5: DEAL

19 2 0
                                        

LIAM'S POV

TOK! TOK! TOK!

TOK! TOK! TOK!

Napa bangon ako ng 'di oras mula sa hinihigaan ko dahil sa sunod sunod na mga katok sa pinto ko na kanina ko pa naririnig. Kahit na nakapikit ay pilit akong nag lakad papunta sa pinto para buksan ito.

"Ano na? 4:30 na tanga!"

"Mmm.. Tek-- 4:30!?"

"Oo! Hangal ka talaga first subject nyo si Mrs. Vasilidez ngayon kaya kumilos kilos ka jan!"

Nang tumalikod ang magaling kong kapatid ay dali dali akong pumunta sa banyo upang maligo.

Natapos ko ang dapat tapusin. Nakaratin na ako sa school at kasalukuyang tinutungo ang aming room pero gaya ng inaasahan ay late ako.

Unti unti akong sumilip sa room upang mapansin ng teacher namin at para masabi ko na ang nakagawiang "sorry i'm late, may i come in?" Pero bago pa man ako magsalita ay naririnig ko na ang boses nya na parang nang sesermon.

"Jusko Tanfelix! Meaning ng light lang eh hinde mo alam!?"

"Eh ma'am naka-"

"Shatap!"

"You! Baket ka late ha!? Ano pang tinutunganga mo dyan? Hala pasok! Bilis!" Baling sakin ng teacher namin kaya naman agad din akong pumasok at naupo sa pwesto ko.

"Ikaw na late dyan! Ano ang meaning ng light?" Tanong niya. Bakit ba ang init ng ulo neto?

"Electromagnetic wave that carries energy ho"

"Aba gaano ba kabigat iyang ano mo at hinde ka maka tayo dyan ha? Next time pwede ba ha?!"

Bakit ba napadpad dito 'tong teacher na 'to? Tsaka bakit ang sungit sungit? Ang aga aga panira nang araw.

Nagpatuloy naman ang teacher namin sa pag suaulat sa blackboard kaya pumihit ako patalikod para silipin si Lianne. Kung titingnan mo siya ngayon ay sobrang busy niya dahil may kung ano siyang kinukutkot sa ilalim ng desk niya.

"Aba! Peralta ikaw ba eh nakikineg saken ha? Osige ano ang sinabi ko kanina? Ha?"

Agad namang tumayo si Lianne at....

"Oo ma'am ang sabi nyo nga eh-- Aba gaano ba kabigat iyang ano mo at hinde ka maka tayo dyan ha? Next time pwede ba ha?!"

Lintek na lang ang tawanan sa room dahil sa naging sagot ni Lianne.

"Ha! Kung talagang nakikineg ka eh masasagot mo itong itatanong ko sayo"

"Osige ma'am"

Natahimik muli ng lahat at nanatiling nakamasid sa kanilang dalawa.

"If turning back of the light wave as it hits a barrier is refraction, bending of wav--"

"Anak ng-- hahaha baliktad amput-- hahaha"

Lahat ay nagulat sa iniastang iyon ni Lianne. Maging ang teacher namin ay naiwan ding nakatulala sa harapan. Mag sasalit na sana ang teacher namin pero inunahan siya ni Lianne.

"Reflection means-- turning back of the light wave as it hits a barrier. While refraction, it is a bending of wave as it hits a medium with different density--- so ma'am baliktad yung sinasabi mo kanina" sabi ni Lianne habang diretsong naka tingin sa teacher namin.

"W-Well sinusubukan l-lang naman kita at wag mokong yabangan! A-akala mo kung sinong madunong!"

"Atleast tama ako?" Sarkastikong sagot naman ni Lianne.

Fighting For You [ On Going ]Where stories live. Discover now