Chapter 7

6 0 0
                                    

Vacation Month

Bakasyon ngayon kaya nagplano kaming magbabarkada na magouting kahit saan basta sa malapit, natulog ako sa bahay nila mark para sabay sabay na kaming pumunta sa meeting place. 4am ang calling time namin dahil bibiyahe pa kami, napagdesisyonan ng magbabarkada na sa La Union lang kami pumunta dahil lahat kaming magbabarkada ay takas lang sa mga magulang namin. HAHAHA This is Highschool dude!


 5am na at magkakasama na kaming magbabarkada, naghead count na kami at kulang kami ng isa, haynako wala pa si Karlo, siya nalang ang hinihintay namin. Pumunta kami sa Tapat ng bahay nila Karlo at naglakas loob akong tawagin siya, Buti nalang at nakabihis na siya.


Nang makumpleto na kaming lahat, bumyahe na kami papuntang La Union, May konting kaba dahil lahat kami ay hindi nagpaalam sa mga magulang namin, and besides wala pala ako nun! (insert dramaaaaa) hahahhaa


Convo with mark
"Inaantok ka?"

"Oo kanina pa."

"Tulog kana muna sa balikat ko"


Inakbayan ako ni mark at natulog ako sa kanyang balikat makalipas ang dalawang oras sa wakas andito na kami sa Elyu, Tumuloy kami sa tita at tito nila mark, sa tabi ng bahay nila ay ilog kung saan pwedeng lumangoy langoy doon. 


Tatlong araw na kami dito at enjoy naman kaming lahat. Habang Nakaupo ako magisa sa kubo sa labas ng tinutuluyan naming bahay, nagmumuni muni ako doon habang kumakain ako ng mangga na may sili suka at alamang,  nakita kong papalapit si karlo saakin. Bakit nga ba sa tuwing mag isa ako palagi siyang andyan 😂 Bakit kaya grabe na yung malasakit ng taong to saakin.. hmmmm,


Convo with Karlo
"Bro kamusta okay ka lang jan?"-Karl

"Oo naman tara dito kain tayo ng mangga. babalatan kita"

"Sige a bro haha, oh kamusta naman kayo ni Mark bro? Nagaway ba kayo?"

"uhmm ngayon? Hindi naman bro haha, ikaw? Bat ka andito?"

"Eh bakit magisa ka jan bro?"

"Wala lang iniisip ko lang kung magtatagal pa kami ni mark."

"Haha anong klaseng tanong yan bro."

"Hoy Karlo! alam kong may alam kayo sa pinagagawa ni mark pag wala ako, pwede bang mag open up ka na?"

"Baka magaway kami ni mark bro."

"Sus hindi yan! hindi ko naman sasabihin sakanya lahat ng to e, Promise!"

"Marami kang hindi alam Kin, sa totoo lang awang awa ako sayo sa tuwing nakikita ko si mark na may kasamang iba."

Sinabi niya lahat ng kagaguhan ni mark saakin at sobra akong nasaktan kaya iniyak ko nalang kay karlo lahat ng sama ng loob ko sakanya. Nagiinuman ang ibang barkada namin malapit sa ilog  kaya kumuha rin kami ng shot namin ni karlo habang nagkwekwentuhan at saktong sakto naman sa topic namin. sa sobrang pagiiyak ko Pinatahan niya ako at halos tatlong oras kaming nagkwentuhan ni Karlo sa kubo hanggang sa inabutan na kami ng dilim. Sobrang hapdi ng mga mata ko na kasing hapdi ng paso sa puso ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito. 


Dumaan si mark sa kubo at nakita niya kami ni Karlo na naguusap habang umiiyak ako.


The ComebackWhere stories live. Discover now