Letisha Esguerra POV
Umaga palamang ay aligaga na ang mga tao rito sa mansyon ng mga Mariano. Ngayong araw kasi na ito ay idinaraos ang kapistahan ng aming patron kaya naman bilang isang butihing Mayor ng aming lungsod ay napagdesisyunan ni Sir Loukas na magkaroon ng 'konting' salo-salo para sa mga taong taga rito sa amin.
Likas na sa aming probinsya na ipagdiwang ang kapistahan ng aming patron at tila walang ligtas kahit kapos ka pa sa pera ay nakaugalian na naming maghanda.
Kung nahihiwagaan kayo kung bakit ako naririto sa mansyon ng mga Mariano ay sa kadahilanang sumama ako kay mama balak ko kasing tumulong sa kaniyang pagluluto para narin sa gayun ay mas matuto ako.
Sa katunayan ay marami na ang nakiisa sa paghahanda sa gagawing salo-salo mamayang tanghalian pero nandito nalang din ako ay tumulong na ako sa paghihiwa ng mga rekados.
"Balita ko ay tatakbo si Mayor bilang Gobernador sa susunod na eleksyon, tiyak akong panalo na 'yun" narinig kong sabi ng isa sa kasamahan namin dito sa kusina ng mga Mariano.
"Aba'y syempre walang duda sapagkat malaki ang naitulong ni Mayor sa ating lungsod, hindi puro sa salita gaya ng mga naunang namuno sa lugar natin." nagmamalaking sabi naman ng kausap niya.
"Oo nga eh. Kaya nagagalak ako na malaman na tatakbo ulit siya at sa ngayon ay mas mataas na katungkulan naman."
Saksi kaming mga nakatira rito sa ginawang pamumuno ni Sir Loukas at talagang ginampanan niyang maayos ang kaniyang katungkulan kaya maraming tao ang sumusuporta sa kaniya at tiyak na mas dadami pa sa darating nahalalan sa susunod na eleksyon.
"Ma ako na po d'yan." prisinta ko kay mama ng aktong uurungin niya ang iilang nagamit na pinggan. "Di ba po nasabi ko na sa inyo na hangga't maaari ay iwasan niyo munang magbasa ng kamay habang nagluluto kayo kasi pasma po ang aabutin niyo n'yan". paalala ko kay mama.
"O siya sige anak salamat. Parati ko nalang nakakaligtaan paano nalang kapag nakaalis ka na sino nalang ang magpapaalala sa akin." malungkot na sabi ni mama pero 'di kalaunan ay ngumiti ito sa akin, pinaparamdam na magiging okay din ang lahat.
Habang ako ay naghuhugas ay hindi ko maiwasang makinig sa mga naguusap kanina.
"Alam mo ba Tes narinig ko noong nakaraan uuwi raw sila ma'am Katrina kasama ang isa pa nilang anak ni Mayor."
"O talaga? Mukhang hindi nila palalampasin ang nalalapit na kaarawan ng kaniyang asawa."
"Oo tsaka para maiba naman din siguro ano? Palagi nalang sila Mayor ang pumupunta roon sa abroad tuwing may okasyon."
"Sayang lang hindi sila nagkasabay-sabay ni Dansel, hindi sila nakaabot sa piyesta. May inaasikaso pa raw kasi."
Tila natulos ako sa aking kinatatayuan. Tama ba ang narinig ko? Uuwi sila?
BINABASA MO ANG
The Governor's Son
RandomAt twenty-eight, Letisha Porsche Esguerra had everything she dreamed of, a master's degree holder, Doctor of Medicine. Being able to do her passion for a high salary and giving back to her loving family along with the people who supported her journe...