Chapter III

6 1 0
                                        

Intern na ako sa isang hindi masyadong sikat ma magazine. ang trabaho ko? Lagi akong naa-assign sa pag transcibe ng mga interviews sa mga kilalang personality at minsan inuutusan ng kung anu-ano tulad ng pagtimplahin ng kape at maglinis ng stock room.

Maswerte na ako kung paggawain ako ng isang storya. Kaso nga lang sa ilang mga napasa ko na mi isa wala doon napublish.

Nagboarding house din muna ako dahil malayo ang pinago-OJThan ko sa bahay namin sa Valenzuela. Pasay pa kasi ang ibbyahe ko araw-araw kung sakali, kaya naghanap ako ng pansamantalang matutuluyan.

Sa iba't ibang kompanya kami napunta ng mga kaibigan ko, may iba din na magkakasama katulad ni Melissa at Charmaine, tapos si Migo at si Dane. 

Ako walang kasama, kaya alone ako all the time habang OJt namin. medyo malungkot din, halos kaming lahat busy. Minsan kahit text hindi na nagkakakontakan.

Nung minsan, ako lang mag-isa sa kwarto na tinutuluyan ko, hindi din ako maknuod ng TV dahil ang palabas na pnapanuod nila e basketball. Puro kasi mga lalaki ang nanunuod.

Ang ginawa ko nalang, nag-unli ako at piniem ko bawat isa sa mga kabarkada ko.

"Hi mga tropa! Miss ko na kayo! Kamusta na?"

Nag-assume ako, na kahit dalawa o tatlo man lang sa kanila magrereply sa akin,.

Nang tumagal ay napansin ko na kahit isa sa kanila walang nagreply.

Nanghinayang ako sa load ko, anu ba yan! dapat pala hindi nalang ako nagload din. 

Lalo akong naboring. Ilang oras lang ang pwede akong makapagpahinga at magliwaliw wala akong magawa, kundi humiga lang sa kama ko.

Hindi ko alam kung anu talaga gusto ko gawin sa phone ko, lahat ng folders binuksan ko. nagbura ako ng kung anu-ano tapos nilalaro saglit ang mga apps ko.

Napunta ako sa contacts ko, naghahanap ako ng mga makakatext, para hindi masayang.

Madami-dami na ding nakasave sa contacts ko pala, pero karamihan doon, kaya yung iba sinendan ko ng "Hi!". 

Mga limang tao ang nasendan ko. Kaso lang naghintay pa rin ako pero walang nagtext.

Nag-scan pa ako ng pwedeng itext. Napatigil ako sa pag scroll nang makita ko ang isa sa mga nasa contacts ko: X-Christian

'X' ang nilalagay ko sa unahan ng pangalan ng mga taong nasa contacts ko kapag hindi ko masyadong tinetext.

Kaso this time, dala na din ng kaboringan sa kwarto, tinext ko na din siya at baka sakaling magreply.

Kaso hindi pa rin, lahat sila walang nagreply. sa dami ng sinendan ko. T.T

Umayos nalang ako ng higa. kinuha ko ang paborito kong libro pero hindi din ako nakatagal at nakatulog na din. Kinabukasan ko na namalayan na nakatulugan ko na ang pagbabasa.

Nung ga segundo din na iyon, ilang napansin ko na ilang minuto na lang din at kailangan ko na umalis dahil malelate na ako! Naghadali akong tumayo at nag-ayos.

Sa akala kong mabilis na ako kumilos, hindi pa rin umabot ang powers ko sa bilis ng oras kaya tinanggap ko nalang sa sarili ko na late na ako at marahil ay pagalitan ako ng supervisor ko.

Nataon pa na traffic! Jusko! kung kailan nga naman talaga kailangang smooth ang lahat o!

Wala na akong nagawa, gusto ko maiyak sa sobrang inis.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, kaya kinuha ko ang earphone ko at saka sinaksak ito sa phone. 

Nun ko lang din machecheck ang phone simula nung paggising ko kaya hindi ko na namalayan na may text na ako.

Faithful to You SinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon