Chapter IV

5 1 0
                                    

Chapter IV

                Parang hindi na ako nun makatingin sa kanya ng tuwid. Kapag ginawa ko kasi yun, panigurado mamumula ang mukha ko. Kaya lang kailangan kong tumingin at kahit papano ay pansinin siya kundi, maiisip naman niyang galit ako or something.

                “Uy! Kamusta na kayo?” unang bati ni Christain pagkalapit.

                “Gumagala muna kami bago umuwi e, haha! Ikaw kamusta na?”si Ariel.

                “Aa, talaga? Ako ok din, uuwi na din ba kayo? Sa Valenzuela muna kasi din muna ako mag spend ulit ng weekend, kung gusto myo sabay na kayo sa akin.”

                Gusto kong magsalita na huwag na!! ayoko siyang makasama, baka mamatay ako sa kilig! Eme. Haha! pero seryoso mahihiya ako ng todo kung ganun.

                Bago sumagot, tumingin muna sa amin si Areil para tingnan kung gusto din namin. Hindi ako sumagot kaso yung iba kong kasama game na game, hay nako..

                “Dito ka nalang din makijoin sa table namin pre.”pag-aaya ni Ariel kay Christian.

                May bakanteng upuan sa tabi ko kaya ayun doon siya umupo. Habang papaupo siya ay tumingin siya sa akin at ngumiti.OW EM GEE! Ang kyut kyut niyang ngumiti, kitang-kita kasi ang dimples niya sa kanang pisngi!!!

Pagkatapos nun nagpatuloy na kami sa pagkain at pagkkwentuhan, hindi naman na-OP si Christian, nakakausap naman niya ang mga kabarkada ko. Game na game siya pati sa mga biruan namin magkakabarkada, tawa pa siya ng tawa.

“Tingnan niyo sila Hazel tapos Christian, bagay sila noh?” sabi ni Charmaine.

Napatingin saming dalawa ang lahat ng mga kabarkada, tapos doon na nabuo ng tukso ang pwesto namin na yun. Pinilit ko nalang hindi patulan ang mga kabarkada ko, pero sa loob, kilig na kilig ako! HAHAHA!

Gusto ko na din pagsasapaking itong mga kasama ko. Humanda tong mga ito mamaya!!!

Habang tinutukso nila ako, hinawakan ako ni Christian sa kabilang braso tapos tapos ay hinila niya ako at napadikit ako sa dibdib niya!! Lalong nalakasan ang mga tukso nila at pati siya ay nakisali na

Ako naman, dahil sa sobrang gulat at hiya ko ay nagpumiglas agad ako sa kanya. Napalakas ata ang tulak ko kaya pati yung table ay natamaan at yung natiran softdrinks sa baso niya ay nabuhos sa paniguradong mamahalin niyang puting pantalon!!!!! PATAY!!

“Oh shit!” nasabi niya. T.T

“Ayy! Sorry kuya!! Sorry talaga!”

Kinuha ko nalang ang panyo ko saka ko pinunas na natapong inumin sa binti niya. yung iba ko naman kasama hinanapan siya ng tissue na pampunas.

“Sorry, kuya.”

“No, it’s fine. Kasalanan ko din, sorry kasi bigla kitang niyakap.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Faithful to You SinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon