[BOARDMATE]
Chazelle POV
Gumising ako ng umaga para maghanda ng makakain. Nasa boarding house ako ngayon ng aking Lola. Dito ako natutulog dahil malapit ito sa aking pinagtatrabahuhan. Ang aking trabaho ay kumakanta sa isang resto bar. Tatlong miyembro kami sa pagkakanta sila Miranzine Reyes, Stacey Merdean at ako.
Ang aming boarding house ay may walong kwarto, sampung aircon, apat na comfort room (2 boys Cr and 2 Girls Cr).
Pagkababa ko sa hagdan, nakita ko si Maxwell Ace Esconde na kumakain na.
Kung ilalarawan si Maxwell Ace sa kanyang pisikal na kaanyuan isang syang makisig na lalaki. May matangos na ilong , magandang buhok, six-pack abs.
Nakita ko ang kaniyang nagsisilakihan na abs nung' nakahubad sya at nakatali ang kaniyang tuwalya sa pang-ibabang katawan, halatang katatapos maligo. Namula ang aking mga pisngi at agad kong isinarado ang aking mga mata para hindi makita, pero sa kasamaang palad ito'y nakita ko . Nakakapang-init ang kaniyang abs nung ito'y nakita ko.
Maraming nakakakilala sa kanya dahil sa kaniyang kagwapuhan. Maraming nagkakagusto sa kanya ngunit parang wala lang sa kanya.
Hindi sya mahangin katulad ng mga ibang lalaki. Marami ring nagnanasa sa kanyang maputi at malaking abs o katawan.Ang swerte ko nga raw dahil ka-boardmate ko si Maxwell.
"Kain ka na, Sabay ka na sa'kin mala-late ka na" anyaya nito.
"Salamat sa pag-anyaya pero maliligo muna ako" sabi ko sabay ngiti sa kanya.
Kung ilalarawan naman sya sa katangian ito'y mabait sa akin, kapag bad mood hindi pumapansin sa mga taong nakapaligid sa kanya. Palabirong tao at medyo may pagkaFuckBoy.
May dalawa syang kaibigan , heart-throb ang turing sa kanila dahil sa taglay na kagwapuhan. Sila ay si Lawrence Nuckingstone, at si Clint Mendoza. Sila ay tinatawag na INITIATOR X.
Ako at ang mga kaibigan ko dito nakatira sa boarding house, at si Maxwell at ang mga kaibigan nya ay dito din.
Nakatira kami sa malaking bahay. May kanya-kanya kaming dahilan kung bakit nagBoarding house nalang kami.
Kumuha na ako ng tuwalya at ang damit na susuotin ko para sa Cr na ako magbihis.
"Good morning Chazelle" maagang bati ni Lawrence.
"Good morning din Lawrence" sabay apir ko sa kanya. Sanay naman ako kahit nakahubad sya.
Tumutulo ang mga tirang patak ng tubig sa kaniyang katawan papunta sa kanyang pusod. Ang puti ng kanyang kili-kili dahil nag-unat ito sa harapan ko. Halatang kakaShave nito. Dahil sa kaniyang pag-uunat , bumakat ang maselang bahagi ng katawan nya sa puting twalyang nakapaligid sa kanyang pang-ibabang katawan bagay na ikinapula ko.
Nakita ko na rin si Miranzine at tapos ng maligo. Pati na rin si Stacey tapos na rin. Binati ko silang dalawa ng magandang umaga. Tanging ako nalang ang hindi pa nakakaligo.
"Dalian mong maligo, matatanghalian tayo" paalala ni Miranzine.
Dali-dali akong pumunta sa loob ng Cr. Ang malamig na tubig ang nagpasayaw sa akin dahil sa sobrang ginaw. Hindi na ako nagpainit ng tubig dahil kulang na sa oras. Dalawang'put isa nalang mag-aalas otso na naman.
YOU ARE READING
Boardmate Kong Artista (OnGoing and Slow-Update)
RomanceBoardmate kong Artista. Author: ADING/FAFA/KUYA ROYAL BLUE (R.B) [UNDER-EDITING and ONGOING]