CHAPTER 1

12 1 0
                                    

KENT POV

"K, darating pa ba yon? Eh, kanina pa tayo naka tunganga dito"

"Anong Oras na ba?" nasa harapan kami ng iskwela ngayon hinihintay ang mabungangang prinsesa. Sabi niya kc pupunta kami bago mag 3 ng hapon kasi baka daw maaga ang labasan nila dahil first day of school palang.

"3:10 na, tapos kanina pa tayong 2:30 dito, hayyy! Mga babae nga naman mabunganga na nga tapos minsan ang kukupad pa nilang kumilos ang malala pa don minsan may topak" halatang expert sa babae ang kasama ko, alam na alam na niya ang mga ugali nila.

"Pabayaan mo na minsan lang naman ito sa isang taon eh. Saka naghihintay ka nga pero yung tinitignan mo naman ay yung mga babae don" saka ko tinuro yung mga istudyandeng nakatambay na nakatingin din sakanya, may itsura naman sila pero mukhang malalandi.

"Inggit ka lang kasi" sabi niya habang kinakawan ang mga power pop girls. Siya ang kaibigan ko si S pero buong pangalan nya ay Shan Levi Naval masyadong mahaba kaya S nalang. Half-half sya pero laking Pinas, meron din siyang alam na Elien na salita.

"Darating din ako dyan pero hindi lang ngayon" tumingin nalang ako sa gate baka sakaling iluwal na niya ang mabungangang prinsesa

"K!!!" Sigaw ng isang tinig ng babae.

"Hay, salamat dumating din" bulung ni S saka bumuntong hininga.

"Bakit ngayon kalang? Sabi mo 3 ang labas niyo?" Nagmamaktol na sabi ko.

"Marami ang pinagawa samen, eh" malungkot na aniya habang naka panlabi ang bibig niya "Wala kayong pasok ngayon?" singit niya, ayan ang babaeng mahilig mag iba ng usapan.

"May ginawa kami" sagot ni S

"Ano yon??" pero hindi sumagot si S "K, anong ginawa nyo?" hindi ko siya sinagot. "K, ano ba!, sabihin niyo na sakin. Hindi ko ipagsasabi, promise." tinaas niya pa ang kanang kamay niya.

"Wala, samin nalang yon" nakabusangot siya pero hindi parin tumigil sa pangungulit.

"S, sabihin mo na sakin" hinawakan niya pa ang kamay ni S na parabang nagmamakaawa.

"Sabihin ko na nga" naiiratang sabi ni S, bigla naman lumawak ang mukha ni Kellie na para bang nabigyan ng pag-asa. "Mag aaral kami dito sa school niyo" kumunot bigla ang noo niya

"Mag aaral??, Diba tapos na kayo---" tinakpan ko kaagad ang bibig niya.

"Wag kang maingay" Ang lakas talaga ng bunganga nito. Kaya minsan ayaw namin magsabi sa kanya dahil minsan nabubulgar kami dahil sa bibig niya."may mission kami dito" tumango tango nalang siya.

"Okay! Ano nga pala ang kinuha niyong course??" ang dami naman tanong nito.

"Magkaiba ang kinuha namin course ng kuya mo. Siya ay BSBA at ako ay Criminology ang pagkakaalam ko ALPHA ang section ko." mahabang paliwanag niya.

"Anong sabi mo?? ALPHA ang section mo??. Naks naman, magkaklse pala tayo, eh" Siya na masaya.

"Alam mo kapag nakikita pa lang kita tinatamad na ako " panunukso ni S. Ito namang si S sinasakyan pa sa ginagawa niya.

"Anong pagnakikita mo ko tinatamad ka? Dah!!! sadyang tamad ka lang kaya, tapos ako pa yong sinisisi mo sa katamaran mo" Mataray nasagot ng kapatid ko. Oo kapatid ko yan. Siya si Kellie Jainne ang nag-iisa at nag-sosolong prisesa. Dalawang taon lng ang agwat ng edad namin sa isat- isa pero minsan niya lang ako tinatawag na kuya dahil nga sa trabaho naming ito.

Missing YouWhere stories live. Discover now