Prologue

2 0 0
                                    

Shanique's POV

What the hell.

I'm literally looking at my lifeless body lying on the bed right now. The static sound of the monitor irritates my ears. Tiningnan ko yun and I can only see a straight line.

Ito na ba yung nakikita ko sa movies? Totoo pala yun.

But I can't just believe it. Parang kahapon lang kasama ko pa mga kabarkada ko, and now, I'm dead.

I was drunk last night. Malakas ang tama ko kapag lasing ako and it just happened na napadami ako ng nainom kaya dumoble yung tama ko. I didn't know what I was doing. My friends were drunk too.

It was a rainy night. I remember myself crossing the streets, specifically, jay walking. Alam kong mali yun but since lasing ako, tinatamad akong maglakad pa para makarating sa pedestrian lane.

I was not halfway yet to the other side of the road when I heard the deafening sound of a truck horning at me.

I tried to run but I can't. It's like my feet were glued to the floor. Inisip ko nalang na, maybe this is my destiny. Maybe this is bound to happen and I can't do anything about it.

I think I'm gonna be dead tonight.

As tears roll down to my cheeks and as my surroundings became slow, I smiled and remembered my happy thoughts. There wasn't much, I was a rebel.

The truck hit me. Then I found myself staring at my lifeless body.

Tama nga sila, no one gets out of life alive.

Napatawa nalang ako sa naisip ko. Mapaglaro talaga ang tadhana. Hindi mo alam kung kelan ka mamamatay kaya mas mabuti nang sulitin mo na ang bawat araw na buhay ka.

Pero wala na akong magagawa, patay na ako eh. Nakakatawa.

Napailing nalang ako at lumabas na ng ward ko. Saktong paglabas ko ng ward ay nagsidatingan ang mga nurse and doctors. Lahat sila ay natataranta.
Umalis nalang din ako kahit pinipilit parin nila akong buhayin. That's useless already. Nakahiwalay na ang kaluluwa sa katawan ko at hindi na ako babalik.

Gaya ng nakikita ko sa movies, hinintay ko ang magsusundo sakin. I visited other wards at nalaman kong ako palang pala ang patay.

Ha, ang weak ko pala.

Ang boring tuloy, wala akong makausap na ibang kaluluwa. Naglalakad lang akong mag-isa sa ospital. Nalibot ko na yata yung buong ospital at hindi pa dumadating yung susundo sakin.

Ang tagal naman, may traffic ba sa langit?

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mag-alala. Ano nang mangyayari sakin ngayong patay na ako? Ano nang gagawin ko?

Napabuntong hininga nalang ako at umupo sa may bench katabi ng bintana.

This whole "spirit" thing is new to me. Parang akong ipinanganak ulit. Pero--

"Sorry I'm late," napatayo ako sa boses ng isang lalaki. Sya na yata ang tagasundo.

Makinis at maputi ang balat. Singkit ang mata. Matangos ang ilong. Manipis at mapula ang labi. Perfection.

Hindi tulad ng inaasahan ko, wala syang pakpak ngunit may itim syang libro at naka-itim syang coat. Mukha syang taga-ibang bansa.

"Done checking me out?" napa-tsk nalang ako sa sinabi nya. Hindi ko inaasahang may ganitong attitude yung tagasundo.

"So now what?" pinag-krus ko ang mga braso ko at tinaasan ko sya ng kilay.

"Follow me," bago pa ako makasagot ay tumalikod na kaagad sya.

Tatanungin ko sana kung saan ang destinasyon ko. Heaven or hell?

Sinundan ko nalang sya tutal hindi ko naman alam kung anong gagawin.

So, this is a new start right?

---
A/N: Huehue. Ito po yung bagong version ng "The Angel of the Devil".

Na-realize ko kasing magulo yung plot kaya binago ko na. Si Secret naging si Shanique, pak ganern. BTW, yung tagasundo, si Yoongi yun.

Yun lang guys huhu. Flop yung una kong story kaya ito, inaayos ko. You can read the old version in my other account-- myeoljiii.

Fallen AngelWhere stories live. Discover now