Chapter 1

4 0 0
                                    

Shanique's POV

"Next!" kanina pa ako nangangalay kakatayo dito sa pila. Ang haba-haba pa ng pila kasi nandito yung mga tao mula sa iba't ibang sulok ng mundo.

Nakapila ako ngayon na may hawak na folder na may laman ng profile ko, cause of death, mga good deeds and sins.

Parang aapply naman ako nito eh.

Sabi kasi ng tagasundo, kailangan ko raw pumila para alam ko kung saan ako mapupunta-- sa langit ba o sa impyerno. Pag daw sa langit ako napunta, pipila nanaman daw ako sa ibang station para malaman kung anong uri ng anghel ako. Pag daw sa impyerno, diretsyo baba na sa impyerno.

Akala ko pa naman sobrang high-tech na sa langit. Hindi naman pala. May pilahan pa.

Well, hindi din naman sya pangit at traditional. Actually, mas high-tech pa sya sa lupa. Ang daming instruments sa paligid na hindi ko alam kung ano ang tawag. Hindi ito ang ineexpect kong magiging mukha ng langit.

Pero naiinis talaga ako na kailangan naming pumila. Mga 2 oras na akong nakapila dito at sa kamalasan ko pa, may dalawang madaldal na koreana sa likod ko.

Salita sila ng salita di ko naman maintindihan. Huhu, malas ko naman wala pa akong nakikitang pinoy dito sa pila. Kung meron man, malayo yata sila.

Natigil yung pag-iisip ko nang may matanaw akong pintuan. Walang nakasulat dito kaya mas lalo akong na-curious.

Nasa lupa palang ako, curious na ako sa lahat ng bagay. Lahat sinusubukan ko. Walang urungan. At dahil kanina pa ako nangangalay dito, pinuntahan ko yung pintuan. Hindi ko inintindi yung mga bulong ng mga kasama ko sa pila.

Pagbukas ko ng pintuan, namangha ako ng sobra, ang daming mga anghel. Hindi tulad ng mga nababasa ko sa libro na natataranta sila sa mga gawain sa langit, sobrang ayos nilang tignan. Walang natataranta sakanila.

Sobrang payapa. Kahit nga gumagalaw sila eh, wala akong marinig. May chandelier din na nakasabit sa taas.

May mini fountain din sa gitna sa baba ng chandelier. Sobrang modern tignan. Parang isang modern na palasyo.

Naglakad-lakad ako sa kwarto at nagtaka ako nang walang nakakapansin sakin. Kanya-kanya sila ng ginagawa.

Ang dami ring pinto sa may dulo. Siguro ito yung mga kwarto ng mga anghel.

"Ahhh!" may narinig akong sigaw ng nasasaktan. Nagmula ito sa isang kwarto. Nasasaktan ang mga anghel?

Sino namang mananakit sa anghel? O di kaya, baka may karamdaman yung anghel?

Dahil sa kuryosidad ko, hinawakan ko na yung door knob. Sayang walang bintana kaya hindi ko makita.

Pipihitin ko na sana yung door knob nang biglang may humablot ng braso ko.

"Stop," isa itong babaeng anghel. Hindi tulad ng ibang mga anghel, may pakpak sya.

Yung ibang mga anghel, halo lang, sya may pakpak. Siguro isa syang makapangyarihang anghel.

At dahil naintimidate ako sa presence nya, napa-bow ako sakanya. Natawa naman sya ng mahina. Ang hinhin ng boses nya.

"Ang mga anghel lang ang may karapatang pumasok sa kwartong 'yan," napatango nalang ako sa sinabi nya.

"Follow me," sabi nya pero hindi ko na natigil yung bibig ko at nasabi ko yung ayaw kong sabihin.

"Pinoy ka?" napatakip naman ako ng bibig ko dahil sa sinabi ko. Na-excite lang ako kasi hindi pa ako nakakakita ng pinoy dito sa langit.

Tumawa sya ng mahina at may tinuro sa taas ng ulo nya, "Tongues of fire," sabi nya tapos tumalikod na.

Wow, sya lang din ang may tongues of fire sa lahat ng nakita ko. Isa nga yata syang makapangyarihang anghel.

Nakarating kami sa isang maliit na kwarto. Kulay puti lang lahat ng nasa paligid. Walang upuan, walang bintana, walang kagamitan. Pwera nalang sa isang ginto na librong nakalutang sa gitna.

"Tutal ay mukhang tinatamad ka nang pumila, ako nalang ang magsasabi ng iyong kapalaran," sabi nya tapos tumabi sya sa gintong libro.

"Akin na yan," sabi nya. Binigay ko sakanya ang folder ko at bahagyang napalunok.

Binasa nya ang nakasulat sa folder ko habang tumatango-tango. Mukha namang nagugustuhan nya ang mga nakasulat dito.

"Sa langit ka," sabi nya habang nakatuon parin ang atensyon nya sa folder ko.

Inaasahan ko rin naman na sa langit ako mapupunta. Hindi naman ako kriminal para mapunta sa impyerno. Konti lang din naman ang mga kasalanan ko.

Tumingin sya sakin habang nakangiti, "Ngunit dahil binigyan kita ng pabor, ako ang pipili sa babantayan mo," b-babantayan? Hindi ba sa langit ako mapupunta?

"Mali, isa kang tagabantay," sabi nya tapos kinuha nya yung gintong libro sa tabi nya.

Lumipat ito mag-isa hanggang sa tumigil ito sa isang pahina.

Pinakita nya sakin ito. Isang anghel na nasa tabi ng isang tao. May nakasulat pa sa ibaba ngunit hindi ko ito maintindihan.

"Isa kang tagabantay," sabi nya habang nakangiti.

"S-sino po ang babantayan ko?" tanong ko sakanya dahil sabi nya, sya ang pipili ng babantayan ko.

"Malalaman mo rin," kinumpas nya ang kamay nya at may lumabas ditong kwintas na may asul na pakpak. Ito yata ang simbolo na isa akong tagabantay.

Ibinalik nya ang libro sa lagayan at napalitan ito ng isang hagdanan.

Tumingin muna ako sakanya bago humakbang pababa ng hagdan.

Bago pa man ako mapalayo ay may narinig akong sinabi nya.

"Goodluck," sabi nya habang may ngisi sa kanyang mga labi.

Sumara na ang pintuan at tuluyan na akong nabalot ng kadiliman.

---
A/N: Boring ba? Masyado bang malalim yung mga salita? Don't worryyy. Syempre nasa langit sila. Dapat formal yung pananalita.

Naglakad parin si Shanique kahit wala ng ilaw. Kung saan naman kasi sya umapak, dun nabubuo yung hagdan. Parang si elsa. Gets?

Saan nakarating si Shanique? Abangan sa next chapter!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fallen AngelWhere stories live. Discover now