Kabanata 1

60 5 2
                                    

Estelle's POV

Bigla na siyang tumalikod at nagsimulang maglakad.

I was still confused at tinititigan ang likod niya. "Anong hinihintay mo? Tara na,iha."she blurted out.

"Uhh...lola...s-seryoso po ba talaga kayo?"I asked. Trying not to be offensive kay lola.

Tumango siya. "Gusto mo ba talagang maibalik ang kasintahan mo?"she asked. Napalunok nalang ako at sumunod sa kanya.

Napadpad kami sa parang garden. Gosh! Sana dinala ko yung phone ko dito. Saan ba 'to? Ang tagal-tagal ko na dito tapos ngayon ko lang nakita 'to?! #Justice

"Iha."


Napalingon ako kay lola na tinawag ako. "Maupo ka muna rito. Halika't ikwe-kwento ko sa'yo ang buhay ng pamilyang Del Rosario."tugon niya at sinunod ko naman siya.

"Ang pamilyang Del Rosario ang isa sa pinakamayaman sa buong bayan noon. Isa sila sa pinakasikat na pamilya sa bayan dahil Gobyernador si Don Jamiel. Mayroong syang maybahay na si Donya Maria at dalawang anak na si Binibining Esmeralda Carmen at Binibining Estelia Serania."

Omg! Estelia talaga ha? So malapit-lapit yung name,ganon?

"Oo iha,itinadhana talaga na magkalapit ang inyong pangalan."


Can she read minds?!

Ngumiti siya. "Isa akong nilalang na di mo inaakala."


So.....fairy sya? anghel? devil? aswang? mangkukulam? Gosh,Estelle! Anong pinag-iisip mo?



"Wala sa iyong binanggit este iniisip pala."sambit nito at tumawa ng mahina. Ang kyot ni lola!



"O siya at itutuloy ko na ang kwento. Nakilala ni Binibining Estelia si Ginoong Alejandro Lopez. Siya ay anak ng isang kilalang pamilya rin sa bayang San Aguas."nanahimik na ako at nakinig sa istorya.



"Tumibok ang puso nito sa binata at pinilit ang ama na ikasal rito. Kahit may kasintahan si Alejandro noong mga oras na iyon,pinilit na nakipaghiwalay ito at bigla na lamang naglaho ang iniibig nito na parang bula. Natuloy ang kasalan. Hindi maganda ang naging trato ni Alejandro kay Estelia sapagkat naghihinagpis ito sa pagkawala ng kanyang dating kasintahan. Hindi nagsumbong si Estelia sa mga magulang dahil ayaw niyang mawala ng tuluyan si Alejandro dahil mahal na mahal niya ito."tuloy pa niya.




Ang harsh naman ni Alejandro kay Estelia! Kasalanan ba na nainlove sa kanya si Estelia? Psh!





"Isang araw,hindi na nakayanan nito ang mga pananakit sa kanya ni Alejandro kaya nagpunta ito sa Pulang Lawa na tinawag na 'pula' kahit hindi naman ito kulay pula. Ang lawa kung saan maraming bangkay  ang mga tinatapon rito ng mga may sala sa lipunan."



"Nagpalunod ito rito at namatay. Sobrang nasaktan at nakonsensya si Alejandro dahil alam niyang dahil sa kanya kaya't nagpakamatay ito. Isang linggo pagkatapos ng pagkawala ni Estelia,ay nagpakamatay rin si Alejandro. Ang sabi-sabi na hindi raw ito nakayanan ang pagkamatay ng dalaga. At doon nagtatapos ang pag-iibigan ng dalawa."


"Ang lungkot naman ng story nila,lola. Pwede ng pang-MMK!"biro ko para mawala ng lungkot sa paligid.


Tumawa naman ito ng mahina.


"Lola....ano po yung connect ng love story namin ni Keith?"tanong ko.



"Kapatid ni Alejandro ang lolo ni Keith. Kaya't dapat mabuhay siya para matuloy niyo ang pag-iibigan niyo ni Keith. Naalala mo ba na dahil sa depresyon sa pagkamatay ng lolo niya?"tugon nito.



Oo nga nohh? Nadepress siya dahil sa pagkamatay ng lolo niya kaya dapat hanggang sa huli,ay mabuhay siya. Tama!




"At ang tungkol sa pangalan mo at ni Estelia ay naging magkasingtulad dahil hiniling ito ni Estelia sa kapatid niya na ito ang ipangalan sa magiging apo nito."


Tama nga! Ba't ngayon ko lang napansin na same name pala si Esmeralda at si lola? Gosh!



"Paalam na,iha. Ako'y may pupuntahan pa. At paalala ko lang sa'yo,malapit na maisulat ang pagmamahalan ni Estelia at Alejandro."



"Wait! May isang tanong pa po ako."pahabol ko pa.


"Ano yun?"


"Sino po ba kayo?"I asked politely.


Ngumiti siya. "Tulad mo,may misyon rin ako. Tatlo ito. Ang ikaw ang una kong misyon na gaganapin."sabi nito at nawala na siya na parang bula.



Umuwi ako sa bahay na nakatulala. Sinalubong ako ni mommy sa labas na mukhang kanina pa ako hinihintay.


"Oh god,Estelle! Saan ka galing?"


Tanong pa siya ng tanong pero hindi ko siya pinansin at pumunta na sa kwarto. Ni-lock ko ito at napasalampak sa kama.

I sighed. Totoo ba yung mga pinagsasabi ni lola?


At anong misyon yung ibig niyang sabihin?

Gosh! Baka dalhin niya ako sa history tulad ng binabasa ko sa wattpad palagi?


I shaked my head para mawala ang mga thoughts pero ginugulo pa rin nila ang isipan ko. God!





Binuksan ko ang cellphone ko para may mapaglilibangan pero wala talaga akong magawa!





Umikot-ikot ako sa kama at kung ano-anong kabaliwan ang ginawa para lang may magawa.



Bigla akong nakaramdam ng gutom pero naalala ko na nasa labas si mommy kaya magtatanong nanaman yun ng kung ano-ano kapag lumabas ako.




I ignored my hunger at naisipang matulog nalang.



At hanggang hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako...



A/N:
This story is fictional. Gawa-gawa ko lang 'to out of boredom kaya hindi niyo 'to makikita sa aktwal na history. I-search niyo pa! Kinilig lang talaga ako kay Juanito at Carmela. Kyahh! Enjoy reading. -sarcasticallyyy

Just A Chance (Math Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon