Lumipas ang mga araw na kasama ka,
Kasiyahan ang tanging nadarama.
Pagsasamahang hindi natitibag ng iba,
Sa isang iglap? Natapos na.Gaya ng hangin, iniwan mo akong nakatulala
Nanghinahina, at para bang naluluha.
Ngunit bakit ika'y sumuko na?
Pwede pa namang magpahinga hindi ba?Nasaan na 'yong pangakong binitawan mo?
"Magbago man ang ihip ng hangin, di' ako lalayo"
"Ano mang mangyari sa atin, walang magbabago"
Buhay pa ba ang mga ito?Tanging bagay na pinagkukunan ng lakas, natibag pa!
Kaisa-isang taong pinanghuhugutan ng saya, nawala na.
Wari sana'y dalangin ko'y dinggin:
Pagbabalik sana'y piliin, at pangako mo sana'y iyo namang tuparin.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hmmm May nagbabasa ba nito? Hahahahahaha
YOU ARE READING
To Ease Pain
PoetryShe love, she loves, but she wasn't loved. So sick of loving and loving but ended up hurting. With all the aches she felt, writing was her remedy to be okay. Unsent messages, high hopes, and words of the broken soul- she wrote poems to ease pain...