Chapter Eighteen: Childhood

14 0 0
                                    

Third person's

/flashback/

JYP kingdom

Ngumiti si Haring Jokwon habang pinagmamasdan ang boung paligid.

Masayang nagdiriwang ng Lantern Festival ang boung MissA palace.

Meroon tatlong palasyo ang JYP
Ito ang MissA palace kung saan puro royalties ang nakatira. Ang 2pm/am palace kung saan puro mga sundalo at ang Rookie palace,na nahahati sa Anim na sektor (Got7 island, Twice Town, Day6 Ville, StrayK dungeon, Itzy Village, Boy Story City). Ang Rookie palace ay punong puno ng mahika.

Ang Got7 Island ay kilala sa pagiging mahusay sa pag-gamit ng teleportation at telekinesis. Pwede na nilang palitan ang mga sundalo sa  husay nila sa pakikipaglaban at may ibat-iba din silang kapangyarihan.

Ang Twice town naman ang gumagawa ng ibat-ibang potion.
Gumagamit din sila ng pangkulam.

Ang Day6 Ville, sila ang kumokontrol sa Apat na elemento. Bawat isa sa kanila ay may tig dalawang elementong hinahawan pero meroon ding natatangi na lahat ng elemento ay kaya niyang kontrolin.

Ang StrayK dungeon. Ito ang kulungan ng boung kingdom, meroon itong orasyon na pumipigil sa pag gamit ng kapangyarihan kapag nakulong ka na dito.

Ang Itzy Village naman, ang pinakatahimik na lugar. Wala lumalabas na ingay dito, aakalain mong walang nakatira dito pero sa oras na makapasok ka dito tiyak di kana makakalabas maliban na lang kung may nilabag kang rules katulad na lang ng umibig ka ng isang taga Miss A palace. Isa yun sa ayaw ng pinuno nila, papalayasin ka agad.

Ang Boy Story City naman ay puno punong ng kulay kasi lahat ng nakatira dito ay puro mga bata. As in lahat ng mga bata ay nasa city, kapag tumanda na sila ay makakalabas na sila sa city at doon din nila malalaman kung ano ang sektor na kanila powering mapuntahan o di kaya sa makakapunta din sila sa Miss A palace para maging isa sa tagapagmana ng hari at sa 2pm palace para maging sundalo.

"Mahal na Hari, nakahanda na po ang lahat. " ani ng isa sa mga sundalo.

"Simulan na ang parada!" utos niya.

Tumango ang sundalo at nagsimula na ang parada.

Samantala...

"Yugyeom! Bawal tong gagawin natin. Mahigpit na pinagbabawal na wag tayong pumunta sa mundo ng mga tao" saad ng isang bata.

"Saglit lang naman tayo doon, Doyoon" sabi Yugyeom. "Gusto ko lang naman tong subukan ang potion ni Ina"

Napabuntong hininga si Doyoon. "Sige na nga! Ano pa bang magagawa ko eh nandito na tayo." pinagmasdan nila kung natutulog na ang tagapag-bantay ng lagusan.

"Ayan.. Tulog pa siya, tara na"

Dahan-dahan silang naglakad papunta sa lagusan hanggang sa makarating na sila dito. Agad silang tumawid,

Isang mapakalaking gusali ang bumungad sa kanila.

"Oh! Dali gamitin na natin yang potion mo!" utos ni Doyoon.

Binigay ni Yugyeom kay Doyoon ang isa pang bote at sabay nila itong inimon.

Unti-unti silang lumaki. "Daebak! Para akong tunay na tao" ani ni Yugyeom "tara na, makipag-laro na tayo sa mga tao tapos uwi na tayo agad! " yaya niya.

Tumango ang isa.

Namasyal silang dalawa. Marami na silang nakolektang gamit gaya ng Libro at Comics. Natikman na din nila ng iba't ibang pagkain. "Ano kaya ito? " tanong ni Doyoon kay Yugyeom habang hawak ang paper clip.

Napakibit ng balikat si Yugyeom.

Nakarating na silang dalawa sa park. Nagulat sila na maraming bata ang naglalaro. "Dito tayo magkikita mamaya" ani ni Doyoon, nilagay niya sa tabi ng basurahan ang bag na bitbit nila.
"Sige! Laro na tayo!" sigaw ni Yugyeom. Nahiwalay silang dalawa.

Napatigil si Yugyeom ng makita niya ang isang batang lalaki ng umiiyak "bata bakit ka umiiyak? " tanong niya.

"Iniwan ako ni Hyung" sagot nito.

"Halika hanapin natin siya" hinla niya patayo ang bata at nagsimula na silang maghanao kung nasaan ang kapatid nito

"Bam! Nandyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap" napalingon silang dalawa sa lalaking sumigaw. Agad natumakbo ang batang kasama niya sa lalaki at niyakap ito.

Napangiti siya, sa wakas nakita na din yung kapatid niya.

Aalis na sana niya ng marinig niyang sumigaw ang bata, "anong pangalan mo?" tanong ng bata.

"Kim Yugyeom! " sagot niya atsaka umalis na.

"Ang tagal mo naman! "Bulyaw ni Doyoon. "Pasensya na may tinulungan kasi ako. Tara umuwi na tayo." naglakad na sila pabalik kung saan ang lagusan.

/end of the flashback/

*****--****-****-****-******-**

A/n; may nagbabasa pa ba nito?

Just Right (Got7 FF) (Yugbam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon