Liam's POV
"Par lubayan mo na si Mia.. Sa loob ng tatlong taon eh ilang beses ka na nyang ni- reject.. Hindi ka ba nag sasawa? Ayun oh si Lianne ang tirahin mo" pangaral ni Xander
"Par tirahin daw oh?" Natatawang tanong naman ni Rei kay Migz
"Pare wala namang bastusan" awat ko sa kanila.
"Lapitan mo kasi.. Pag pinansin ka lubayan mo na si Micha pag hindi ka pinansin edi humanap ka ng iba" seryosong sabi ni Xander
"Deal" mayabang na sagot ko.
Habang papalapit ako kila Lianne ay kinakabahan pa ako kaya lumingon pa ako kila Xander. Sumenyas naman sila na ituloy ko ang pag lapit ko kila Lianne
"Switch tayo mamaya" natatawang sambit ni Lianne
Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko nung makita ko ang mga tawang iyon pero wala pa talaga akong maramdamang kakaiba sa loob loob ko. Pinagmamasdan ko pa rin ang mga ngiti nya ng biglang nagtama ang paningin namin kaya naman...
Nginitian ko sya atsaka kinawayan..
Nanatiling naka taas ng bahagya ang kamay ko habang hinihintay ang reaksyon nya. Kahit na sa loob loob ko ay kinakabahan ako dahil sa deal namin kaya pilit kong itinago iyon.
Laking gulat ko ng bigla syang ngumiti at kinawayan din ako..
Dali dali naman akong tumalikod atsaka...
"Yessssssss!" Natutuwang sigaw ko habang pabalik ako kila Xander
"Ano pare kras mo na si Lianne?" Tanong ni Migz
Kaya pinakiramdaman ko ulit ang sarili ko... Pero wala parin akong maramdamang kakaiba.
"Parte na sya ng pag mu-move on ko" nakangiting tugon ko sa kanila..
Natapos ang recess at nag umpisa nang mag discuss ang teacher namin. Kahit anong pilit na pakikinig ang ginagawa ko ay wala talagang pumapasok sa utak ko.. Pakiramdam ko ay may tumitingin sakin. Agad ko naman naisip yung mga tawa ni Lianne
Napakagandang tawa
Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa naisip ko kaya nag kunwari akong may kukunin sa bag. Pumihit ako patalikod at pasimpleng tumingin kay Lianne at laking gulat ko nang makita kong naka tingin din sya sa akin
5
4
3
2
1
At inalis nya na ang paningin nya sakin. Natuwa naman ako dahil kahit na kanina lang namin nakilala ang isa't isa ay alam ko... Nararamdaman kong interesado sya sakin.
__________
Lianne's POV
Kakaibang kaba ang naramdaman ko sa mga tingin na iyon. Sa loob ng dibdib ko ay tila gustong kumawala ng puso ko.
Hanep
Lumabas naman ang teacher namin kaya naman na mabilis kong nilabas ang cellphone ko dahil baka may nag chat.
Binuksan ko ang data ko at isa isang naglabasan ang mga chat heads ngunit naagaw ng isa ang atensyon ko.. Hindi pamilyar sakin ang picture niya at ngayon ko lang nakita iyon..

YOU ARE READING
Fighting For You [ On Going ]
RandomLianne Peralta, ang babaeng pinag ti-trip-an yata ng tadhana. Nasa kanya na ang lahat. Talento, kagandahan, kasikatan, kaibigan, pamilya, pera, pero may kulang pa rin sa kanya. Ang lalaking mag mamahal sa kanya.. Muntik na syang hindi maniwala sa f...