PROLOGUE

2.3K 35 9
                                    

Letisha Esguerra POV

Mahimbing akong natutulog 'di alintala na nasisinagan na ng araw ang aking mukha na nagmumula sa bintana ng condo ko. Antok na antok pa ako ngunit sadya talagang hindi masusunod lahat ng gusto mo kasi kanina pa panay ang tunog ng cellphone ko na nasa side table ng kama.


Tinatamad naman akong abutin ito sapagkat kulang pa ang tulog ko, pakiramdam ko ay walang isang oras ang naitulog ko. Paano ba naman kasi pagkatapos kong umuwi galing sa Pharmaceutical na aking pinagtatrabahuan ay nainganya akong manood ng kdrama na kamakailan lang nairelease kaya naman ay pinanood ko na.


Ang sabi ko dalawang episode muna ang tatapusin ko para mga tatlong oras lang ang panonood ko ang kaso lang hindi ko na matantanan. Kung hindi lang sumuko ang talukap ng aking mga mata ay aabutin pa ako ng umaga buti nalang ay sa tanghali ang aking duty may oras pa akong makabawi ng tulog pero mukhang hindi ko magagawa sa panay ring kong cellphone.


May halong inis ay napabangon na rin ako, tiyak kong hindi titigil ang caller hangga't 'di ako sumasagot.


"H-Hello?" antok na bati ko sa caller na hindi ko na nagawa pang tignan kung sino man.


"Thanks God! Sinagot mo na rin! Kahit kailan talaga tulog mantika ka pa ring bruha ka." walang pasubaling sabi ng malalim na boses na nakilala kong pagmamay-ari ni kuya Angeles.


"Wow ha! Ba't ka ba kasi napatawag kuya?" pasaring na sabi ko. Paano ba naman ay biglaan rin ang pag tawag niya kaya 'di ko iniexpect na siya ang caller.


"Ang harsh mo naman ata, di mo ba ako miss?" sabi niya na may nahihimigan akong pagtatampo sa tono ng boses.


"Joke lang kasi. Syempre miss. Namimiss ko na kayong lahat." malungkot na pag-amin ko. Matagal ko na kasi silang hindi nakikita. Puro sa video calls lang nakakasawa narin mas maganda paring personal.


"Aww! Kaya ito sakto 'tong balita ko sayo!" sabi niya na nahihimigan ko ang saya sa boses. "I'M GETTING MARRIED!" tuloy tuloy na sabi ni kuya.


W-whatt?? tama ba 'yung narinig ko??


"OH REALLY??? TOTOO?!" naniniguradong tugon ko sa balita niya na tuluyang nagpalimot sa antok ko.


"Aba'y OO! Kaya ako tumawag sayo para ibalita ng derekta at imbitahan ka narin, kaya wala kang takas. Kailangan mong umuwi kung hindi magtatampo ako" sabi niya sa akin. Kilalang kilala niya na talaga ako, paano ba naman kasi nung mga nakaaran ay panay ang aya niyang sabay kaming magbakasyon, umuwi sa amin pero panay naman ang dahilan ko. "Oww! Buti may pumatol sa'yo no?" di kalaunang asar ko. "So who's the unlucky girl?" hirit ko pa.


"Of course sa charming ko ba naman na'to." mahanging tugon niya. "Kilala mo na siya. Si Callessia yung kasama ko noong sinundo mo ako nung nagtake-off kami dyan sa US."


Uh-huh napasagot niya pala si ate Cally. Nice. Boto rin kasi ako kay ate Cally eh nakausap ko narin siya tapos magkasundo pa ang work nila ni kuya. Kuya Angeles is now a successful pilot while ate Cally is a stewardess doon sila nagkakilala.

The Governor's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon