi ni zaina
"Psst may makarinig sayo bes! Oo siya yun" halos pabulong na sabi ni dorothy "baka awayin tayo bes pag narinig ka" paalala ng kaibigan
"Medyo clingy nga siya bes" mahinang sang ayon ni zaina sa kaibigan
Natapos ang parada ng mga koponan at demeretso ang lahat sa basketball court ng barangay kung saan opisyal na sisimulan na ang palaro
Natapos man ang parada hindi naman natapos ang pagkakapit ni Charlotte kay chester, todo lambing ito sa binata
Inanusyo na ng emcee kung sino ang unang dalawang koponan na maghaharap sa laro at koponan nila chester ang isa laban sa koponan na kasali sa patimpalak kung kaya nag stay sina Dorothy at Zaina upang mapanood ang laban ng kapatid
Ipinasya ng magkaibigan na umupo sa malapit sa bench ng koponan nila chester, kung saan napansin nila biboy ang pag-upo nila nilapitan sila ni biboy at dominic
"Ohh ate? Akala ko dika makakapanood?" Si dominic
Namula ang pisngi ni Zaina sa narinig, "kinulit kasi ako ni dorothy" sabay tingin sa kaibigan at panlalaki ng mata upang hindi mapahiya kay biboy
"Ahh oo, ayaw nga niya mainit daw kase" salo ng kaibigan
"Hahaha! Ayos ate, panoorin mo ako pano mag shoot ehe" pagbibida ni dominic
"Yabang dedok! Haha" ani ni dorothy
"Sige enjoy sana kayo, sabihin ko kay chester andito kayo nanonood" naka ngiting sabi biboy
"Ah sige, sana manalo kayo" si zaina ang sumagot
Kumaway sina Dominic at Biboy palayo sa magkaibigan
Iwinasiwas ni zaina ang tingin at hinanap si chester, hindi nabigo ang dalaga namataan niyang nag wawarm up ito kasama ang mga kasangga napangiti siya sa sarili dahil gwapong gwapo siya sa binata
"Guwapo niya no?" Putol ni dorothy sa lakbay diwa ni zaina
Namula nanaman ang pisngi ng dalaga
"Kaso bes may bantay ohh" turo ni dorothy kay charlotte na nakaupo kung saan nakaupo ang koponan nila chester
Kumunot ang noo ni zaina "huh? Bakit andoon ang babaeng yun? Kailangan ba naka upo din ang mga muse nila?" Tumingin si zaina sa kabilang koponan "oh bakit ang kalaban nila wala naman ang Muse"? Turo ni zaina kay dorothy
"Feeling ko bes type niya si chester" sagot ng kaibigan "look iba ang asikaso nya kay prince charming mo ohh" dagdag ni dorothy
Tumaas ang kilay ni Zaina, napansin din niya ang pagpapasikat ni Charlotte kay Chester
"Puwes di nya maangkin ang pag -aari na ng iba" diin ni zaina
Ngumiti lamang si dorothy
Tumunog na ang buzzer tanda na umpisa na ang laban, pumuwesto na ang magkalaban na koponan para sa jumble ng bola, pumito na ang referee
Hiyawan ang maririnig sa court dahil sa tindi ng laban, palitan lamang kasi ng lamang ang magkalaban, makaka iskor sila chester ngunit gaganti naman ng puntos ang kabilang koponan
Ngunit mas malakas ang hiyawan kapag sina chester at biboy ang nakaka shoot halos mga kakababaihan ang humihiyaw dahil sa paghanga ng mga ito sa dalawa, ngunit mas nangingibabaw ang hiyaw na kanilang Muse na si Charlotte sa kakasigaw
Wala man magawa si Zaina kundi manggalaiti sa inis sa babaeng kanina pa nagpapapansin
4th Quarter
Bente segundo ang nalalabi sa laban, iskor ng kalaban nila chester ay 80 at ang koponan naman nila ay 78 bola nila chester upang maka iskor
Halos wala umiimik dahil inaabangan ng lahat kung ano ang susunid na mangyayari sa laban
Idrinibble ni chester ang bola, sumugod ang binata papunta sa ring, dinouble man siya ng kalaban kung kaya ipinasya niya ioasa ang bola kay biboy, sinalo ito ng kaibigan at idrinibble ang bola.. binantayan si biboy ng maige ng kalaban nila, mahigpit ang katapat ni biboy, inilinga niya ang tingin kung sino ang papasahan, nakita niya libre si dominic sa linya ng 3point side corner ng court, ipinasa ni biboy ang bola..
Nasalo ni dominic ang bola, hiyawan ang tao, 6 segundo ang natitira, "dok shoot munaaaa" utos ni chester na umilalim sa ring para sa rebound
Nagkalakas loob si dominic i shoot, inihagis ni dominic ang bola.. halos naka tulala na ang lahat sinundan ang inihagis na bola
3sec.. 2 sec.. 1 sec. Shooot!!!!
GUZMAN 3POINTS!!!!
alingawngaw ng announcer sa court
Final score 80-81 panalo sila chesterNaglundagan ang mga suporta sa koponan nila chester, at nagsilapitan ang mga ito sa koponan kasama na si charlotte na biglang niyakap at hinalikan si Chester sa pisngi
"Congrats Thei!" ani charlotte
Nabigla ang binata sa ginawa ng dalaga
"Hindi yata tama ang halikan mo ang BF ko"
Biglang tingin nila charlotte at chester kung sino nagsalitaSi Zaina
BINABASA MO ANG
IF I CAN STEP BACK AGAIN
RomanceBrusko si Chester, lahat ng katangian na pinangarap sa isang lalaki ay wala sa kanya, hindi siya ang tipong may pangarap sa buhay, kumain lang sa araw araw ay sapat na sa binata. Ano lang ang meron siya? Guwapo. Ideal girl si Zaina, halos mga katang...