1: ENCOUNTER

33 3 0
                                    

Lianne's POV

*tutut

Inis kong kinuha ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko at tinignan kung bakit kanina pa tunog ng tunog.

Nak nampucha kahit kelan talaga 'tong mga 'to

Binuksan ko agad yung chat head ng group namin at agad kong binasa yon

{O.O}

First day na first day napa away agad ang king ina

Nasa A.P building ako nung mabasa ko ang text na iyon kaya naman mula A.P building ay tinakbo ko hanggan sa makarating ako sa MAPEH...

Away away tapos pag nalatayan iiyak iyak ang king ina

Nung matanaw nila akong papalapit ay agad na tumakbo sakin si Liz.

"Yan! Nalatayan si Kem tsaka si Gem.. Pulang pula yung pisngi ng mga king ina" galit na sigaw ni Liz

"Gago bat ka umalis!? Engot ka talaga!"

Agad kong tinakbo yung likod ng mapeh building at nagulat ako nung nakita ko sila Kem at Gem na hawak hawak nung apat na babae. Akmang sasampalin si Kem nung kaharap nya kaya naman agad akong lumapit sa kanila at sinalag yung sampal nya.. Ngayon ay hawak ko na sya sa kamay.

"Y-yan" bakas sa boses nila Kem at Gem na kinakabahan sila. Hindi dahil sa wala silang palag ngayon.. Kinakabahan sila dahil sakin.

Binato ko pababa ang kamay nung babaeng yon at ...

*Plak
*plak

Tsk tsk tsk. Bakit di nila kinaya tong mga 'to?

Sinampal ko sya sa magkabila nyang pisngi. Bakas na mukha nilang lahat ang pagkagulat. Hinila ko sila Kem at Gem palayo sa kanila. Pinauna ko yung dalawa kaya ako ang medyo nahuhuli sa paglalakad. Naramdaman kong hinabol ako nung sinampal ko kanina at bigla nya akong hinarap sakanya.

"Ang kap--" akmang sasampalin nya ako pero nasalag ko nanaman iyon. Matapos kong ibato pababa ang kamay nya ay agad ko ulit syang sinampal sa magkabilang pisngi nya.

"How dare y--"

"How dare YOU" kalmado ngunit may diing pagkakasabi ko sa kanya.

"Aishhhhh! Di pa ako tapos sa in--"

"Sibat na" pagkabitaw ko ng huling linya ko ay agad na kaming umalis don.

Habang naglalakad kami pabalik sa A.P building ay sobrang tahimik namin. Nag papakiramdaman kung sinong unang mag sasalita. Nang hindi ako makatiis ay ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Sumunod kayo sakin"

Agad naman silang sumunod sakin papunta sa dulo ng AP building.

"Ano yon!? Bakit may ganon!?" Inis na tanong ko sa kanila

"Hinihintay ka kasi namin dun sa may bench dun sa mapeh.. Akala namin dun ka dadaan sa gate sa likod... Wala naman kaming ginawa dun sa limang yon! Pinapanood namin mag volleyball yung dalawa sa kanila nung biglang tinamaan si Kem ng bola nila.. Tumawa pa ang mga king ina" kwento ni Liz.

"Nabwisit naman si Kem at hinila nya ako para komprontahin yung dalawa. Aba ang mga king ina.. Minura si Kem tapos sinabunutan papunta dun sa likod.. King inang yan" animo'y inis na sabi ni Gem

King inang mga 'to!

"Mga engot! Dyan! Dyan kayo magaling! Sa pag k-kwento!" Inis na sigaw ko dun sa dalawa.

Fighting For You [ On Going ]Where stories live. Discover now