Chapter 4- I hate you

177 1 0
                                    

cHapter-4

Saturday ngayun, grabe ang chikahan namin nung isang araw. -.-

By the way, kung baka sakaling magtanong kayo kung bakit nakakatakot sila..

Dahil yun ay…….:

Si Irish Emmet ay isang famous model at kaisang-isang anak ng isa sa mga mayaman na business man.

Kaya naman ang mga estudyante sa university talagang nererespeto sya.

Ang magpinsang Alfred at Joshua ay isang leader ng gang. Si Alfred ay namamahala sa Blue Blood na famous gang. Si Joshua naman ay sa No Mercy.

Si Alfred ay isang madaldal at isip bata. Ewan ko ng aba eh, nakakalito.

Si Joshua ang kabaliktaran ni Alfred, sya ay isang seryoso,tahimik, at nakakatakot. Pero ang sabi ng grupo ay isang ‘playboy’ si Joshua. Mahirap paniwalaan…. O.o Ang seryoso kasi nyang tao.

Pareho naman silang matalino at mayaman.

Ang magkambal na Ella at Erika ay apo ng isang napaka-delikado at nakakatakot na Mafia Lord.

Hindi ako makapaniwala na Mafia blood ay running through their bodies. Hindi naman kasi halata, pareho silang mabait, matalino at madaldal.

Nalaman ko din na nakapatay na rin sila ng tao. Nakakatakot!!!! Pero, parang wala lang sa kanila yun.

si Eros naman ang may-ari ng skwelahang ito. Kaya nererespeto sya. Mayaman sya katulad ni Irish. Mabait sya at masipag! Matalino pa!

Si Trent naman ay mayaman, di lang mayaman, sobrang yaman! Sya ang tagapag-mana ng mga ari-arian ng magulang nya. -________- GWAPO SYA… DEMONYO nga lang (.>>). And the worst is… isa syang dakilang playboy.

Ako???? Wahahaha xD ako ay isang anak ni Don Fajardo Samuel ! J Mayaman naman talaga kami, di nga lang halata. Kasi naman eh, ang bahay namin tama lang ang laki, syaka kung manamit kami yung di masyadong mamahalin. Simple talaga kung tingnan. Pero masaya na ako sa ganitong kalagayan.

“Hmmm…” sabi ko at nagbalot sa kumot ko. Sarap talagang matulog!

*pogsh* - sige isipin nyo nalang na sound yan ng pagkabasag ng salamin-

“wahh!!!” napasigaw tuloy ako! Ano bay un? Bakit may nangbato sa bintana ko? … Isa kaya yung magnanakaw?.. rapist?? …. Gangster?.... o kidnapper ?!!

Dahan dahan akong bumangon sa kama at nagsimulang maglakad papalapit sa bintana.

“boo!”

“wahhhhh!!!-“ napasigaw ako as in sa sobrang gulat, mabuti nalang at napahawak agad ako sa bibig ko!

Siya naman ay todo halakhak! Nakakainis!! Tumingin ako sa digital clock ko na nasa side table.

Walang-hiya talaga tung demonyong to!!! Basagin ba naman ang bintana ko??!! and Goodness gracious! It’s 2 a.m. !!! aba nang-aasar talaga ang lalaking ito ah!

“hoy Trent Demonyo!!! Ano ba ha?!! Natutulog ako! Wag kang epalogs!! Nakakainis ka!!” sigaw ko.

Di nya ako sinagot, lalo pa syang humalakhak ng todo. Sige! Tawa ka lang! yung hindi na talaga makahagip ng hangin para mamatay ka nang demonyo ka!!!

“AAAARRRHHHH!!! Nakakainis kang lalake ka!! I hate you!!” maiyak-iyak kong sabi! Nakakainis talaga eh! Sa sobrang galit ko ay napaiyak ako. Pumunta agad ako sa kama ko at nagtago sa kumot ko. Mahirap na.. baka magdiwang pa ang demonyong yun !

Sa kakaiyak ko, nakatulog na agad ako.

Pag-gising ko, naalala ko yung nangyari kagabi. Nagagalit na talaga ako sa kanya..

Di ba nya magawang di ako saktan?? 

Kailan pa ba sya titigil sa mga kalokohan nya? :(

I hate you!

.

.

I HATE YOU TRENT! AND SWEAR TO GOD MAGDUDUSA KA! DI NA KITA PAPANSININ!

Author's Note:

WAHHH!! T^T i hate you daw Trent!

The Neighborhood Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon