Chapter 1

203 27 17
                                    

Precious P.O.V

" chhiiiiiinnnnnnnnn! Ang tagal tagal moo, kanina pa ako naghihintay sayoooo" pasigaw ko na

tinatawag ang bestfriend ko..

"Ayan na ayan na, malapit na" pasigaw niya ring sagot.

Hindi kami nag-aaway ganito lang talaga kaming dalawa, bagong lipat lang kami dito sa apartment

at matagal narin kaming mag bestfriend ni chin, magkaibigan na kami simula kinder pa lamang.

Nagkakilala kami ni Chin sa school noong Kinder,  at dahil sa isa siyang dakilang palakaibigan, siya ang unang lumapit sa akin, nagpakilala siya at binigyan niya ako ng baon niyang sandwich at doon na nagsimula ang pagiging magkaibigan naminng dalawa.

Isang lang ang kinaiinisan ko sa kanya ang pagiging maingay niya pero kalaunan ay nasanay narin ako sakanya.

Andami na naming pinag daanang dalawa, at nagkantampuhan narin kami. Normal lang naman sa pagkakaibigan yun diba?  ang importante, at the end of the day ay nagkakaayos parin kayo.

"Hoy! Anu na naman iniisip mo!?" Pagulat niyang sabi na nakapagpahinto sa pag-iisip ko, nakita niyo na, kung gaanu siya kabait? ahahha

"Hoy karin, iniisip ko kung bakit kita naging kaibigan at kung gaanu ako kamalas dahil dun" pabiro kung sabi ngunit seryoso ang mukha ko

"Simula nung tanggapin mo yung sandwich ko" sagot niya

"oo nga ei, buti nalang di ako nalason" pabiro ko na namang sagot, sabay umiling-iling

"Sus, ito naman mahal mo naman ako diba" pa-awa effect niyang sabi

"Di bagay" at nagtawanan na kaming dalawa...

"Tara na, at baka ma late na naman tayo" sabi ko sa kanya

At umalis na kami ng apartment na nagbibiruan at naghahabulan.

Note:

Hello.. Yan muna sa ngayon hehe try..

my enemy my lover (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon