Chapter 5

130 24 17
                                    

Andrew P.O.V

Lunes ngayon, at psukan pero tinatamad parin akong pumasok, ilang araw na ang lumipas simula

nung insidenteng nangyari noong Biyernes sa mall, pero hanggang ngayon di ko parin

makalimutan ang itsura ng babae na iyon, at h ggang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit

galit na galit siya sa akin.

Alam ko na naging bastos ako sa kanya pero iba ei, iba yung galit niya para bang ang tagal na

niyang tinatago yun, nagtataka parin ako hanggang ngayon, at shit naman di rin siya maalis sa

isipan ko, ang ganda niya kahit galit na galit na siya, lumilitaw parin ang ganda niya, paanu ko kaya

siya makikita? Paanu ko kaya siya makikilala? shit, anu ba to, habang tumatagal mas na cucurious

ako sa kanya, gusto ko siyang makita ulit, pero paano? bahala na babalik nalang ako sa mall sa

weekend baka makita ko siya ulit doon.

Maya-maya ay dumating na sina Derek at Arvin, at alam narin nila ang tungkol sa nangyari noong

Biyernes, at sabi nila tutulungan daw niala akong mahanap yung mistreyosong babae na yun,

nanakakuha ng interest ko. biruin mo, sa lahat, siya lang ata ang babaeng kinamumuhian ako,

at naiinis ako kapag naiisip ko yun, di nagtagal ay dumating na kami sa school.

"Oh, pare nandito na tayo, mukha atang ang lalim ng iniisip natin ah" pabirong sabi ni Derek

"alam niyo naman dahilan diba?" sagot ko

"oh, relax lang, mahahanap din natin yun, at mukhang na eexcite narin kami ni Arvin kung sino ba yang babae na yan na nagpagulo ng isip mo, diba Arvin?" sagot niya

"oo," at nag high five pa sila at sabay tawa

"geez, pare, hindi niya pinapagulo isip ko, curious lang ako kung bakit ganun nalang reaksyon niya, pagdedepensa ko, ayaw kung sabihin sa kanila na interesado talaga ako sa babae na yun dahil alam kung wala silang ibang gagawin kundi kulitin ako at pagtawanan.

"Tara na, malalate pa tayo sa first period natin," dugtong ko

at sabay na kami na pumasok sa room namin kung saan History ang first period namin, sa toto

lang wala akong problema sa subject na ito pero wala talaga akong interest dito kung di lang ito

kasali sa mga subject ko hindi ko papasukan ito.

Engineering student kami kaya siguro naman ay naiintindihan ninyo kung bakit ganun.

Precious P.O.V

"Oh bat ganyan parin mukha mo? Lunes na Lunes, naku ikaw huh, nakaka bad vibes yan wag kang ganyan," pabirong sabi ni chin

"Duh! Chin, pwede ba, wala ng bad vibes, promise" sagot ko, wala talaga ako sa mood ngayon, ewan ko ba, di ko rin maintindihan.

"talaga? wala ka ng bad vibes? haha sige nga bago tayo pumunta ng school mag fb tayo best, baka may update si Andrew" pang-aasar niya

"Haist, pwede ba best, tigilan mo na ako, nakakapikon narin huh, sana di ko nalang kinwento sayo hmp" inis kung sagot

sa totoo lang ilang araw na niya akong inaasar ngayon, simula nung Biyernes, pagkatapos nung

insedenteng nangyari ay umuwi na ako at kinwento ko sa kanya lahat ng nangyari at ang

masaklap, imbes na kampihan niya ako ay natuwa pa siya sa nangyari at kilig na kilig pa talaga

siya, sabi pa niya, napaka swerte ko raw dahil naka face to face ko si Andrew, at sabi pa niya,

simula daw sa araw na yun, ay titigilan na niya ito at imbes na sa kanya ay sa akin nalang daw niya

ito ibibigay, wow huh, hiyang hiyang naman ako sa kanya. para namang gusto ko. ayon nga simula

nun, ito at palage na niya ako inaasar hahay nasaan na ba ang bestfriend ko? bakit tinalikuran niya ako?

"oh, oh relax best, magkaka wrinkles ka niyan ei, cge ka, tatanda ka, cge pangako, ititikom ko na muna ang bibig ko, wag ka na magalit huh, pero bagay talaga kayo hahaha" patawang sabi niya at sabay takbo palabas ng pinto

"Anu sabi mo? humanda ka sa akin Chiiiiiiinnnnnnnn, kapag nahuli kita talagang kukutusan kitaaa," pasigaw kung sabi habang hinahabol ito.

Nakakapagod din tumakbo nho, at buti nalang malapit lang ang school namin sa apartment na

inuupahan namin, pagdating namin sa school ay pareho kaming hingal na hingal at nauubusan ng

hininga haha, Buti nalang ay di pa kami late pagdating namin sa room ay sakto rin ang pagdating

ng professor namin.

Buti nalang at hindi kami magkapareho ng pinag-aaralan ni Andrew, sa

isang pam publikong unibersidad kami nag-aaral ni Chin at scholar at si Andrew naman ayun kay

Chin ay sa isang pribadong university ito nag-aaral.

Ang hiling ko lamang ay sana hindi na kami ulit magkita ni Andrew. Sana *cross-finger*

Author's note:

haha ayun... nakapag-update narin ako sa wakas.. next update thursday or Friday hehe tulad ng sabi ko twice a week ako mag-uupdate.. thanks.. i hope you will like it.. please do comment and vote and follow me also... thanks. This book is unedited!

my enemy my lover (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon