*Entry #57* -part 1-

312 1 0
                                    

°

°

°

-----------------------------------------------------------------

°

°

°

Dear Diary my Friend,

°

°

°

°

Waaaahh! Gulong gulo na ako, hindi ko na alam kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Malapit na yata ako mabuwang >.<

Nandito na ko ngayon sa Las Pinas, sa bahay ng pinsan ng boyfriend ni Kath. Pano ko napadpad dito? Ganito kasi yun . . . . .

°

°

°

Kanina nung nasa bahay ako nila tita, pabalik balik sa isip ko yung mukha ni Luigi, yung mga panakaw na oras na nagkakasama kami. Oo nga't patago yung relasyon namin pero masaya naman kami. Nung mga sandaling yun para bang bigla na lang umapaw yung tapang at lakas ng loob ko. Nasabi ko pa nga sa sarili ko, KUNG HINDI KO GAGAWIN TO BAKA HABANG BUHAY KONG PAGSISIHAN.

°

°

°

Para bang yun yung naging cue para makaisip ako ng isang plano. . . . . . planong tumakas.

Nagpaalam ako kay tito at sinabing magpapaload lang ako, paglabas ko ng gate dali dali akong tumakbo sa may highway. Di ko alam kung swerte ba o malas pero nakasakay agad ako ng taxi, at dumiretso papuntang Las Pinas.

°

°

°

Wala akong dalang gamit maliban sa cp, ipod, yung perang bigay ni Luigi kanina at saka ikaw diary my friend. Wala akong # nung bf ni Kath kaya di ko alam kung pano ko sasabihin na papunta ako sa kanila. Alam ko yung lugar pero di ko na matandaan kung san mismo yung bahay.

°

°

°

At kung mamalasin nga naman ako battery empty pa yun cp ko, wala na kong ibang choice kundi makigamit ng cp kay Manong driver buti na lang pumayag sya. Tinext ko agad si Kath . . . . . .

°

°

°

Tumawag saken agad si Kath at sinabing sya na ang bahala. Basta susunduin na lang daw ako dun sa may kanto.

Mag-iingat daw ako at wag masyadong kabahan. Problema nga lang daw ay bantay sarado si Luigi, buti na nga lang daw at naitago nya yung cp nito.

°

°

°

Ang tagal tagal kong naghintay dun sa may kanto, siguro mga isang oras tapos nung mga 10pm na saka dumating yung pinsan ng bf ni Kath, si kuya Alvin. Nagsara pa pala sya ng pwesto sa may palengke kaya medyo natagalan.

°

°

°

°

°

==> 2nd part

*****

^I Found Her Lost DIARY^      (First Part-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon