NBSB.
No Boyfriend Since Birth.
Iyan ang status ko since then, hanggang sa mag college ako. Walang lalaki na nakahawakan ko ng kamay, nakasandalan ko ng ulo, nasabihan ko ng 'I love you', nakatextan ko hanggang sa mag-umaga, at lahat pa ng ginagawa ng isang magjowa, name it! WALA PA TALAGA.
Kaya inggit na inggit ako sa mga kabarkada ko na karamihan sa kanila ay may mga pinanghahawakan sa kani-kanilang mga karelasyon.
Sila halos taon na ang binibilang sa pagsasama nila, ako kahit isang taon, buwan o araw wala pa.
Sila naiinggit daw sa akin dahil maaari daw akong makahalubilo sa iba't ibang lalaki, habang sila hawak halos sa leeg ng kanilang mga jowa. Habang ako naman hinihiling na may lalaking hahawak din sa leeg ko, mag-aaway kami paminsan-minsan, maguguluhan at masasaktan ako at magkakabati din din kami. Yun lang, wierd ba?
"Hazel, hahanapan ka namin ng boyfriend, huwag kang mag-alala", sabi ni Charmaine, isa sa mga kabarkada ko.
"Oi, kayo, baka may mga kakilala o kabarkada kayo sa inyo na bagay kay Hazel. Ireto ninyo naman", sambit pa ni Dane.
"O sige, baka mayroon sa mga naging kabanda ko, ihahanap kita." nakangiting sinabi ni Migo sabay tapik sa likod
"E, huwag na kaya, hayaan ninyo nalang, darating din iyan." sagot ko sa kanila.
Syempre gusto din ng mga kaibigan ko na magkaroon din ako, kaya sinubukan din nilang maghanap ng para sa akin.
Kaya nga lang hindi ko talaga gusto ang mga ganoong gawi, dahil kapag ganoon alam kong mahihiya lang ako sa kanilang ipapakilala o kaya mapipilitan lang kami na idate ang isa't isa. E' paano kung ayaw ko sa lalaki, or in vice versa?
Kaya ayun, ni reject ko halos lahat ng pinakilala nila, at pinakiusap nalang na huwag na tumulong.
Nung minsan pumunta kami sa isang event na kinailangan naming puntahan ng mga kaklase ko..
Malapit iyon sa subidivisdion na tinutuluyan ng isa kong kabarkada na si Ariel, kaya pagkatapos ng event ay doon kami dumiretso magkakabarkada sa bahay nila at kumain ng pananghalian.
Mag-isa akong naglalakad at walang kasabay, pinauna ko sila dahil hindi ko na din makausap ang mga kasama ko dahil sa pagod ko sa event.
"Ariel!" sigaw ng isa sa mga lalaki na naglalaro sa may basketball court sa loob ng subidivision.
"Oi pare! nakauwi ka na pala!" sigaw din ni Ariel.
Napalingon kaming lahat sa direksyon na iyon at pansamantalang tumigil dahil lnilapitan na din ito ni Ariel.
Humiwalay ako sa mga kasamahan ko at sumilong sa ilalim punong malapit lang sa pwesto nila. Doon ako umupo at pinaypayan ang sarili para makaraos ng kaunti sa init ng panahon.
Tumingin ako sa lalaking kausap ni Ariel. Kitang kita mo na may itsura at isa pa, halatang mayaman. Sa tindig at maputing kutis niya pa mapapatingin ka mula ulo hanggang paa. Nakadagdag pa sa kagwapuhan niya ang sinuot niyang salamin nung nagtagal pa ang konbesasyon nila ng kabarkada ko.
"Mga kaklase mo?" narinig ko na tunung niya kay Ariel.
"Oo pre, tara! ipakilala kita."
Lumapit sila sa pwesto ng iba ko pang kabarkada, dahil nakasilong ako at medyo malayo sa kanila, tiningnan ko nalang sila at hinayaan kung ipakilala pa ako ng kabarkada ko sa kanya o hindi.
"E, iyun?" sabay turo sa akin ng lalaki.
Nagulat ako. Hindi ko din kasi akalain na siya pa ang magtuturo sa akin. Sa hiya ko din ay napangiti nalang ako ng hindi natural, yung tipong pinakita ko lang ang ngipin ko.
"Oi Hazel! Halika muna!" sigaw ni Ariel, "Si Hazel pare. Hazel si Christian nga pala." pagpapatuloy ni Ariel habang papalapit ako.
"Hi po kuya." bati ko sa kanya.
"Hi!" sagot niya sabay abot sa akin ng kamay niya, tanda na magkikipag-shake hands siya,
Ako na din ang agad na bumitaw sa kamay niya dahil nakakahiya't pasmado ako.
"Kuya, single din po iyan." biro ni James sabay tawa ng malakas na sinabayan din ng iba kong kabarkada.
Ako pa ang nahiya sa ginawa ni James, ramdam kong namula ang mga pisngi ko.
"Hala! grabe! hanggang dito ba naman?"
"Hahaha! sorry na! tara na lakad na tayo at mainit dito sa pwesto natin."
"Oi pare sige wah, punta muna kami sa bahay. Kakain na din muna kami."
Tumango nalang si Christian at sabay na nun ay lumakad na kami.
Halos lahat ng mga kasama ko nagpaalam sa kanya maliban sa akin, nahiya na kasi ako na iharap sa kanya namumula kong mukha.
--End of Chapter--
