Kim POV
Pagtapos kong umiyak at magdrama sa harapan ng puntod niya napagdesisyonan ko ng umalis kaya tumayo nako pero bigla akong may napansin na nakatingin sakin kaya pumunta ako sa kinaroroonan niya at laking gulat ko sa nakita ko bakit siya nandito?. At napansin kong para siyang nanghihina kaya lumapit ako sa kanya para alalayan siya."Ok ka lang?"tanong ko sa kanya napansin kong nagulat siya
"O-ok l-lang a-ako"sabi niya at bigla na lang natumba buti na lang naalalayan ko siya kung hindi tatama yung ulo niya sa bato. Dahil nawalan siya ng Malay nagmamadali akong pumunta sa sasakyan at syempre binuhat ko siya. Pagkadating ko sa sasakyan sinakay ko kaagad siya sa kotse ko at inihiga ano bang nangyayari sa kanya?
Fast forward
Nang makarating na kami sa bahay binuhat ko kaagad siya papunta sa loob ng kwarto ko. Pagkatapos ko siyang ihiga kumuha ako ng malamig na tubig at bimpo para mabawasan ang init ng katawan niya nilalagnat pala siya, nakita ko siyang gumalaw at unti unti niyang binuka ang mata niya."Ok kana ba?"tanong ko sa kanya
"Nasan ako?"imbis na sagotin yung tanong ko eh tinanong niya rin ako nice talking
"Sa bahay natumba ka kanina kaya dinala kita dito"sabi ko sa kanya
"Ok thanks aalis nako"sabi niya at tatayo na sana siya kaso pinigilan ko siya ang init niya kaya tsk!
"Humiga ka muna Jan marunong ka naman siguro magpahinga tsk!"sabi ko at hindi naman siya pumalag kaya tumayo ako para kunan siya ng makakain kailangan niya uminom ng gamot.
Pagkababa ko nakasalubong ko si manang luz.
"Manang pwede po ba kayo magluto ng pagkain para sa may sakit"sabi ko sa kanya at nagtataka siya kung bakit
"Bakit Kim may sakit kaba ?"tanong niya sakin halata mo sa kanya na nagaalala siya hahaha ang sweet talaga ni manang
"Hindi po nay may kasama kase ako na may sakit kailangan niyang kumain para makainom ng gamot"sabi ko kaya ngumiti naman siya. Umalis na siya para magluto hinintay ko muna siya bago ako umakyat, natapos agad si nanay magluto at nakita Kong lugaw ang dala niya.
"Oh ayan lugaw ipakain mo yan sa kanya mas magandang kainin yan kapag may sakit"sabi niya at inabot sakin ang lugaw
"Salamat nay"sabi ko at nginitian ko siya nginitian naman niya ako kaya umakyat nako kaagad para pakainin siya pagpasok ko nakita ko siya ang sarap ng tulog niya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya kailangan ko siyang gisingin.
"Psstt hoy gising "sabi ko sa kanya at niyuyogyog ko siya para magising nakita ko naman siya na nagising.
"Hay salamat naman tulog mantika ka tsk!"reklamo ko sa kanya hirap kase gisingin
"Tsk! Just shut up your mouth "sungit naman kala mo hay naku pasalamat siya may sakit siya kung hindi pinabayaan ko na siya ngayon.
"Kakain kapa kase kailangan mong uminom ng gamot"sabi ko sa kanya tinaasan lang ako ng kilay hay naku
Sinubuan ko siya dahil nanginginig ang kamay niya dahil sa hilo, habang sinusubuan ko siya napansin ko ang mata niya kaparehong kapareho kay Jane bakit? Sobrang gaan ng loob ko sa kanya kahit ang sungit niya.
"Oh ayan tapos kana teka lang kunin ko lang ang gamot mo ok"sabi ko sa kanya at tumayo di naman siya sumagot kaya kinuha ko na ang gamot niya pati na ang tubig.
Inabot ko sa kanya ang gamot at tubig kaya ininom na niya ang gamot. Pagkatapos niyang uminom pinahiga ko na siya para makapagpahinga. Kinuha ko yung lagayan ng lugaw pati na ang baso para dalhin sa baba. Lalabas na sana ako ng pintuan pero bigla siyang nagsalita.
"T-thank you sa pagalaga mo sakin"nahihyang sabi niya natawa naman ako hahah
"Ok lang yun magpahinga kana Jan para gumaling kana ok"sabi ko at nginitian siya, ngumiti naman siya sakin at humiga na
Ang cute niya kapag nakangiti lagi kase siyang nakasimangot ang sungit kagaya ko.
Pagkatapos kong ilagay ang baso sa lababo umakyat nako. Pagpasok ko nakita ko siyang tulog tumabi ako sa kanya tinititigan ko ang mata niya kagayang kagaya Kay Jane ang mata na parang abo ang ganda niya bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Huli ko itong naramdaman Kay Jane ang tagal na nun bakit bigla ko na lang naramdaman ang weird ?
Hayss inaantok nako makatulog na nga lang sa tabi niya nakakaantok naman hmmmm...
BINABASA MO ANG
Her Revenge
Teen Fictionsiya si Christine Jane Buenaventura isang mahirap n babae matalino ,mabait ,mapagmahal sa magulang at higit sa lahat matulungin.siya ang tinaguriang nerd girl sa campus nila ,at lage siyang honor student at dahil dun nakakuha siya ng scholarship sa...