Mark POV
"Wooohhh bro long time no see"sabi ni park sakin hahah ang ingay niya pa din.Andito kami ngayon sa airport dahil kakauwe ko lang galing state, nagbakasyon lang ako at para makalimutan ko na din siya. Sinabihan ko sila na sunduin nila ako dahil ayokong umowe ng bahay kaya sa kanila na lang ako magstay.
"Hahah ingay mo pa din, musta si king?"tanong ko sa kanila na ikinatahimik nilang lahat,di kase sumama ang ugok na yun busy daw?
"Ahm ganun pa din masungit pa din siya "sabi ni je ha so hindi pa pala siya nakakamove on hayss kahit ako nahirapan siya pa kaya.
"O siya sige na punta na tayo sa sasakyan dahil gutom nako libre mo kami mark"parang bata talaga tong si Jayson.
"Lagi naman eh tsk!pambabara ni park hahaha nagalit tuloy kaya nauna na
Habang naglalakad kami papuntang sasakyan parang may napansin akong kakaiba Kay James bakit kaya?
"Pssttt hoy problema mo?"tanong ko sa kanya mukhang ang lalim ng iniisip niya ehh
"Ahh wala Tara na "sabi niya at nauna ang weird niya naman
After 30 mins na paglalakad nakarating na kami sa sasakyan at pinaandar ni park ang sasakyan. Dahil mahaba pa ang byahe kaya matutulog muna ako ...
Princess POV
Andito ako ngayon sa may puntod ko,naisip ko na patay na talaga ang Christine Jane Buenavista na nakilala ng lahat dahil ako na ang dating princess Jane Salvador na dating tahimik ang buhay pero nagbago Simula ng sirain nila ang lahat. Pagbabayarin ko lahat ng nagsinungaling sakin at ikaw papatayin kita kapag nagkita tayo dahil sayo nagbago ang lahat sakin.Habang nakaupo ako sa may puntod ko bigla na lang may dumating na kotse at pinarada niya sa gilid kaya bigla akong nagtago dahil kilala ko kung sino ang nagmamay ari ng sasakyan na yan.
Habang papalapit siya ng papalapit nakita ko ang mga luha niya na pumapatak mula sa mata niya bakit? Bakit siya umiiyak ?ng makarating na siya sa may puntod ko umupo muna siya at nilabas niya ang laman ng bag niya naglalaman ng mga kandila at pagkain pati bulaklak. Lumapit ako sa puntod ko para marinig ko ang sinasabi niya pero nakatago ako baka mahuli pa niya ako dito .
"Hi Jane musta alam mo miss na miss na kita "sabi niya at umiyak
"Miss na miss na kita gusto ko sabihin sayo na ako yung batang lalaki na nagtanggol sayo kapag binubully ka ng mga kaklase mo , ako yung lalaking nagpapangiti sayo sa tuwing nakikita kitang umiiyak at malungkot ako yung lalaking nagmamahal sayo ng palihim noon dahil mga bata pa tayo kaso nawala ka bigla di ka na pumasok at lumipat na rin kayo ng tirahan hindi ko Alam ang gagawin ko nun dahil ayoko na mawala ka. Mahal na mahal kita kung alam mo lang your my first love and last kaso wala ehh nauna kana Jan sa langit ang daya mo matagal tayong hindi nagkita at nung araw na nakita na kita masayang masaya ako kaso sabi nga nila may kapalit lahat ng kasiyahan mo sana talaga di ka namatay dimo man lang ako hinayaan na sabihin sayo na mahal na mahal kita"sabi niya at umiiyak ng sobra ako naman natulala lang dahil sa mga nalaman ko bakit ganun? Ang weird ng pakiramdam ko feeling ko maiiyak nako sa mga narinig ko shitt hindi pwede toh
Kaya umalis nako baka mahuli pa niya ako mahirap na saka hindi maganda ang pakiramdam ko kailangan ko ng umalis dahil sumasakit na naman ang ulo ko. Habang naglalakad ako na parang zombie dahil nahihilo nako bigla akong nabangga sa isang tao at diko makita kung sino dahil nanlalabo na ang paningin ko feeling ko matutumba na ako.
"Ok ka lang?"tanong niya pero familiar ang boses na yun kung hindi ako nagkakamali si Kim ito.
"O-ok l-lang a-ako"sabi ko diko na talaga kaya pakiramdam ko mahihimatay nako sa sobrang sakit ng ulo ko. Bigla akong natumba pero naalalayan naman niya ako pero nandidilim na ang paningin ko at everything went black......
BINABASA MO ANG
Her Revenge
Teen Fictionsiya si Christine Jane Buenaventura isang mahirap n babae matalino ,mabait ,mapagmahal sa magulang at higit sa lahat matulungin.siya ang tinaguriang nerd girl sa campus nila ,at lage siyang honor student at dahil dun nakakuha siya ng scholarship sa...